"Cosplay? Anong wika iyan? Ingles?"

"Bakit? 'Di ka ba nag-c-cosplay? Hayop sa ganda ng costume mo, makatotohanan! Swear, mukha kang galing gyera! Ta's tatanungin mo sa'kin ngayon kung anong wika ang cosplay?" Humalakhak ang kaibigan ko. "Joke ba 'yan? Ikaw talaga o!"

Sira ulo din 'tong si Pau eh. Pero totoo ang sinabi niya, napaka-realistic, parang kung saan nagsuot yung lalaki!

Wala namang pista sa Candon. I doubt kung may cosplay event din. Ang weird lang na naka-suot siya ng khaki uniform at shoulder straps-- basta, kumpleto ang costume niya na parang sumabak talaga siya sa gyera.

"Kuya, ano palang kailangan niyo? Naliligaw ba kayo?"

"Ang gyera! Ang gyera daw ay natapos na?" tanong niya bago hawakan ng mahigpit ang balikat ko.

Mukha siyang balisa.

Hindi kaya sira ulo lang 'to?

Kinabahan na ako. Sinilip ko kung may pulis sa paligid. Kapag 'di pa siya tumigil, balak kong hatakin na lang si Pau at tumakbo.

Naalala kong dati, may nakasalamuha na rin akong babaeng wala sa katinuan at tinawag naman niya akong "anak" habang niyayakap ako ng mahigpit. Wala namang masamang nangyari sa'kin maliban sa kinabahan lang din ako nuong time na 'yon.

"Anong taon na ba?"

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa'min ng kasama ko.

"Taong dalawang libo at labin-lima," ang mabilis at pa-sarcastic na sagot ni Pau.

Dahil processing pa lang ang utak ko at nasagot na agad ni Pau, na-realize ko ambobo ko sa pagbibilang gamit ang Tagalog.

"Punyeta!" Nag-igting ang kanyang panga. "Ibig sabihin, ang kanilang mga sinasabi ay hindi mali!"

Mukang problemado siya dahil 2015 na. Nanahimik siya ng ilang segundo bago magpatuloy muling magsalita.

"Nangangailangan ako ng kaunting tulong at paglilinaw! Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at ano ang dahilan kung bakit ako naririto. Hindi ko mahagilap ang aking mga tauhan. Kung nasa taong dalawang libo na, ang gyera sa Tirad ay matagal ng natapos at--"

Nanlaki ang maliit kong mga mata.

"Tirad? Tirad Pass? Gregorio del Pilar?"

"Ako ba'y nakikilala mo? Ikaw ba si Dolores?" pagulat na tanong ng lalaki. Mukha syang na-excite.

"Nandun ka sa mga libro ko nung elementary at high school. Cool nga ng litrato mo eh. Nakasakay ka sa kabayo. At si Dolores... Hindi ako 'yon. Hindi naman Sangley si Dolores 'di ba, o mali ako?"

Pinagpapawisan na ako ng malamig pero tuloy lang sa pagsakay sa trip nitong makata. Wala pa din akong makitang pulis.

Dapat talaga hindi na ako sumama kay Pau eh! Bwisit!

Wala pa akong makitang ibang tao na asa paligid.

Ba't naman kasi andilim pa dito sa lugar na 'to?

"Nasa libro.. ako? Nakita mo ang aking larawan?" Takang-taka siya sa sinabi ko.

Ready na talaga akong sumigaw.

Diyos ko, wala naman akong narinig na Panggap-Bayani na Modus ng mga magnanakaw ng pera; kami na ata ang magiging unang biktima!

Wala din akong pepper spray.

Anong gagawin ko? Hindi kakayanin ni Pau na ipagtanggol ako, pusong babae siya eh! Sa mga panahon na 'to, wini-wish ko na sana lumabas ang pagkalalake niya. Sayang naman kasi yung pag-g-gym niya. Mukhang ako pa din ang lalaban para sa kanya!

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now