“Yes I’m fine, thank you for asking. Ano nga palang ginagawa mo dito?” naisipan kong itanong sa kanya out of curiosity.

"Baby, sila Drei ang supplier ng fertilizer dito sa hacienda natin." Sa halip na si Drei ang sumagot ang Daddy ko ang nagsalita.

"Personal ko nalang minomonitor mga delivery namin lalo na kung free ako." Sa pagkaka alam ko ang sabi ni Anne graduating na daw ito gaya ni Mark kaya naman nag simula na itong magtraining sa sariling kumpanya.

"That's great." humahangang sabi ko sa kanya.

"Hija, pupunta kami ni Drei sa kwadra ipapakita ko sa kanya ang mga bagong dating na kabayo, want to join us?" kahit kailan talaga hindi na mawawala ang pagkahilig ni Daddy sa mga kabayo.

"I want to Dad, but im tired I want to have some rest." Magalang na tanggi ko sa kanya.

"Sige pahinga ka na Faye. See you tomorrow sa school." Paalam sa akin ni Drei ng pumayag si Daddy na hindi na ako sasama sa kanila.

"Okay, Dad akyat na po ako. DJ gotta go!" pagdating ko sa kwarto ko agad akong humiga at napa isip tungkol doon sa nangyari kanina.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now