3rd Drip ..

141 4 0
                                    

Your Blood is Killing me  >>> 3rd drip ..

By: TrenzEbor


3rd drip*


Umikot ang ulo ni Silesia upang mapagmasdan ang kabuuan ng magarbong sala. Nagniningning ang mga mata niya sa pagsipat sa bawat muwebles na naroroon.


"Nagustuhan mo ba?"


Nilingon niya ang nakangiting si Sela. "O-opo, a-ate. Napakaganda."


"Mas magugustuhan mo ang iyong kwarto. Simula ngayon, dito na tayo titira."


Napalitan ng pagtataka ang maamo niyang mukha.


"Si Riel, pinahiram niya sa atin ang bahay na ito." Agad namang saad nito.


"Napakabait pala niya." Namamangha pa ding bulalas niya.


Mahihimigan sa tinig ni Silesia ang paghanga sa binata. At hindi iyon ikinatutuwa ni Sela.


"BOSS, anong nangyayare sa'yo? Daig mo pa ang pusang hindi mapaanak, ah!" Puna ni Daor na hilong hilo sa katatanaw kay Voltaire.


Mistula isang asong sisinghot singhot ang itsura ng huli. Tila may hinahagilap na amoy sa hangin. Paikot ikot. Pabalik balik.


"May kakaiba sa paligid." Lumapit ito sa maluwang na bintana. Hinawi ang makapal na kurtina noon. Halos idikit niya ang mukha sa salamin. Mula ikalawang palapag, tumanaw siya sa madilim na kawalan.


"Ang hangin, may mabangong amoy na dala." Mistulang nangangarap na saad ni Voltaire. Pumikit pa siya at sinamyo ang hangin na tila ba wala ng bukas.


"Boss, baka tumulo pa ang laway mo niyan."


Matalim na tingin ang inihagis niya dito.


Napakamot ang Eccanto. "Para ka naman kasing gutom na gutom. Nakahain na ang pagkain mo boss."


Nang marinig iyon, padaskol na tumalikod sa bintana ang binata at iniwan si Daor. Napailing naman ang huli. Pasimple pa itong suminghot sa hangin.


"Wala namang kakaiba." Bulong niya. "Ay anak ng bampira!" Bigla naman niyang sigaw nang sumulpot na lang sa harap niya si Voltaire. May bahid pa nang dugo ang bibig nito.


"Dugo pa." Anas nito.


"Boss, ubos mo na agad ang hapunan mo? Aba matinde! Magdiet ka naman —"


"Dugo pa!"


Nagulantang si Daor sa sigaw na iyon. "C-coming."


PAGKATAPOS magpiyesta ni Voltaire sa inihain ni Daor na tatlong ulit ang dami sa natural niyang diyeta. Mabilis niyang nilisan ang komedor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHERBET ROMANCE 2: Your Blood Is Killing Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon