SEATMATE <3 [4]

50.5K 992 69
                                    

SEATMATE <3 

  ~ tiffanism

( comment naman kau jan o? LOVE you po :*)

SEATMATE <3  [4]

Chelsea's POV:

"Alam mo best? Para kayong couple ni Jake." naka-smile nyang sabi sa akin. "Kung hindi ko lang talaga alam na parang bestfriends lang turingan nyo.. malamang pagkakamalan ko talaga kayong mag-syota. Nagseselos na nga ako eh.. parang mas close ka na sa kanya :(("

Sus! Ang drama ni best ha? Kinindatan ko nga. "Ito naman o, syempre kahit close kami nun.. mas MAHAL naman kita." 

"Tss.. how about us?" lumingon sya kay Nina, "kinalimutan nya na tayo Nina." naka-pout pa nyang sabi.

"Oi, hindi ah!! Mahal ko rin kayo 'no!!" 

"Hahahha!! Yung nguso mo sis.. humahaba na!! Alam mo namang nagbibiro lang ako." tawa pa rin ng tawa si Princess nun. Aish!

"Ahem! Pero best, hanggang bestfriends lang ba talaga kayo?" seryosong tanong sa akin ni best.

Hanggang bestfriend lang ba kami? Hayy~ i don't know >:(  Teka, bakit naman ako nalungkot? I should be happy.. ang sarap kaya sa feeling na magkaroon ng guy bestfriend  ^___^

"Hindi ko pa iniisip yan 'no." totoo naman eh..

Hihi! Nagtataka na siguro kayo ano 'no? Si JAKE, my seatmate.. na lagi akong iniinis, BESTFRIEND ko na ngayon? hahahhah!! What a miracle it is. Tsk! 

Well, two weeks na kasi ang nakalipas.. =O kakashock 'no? ^___^ Hindi naman. Sa two weeks na 'yon nakilala ko yung totoong JAKE. Andame na nga nyang nakwento sa akin eh. Kahit mga walang kwenta, kinukwento nya. Natatandaan ko pa nga one time, nagkwento sya about dun sa mga taong nadaanan nya na nagpapapicture sa tarpaulin ni Kim Chiu -____-

Hindi ko rin alam kung paano kami naging bestfriend.. ewan ko ba, naging close lang kami sa isa't-isa bigla. Nagkaroon pa nga ng rumors sa school na kami na raw, pero buti naman at naagapan agad. Atleast ngayon, alam na nila na bestfriend lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Well, minsan iniinis nya rin ako, pero gaya nga ng sabi ko.. i'm used to it na :)

Pero simula nung nalaman ng mga students sa school na close friends kami, andami ng bumabati sa akin sa school. Andame ko na ngang friends eh.. yung iba pa nga, sa akin pinapadala yung mga letters nila para kay Jake. Ayos lang naman sa akin eh.

"Ooppss. 5 minutes na lang before the time, tara na sa classroom?" nakatingin sa relong sabi ni Nina.

"Wait, magtatali muna ako. Ang init kasi eh." ewan ko ba, kanina pa ko naiinitan, kahit may aircon naman sa room. 

Itinali ko naman yung buhok ko nun. Hindi na nga ako nag-suklay eh.. basta naitali ko lang. Nagmamadali sila eh. Nung natapos na ako, bigla ba naman akong tiningnan ni best.. shock nga yung face nya eh.

"OMG! Best, ang cute mo pala pag nakatali ang buhok mo!!" sa totoo lang minsan lang akong magtali ng hair, hindi kasi ako nasanay eh.

"Oo nga!" tss. So cute lang ako pag nakatali? -__- 

Tinaasan ko lang sila ng kilay pero naka-smile pa rin. Binobola na naman ako ng mga best friends ko. Simpleng pagtali lang ng hair, cute na? Hindi ko na lang pinansin yung mga pinagsasasabi nila sa akin.

Pero habang naglalakad kami papuntang room, napapatingin sa akin yung mga kabatchmate ko na mga lalaki.. meron pa ngang sumipol sa akin. Langya!!

"See, i told you!! Ang cute mo talaga!!" kumindat pa sa akin si best pagkasabi nun. Nagmadali na lang akong lumakad para makarating agad sa classroom. Feeling ko tuloy mas umiinit yung paligid ko. 

O______O -- classmates

HUH? Don't tell me pati mga kaklase ko? Argh!! Ano bang masama kung nagtali ako ng buhok?? Hindi naman big deal ah!! Naiinis na ako!!

Tanggalin ko na nga lang 'tong pony tail ko. Akmang tatanggalin ko na nung nilapitan ako ni Jake.

"Wow, seatmate!! Ikaw ba yan?" tiningnan nya ako from head to toe.. tapos toe to head na naman. "You look...terrible." pinalo ko nga sa braso. 

Umupo na lang ako sa upuan ko.. tatanggalin ko na talaga!! 

"Oooppss. Tatanggalin mo na? Wag muna seatmate." pinigilan nya yung kamay ko. "Picture muna tayo." kumindat pa.

Woah! Mas lalong umiinit ang paligid ko. Am i in hell already?? Kasi naman may pakindat-kindat pang nalalaman eh  >___<

"O, seatmate. Smile ha? Wag mong sirain ang cellphone ko." Oo na, oo na! Pero ano konek? Nag-smile na lang ako pero pilit lang. 

"O bakit ang saya mo naman ata?" naka-smile kasi sya ng todo-todo habang nakatingin sa cellphone nya.

"First picture natin itong dalawa seatmate!!" talaga? Pinakita nya pa sa akin yung cellphone nya, tama bang gawin na wallpaper? Pero, kinilig ako dun ha! >___<

Ewan ko ba, napapansin ko these past few days.. kahit simpleng paggulo lang nya ng hair ko.. kinikilig ako. Tapos, kahit hindi nakakatawa yung mga jokes nya, i find it funny. Seriously, what's wrong with me? May crush na ba ako kay seatmate??

OH NO!! XD

Seatmate &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon