2nd Drip..

136 4 0
                                    

Your Blood is Killing Me!! >>> 2nd Drip



May pagmamadali ang bawat hakbang ni Silesia kahit pa nanghihina na siya.


Nagsisimula nang kumalat ang liwanag. Batid niyang hindi magandang ideya iyon. Tiyak, nagkalat na ang mga tao sa liwasan at hindi ikatutuwa ng mga ito kung makikita siya.


Mabuti sana kung may iba siyang madadaanan. Ang kaso ay wala!


Umaasa na lamang siya na hindi pa gaanong marami ang mga tao. Makakaya pa niyang tiisin ang masasakit na salita mula sa mga ito.


Mangkukulam!

Anak ng engkanto!

Sugo ng demonyo!

White lady!

Malas!

Impakta!


Ilan lamang iyan sa maaanghang na salita na ibinabato ng mga ito sa kanya.

Pero ang mga iyon ay kaya niyang lunukin. Tiisin!


Pero hindi ang pagpukol ng mga ito ng bato sa kanya. O nang kahit anong mapupulot. Ganoon karahas ang mga ito sa tulad niya. Buti sana kung naririyan ang inang Sela niya. Ang tangi at nag-iisa niyang tagapagtanggol. Matanda na ito at uugod-ugod subalit sa isang salita lamang nito ay marami ang napapasunod.


Ang kaso iniwan niya ito sa kanilang kubo. Madilim pa lang ay lumakad na siya. Sinigurado niyang tulog pa ito. Sa katunayan gumamit siya ng kakaunting sangkap ng pampatulog para hindi agad ito magising. Sigurado kasi siyang hindi siya papayagan ng matanda sa nais niyang gawin.


Araw kasi ng biyernes ngayon. At ito ang araw kung kailan matatagpuan ang natatanging bulaklak na matagal nang ninanais makuha ng kanyang inang. At siya ring dahilan kung kaya't nagtitiis sila sa liblib na baryo ng Nipulan. Sa kambal na bundok kasi na matatagpuan sa paligid ng baryong iyon sumusulpot ang bulaklak ng Sinevui. Ang bulaklak na ang akala ng lahat ay sa alamat lamang nabubuhay. Ang bulaklak na may kakayahang pabatain ang kahit sino. Isang daan taon ng pagkabata ang kayang ipagkaloob ng katas ng isang bulaklak ng Sinevui.


Matagal nading hinahangad na makakuha ng bulaklak si Sela. Subalit palagi itong umuuwing bigo. Kaya naman si Silesia ay nagpasyang kumuha ng bulaklak para sa kanyang inang. Ayon kasi sa kwento, mailap ang Sinevui kapag isa nang may edad ang naghahanap. Nagpasiya ang dalaga na magbakasakali upang maibigay kay Sela. Sa pamamagitan man lang noon ay masuklian niya ang kabutihan ng matanda sa kanya.


Alas dos pa lang ng umaga ay lumarga na si Silesia. Suot ang pinatuyong balat ng buwaya na ginawang pangginaw ni Sela para sa kanya. Matyaga niyang binaybay ang baryo ng Nipulan, palabas. Wala pang kalahating oras narating na niya ang paanan ng kambal na bundok. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang umakyat roon nang may buong ingat. Hindi siya maaaring masugatan o magkagalos man lang. Bago sumapit ang ikatlo ng umaga, nasa lugar na siya kungsaan sinasabing tumutubo ang Sinevui. Naupo siya sa nakita niyang nakatumbang puno at tahimik na naghintay. Hindi siya kumukurap man lang.


Subalit ang hindi alam ng dalaga, hindi ganoon kadaling makakuha ng bulaklak. May isang nilalang na nagbabantay dito.

SHERBET ROMANCE 2: Your Blood Is Killing Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon