CHAPTER 45

2.3K 96 4
                                    

CHAPTER 45

JESSIE'S POV

December 7 na ngayon at pauwi na kami sa bahay namin ngayon, yung nangyari noong birthday ko ayon okay na ang akala nila na may nangyari sa amin ni Kyler ay 'di naman talaga, ganun pala ako pag nalalasing naghuhubad, grabeng paliwanagan ang ginawa ni Kyler ang ginawa niya sa barkada at kay Menard, ako wala akong paki sa kanila may hang over ako eh, nagsisigawan nga sila, kaya lalong sumakit ang ulo ko kaya naman ang ginawa ko ang ang mahagip ng kamay ko ibinabato ko kahit kanino kaya ayon basag basag mga gamit ni Warren sa rest house niya, kasalanan naman nila yon alam naman nilang may. Hang over ako tatanungin at magsisigawan silang lahat, kaya ayon noong nagsimula ako magbabato ng mga gamit na mahawakan ko lumabas silang lahat at ako naman nilock ko agad ang pintuan at humiga sa sofa at natulog, kaya ayon andon sila sa labas na nagsisigawan, pero noong gabi na okay na nagkalinawan na kaya naman, napagplanuhana namin na umuwi na ngayon,

Gabi nga ngayon medyo malayo kasi ang private resort nila Warren kaya naman ginabi na kami sa kotse ni Kyler ako sumakay dalawa lang kaming dalawa sa kotse niya tahimik lang kami kasi tulog ako buong byahe, medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko first time ko malasing noong birthday ko at grabeng kahihiyan pala ang ginawa ko, habang kinukwento sa akin ni Kyler ang pinaggawa ko tawa siya ng tawa sa akin, ako naman halos parang kamatis na ang mukha. Takte kahihiyan yon nagawa ko pala talaga ang maghubad sa harap ni Kyler, 'wag naman sana ako itakwil ng mga kamag anak namin dahil sa ginawa ko.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko bumaba na ako, tiningnan ko si Kyler na nasa kotse niya pa rin tinaasan ko siya ng kilay, siya naman pekeng tumatawa habang iniwas ang tingin sa akin

"'Di ka ba baba jan at papasok sa bahay namin"mataray kong tanong sa kanya

"Ahehehe, wag na lang gabi na!"sabi niya habang umiiwas ng tingin sa akin kunot noo ko naman siyang tiningnan

Problema ba ng lalaking ito

"Hoy Kyler Luke tumingin ka nga sa akin!"sigaw ko sa kanya dali dali naman siyang tumingin sa akin pero 'di nga ko matingnan sa mata

Sa asar ko binuksan ko ang pintuam ng kotse niya, tinanggal ko ang seatbelt niya at hinila siya palabas ng kotse niya na hawak hawak ang kwelyo niya

"Aheheh, 'di na Kyle okay lang, sabihin mo na lang kay  tita na ako naghatid sayo at good evening na rin"sabi niya

"Bakit 'di na lang ikaw kaya huh"sabi ko habang hila hila siya sa kwelyo niya papasok sa bahay, nang makapasok kami nakita ko si mama na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine nang maramdaman niya yata may tao ay binaba niya ang binabasa niya at ngumiting lumapit sa akin

"Ang baby girl ko umuwi na namiss kita anak!"sabi ni Mama habang niyayakap ako napabitiw siya sa akin at lumapit kay Kyler inikutan ito ni mama at tiningnan mula ulo hanggang paa bago.

"HOY MARCELO SINONG NAGBIGAY SAYO NG PERMISO MAKAPASOK SA PAMAMAHAY KO!!"sigaw ni mama kaya naman tinakpan ko ang tenga ko tsk ganyan ang nanay ko sobrang lakas ng boses kapag sumigaw at talagang mag eecho sa buong bahay kapag sumigaw na si mama,

'Di ko alam kong matatawa ako noong makita kong namumutla si Kyler sa sigaw ni mama maya maya nakita kong nagmamadaling bumaba si papa mula sa taas habang hawak hawak ang isang libro

"Oh? ano nangyayari?"tanong ni papa nang makita niya ako ngumiti siya at niyakap ako pero nang makita niya si Kyler kumunot ang noo niya

"Bakit mo pinapasok yan sa bahay natin?"tanong ni papa kay mama

"Aba ako pa sinisi mo, nagulat na lang din ako at kasama yan ng anak natin"mataray na sabi ni mama

"Palabasin mo na yan"sabi ni papa naguguluhan naman akong tumingin kay mama at papa na nag aaway na sa harap ko akala ko ba gustong gusto nila akong ipakasal kay Kyler eh bakit ngayon galit na galit sila kay Kyler

"So ako pa talaga uutusan mo huh!"sabi ni mama kay papa habang masamang nakatingin dito, ngumiti naman si papa at inakbayan si mama

Tsk...

Takot kay mama!

"hoy Jessie Kyle bakit mo ba pinapasok yan?"sabi sa kin ni papa

"Akala ko ba gusto ni Kyler bakit parang galit na galit kayo sa mokong na ito?"tanong ko habang tinuturo ang katabi kong si Kyler na namumutla pa rin.

"At ikaw Kyler Luke bakit namumutla ka huh, nababakla ka na naman ba?"tanong ko kay Kyler

"Ah eh tita aalis na po ako"sabi ni Kyler

"Bukas ang pintuan"sabi ni mama

"Hatid ko lang siya ma, pa"sabi sasagot pa sana si mama at papa pero hinila ko na si Kyler palabas ng bahay, pagkalabas namin, tiningnan ko ng masama si Kyler

"Explain!"sabi ko

"Ah eh hahah"sabi niya habang umiiwas ng tinggin sa akin

"Ano? naiinip na ako"sabi ko

"Ganito kasi yon diba noong nasa restaurant tayo sinabi mo kina tita at tito kung bakit ayaw mo magpakasal ayon, nagalit sila sa akin at grounded ako sa bahay niyo at bawal kitang makita eh, galit din kasi sa akin si tita at tito"sabi niya habang nakahawak sa may batok niya.

Pokerface ko naman siyang tiningnan

Kaya pala.

"Sino ba may kasalanan"sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng seryoso

"A-ako"sabi niya napasmirk ako sa kanya

"Problema mo na yon"sabi ko sabay lakad papasok sa bahay

"Oy Kyle, wala na mang ganyanan ikaw rin naman may kasalanan eh sinabi mo pa"sabi niya kaya naman napatigil ako at tumingin sa kanya

"Sinisisi mo rin ako?"sabi ko

"Hindi naman sa ganun. pero kasi tulungan mo ako sa mama at papa mo?"sabi nya

"'Di ko na kasalanan yon,"sabi ko sabay lapit sa kanya

"....goodluck.... and good night"sabi ko sa kanya at kiniss ko siya sa pisngi niya, nakita ko naman na natulala sya sa ginawa ko tinapik ko ang pisngi niya, bago pumasok sa bahay.

"Jessie Kyle mag usap tayos, tayo sa kwarto mo"sabi ni mama, sabay kami umakyat ni mama sa papunta sa kwarto ko pag punta namin sa kwarto ko sinabi sa akin ni mama ang lahat.

'Di ko alam kong maasar ba ako o tatawa ako sa mga sinabi ni mama, pero sa huli 'di ko mapigilang matawa. Nestfruta sino ba kasi ang di matatawa.

exciting 'to!

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon