CHAPTER 38

2.1K 91 2
                                    

CHAPTER 38

Jessie's POV

'Di na ako dumeretso sa clinic, dumeretso na ako ng uwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay deretso ako sa kwarto ko nilock ko ito, at humiga ako sa kama doon ako umiyak ng umiyak.

Bakit ba napakaiyakain ko ngayon 'di naman ako ganito dati, a?

Bakit?

Bakit ba kasi  ako umiiyak?

Tumayo ko sa pagkakahiga at umupo sa kama ko, pinunanasan ko ang mga luha ko at kinalma ang sarili ko.

"'Di dapat iyakan ang mga ganoong klaseng tao, kaya tumigil ka Jessie" sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako sa pagakakahiga at pumunta sa banyo para maghilamos.

Pagbalik ko sa kama ko narinig ko na tumunog ang cellphone ko.

(Hello baby girl)

Napairap naman ako sa sinabi ni mama, oo mama ko ang tumawag.

"Mama 'di na ako baby, bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

(Gusto ko lang pala na sa isang araw uuwi na kami nga papa mo diyan )

Yes! Uuwi kayo kasi paghahandaan niyo ang kasal na 'di naman matutuloy.

'Di ko namalayan pumatak na naman ang luha ko.

"A, mabuti naman po" sabi ko na natural lang ang boses.

(Oo anak by the way pag-uwi namin may sasabihin ako sa iyo)

"Alam ko na ma ipapakasal niyo ako kay Kyler" sabi ko  na tumulo na naman ang luha ko.

(Aw! Sino nagsabi sa'yo, siguro si Menard 'no, 'yong batang talaga 'yon napaka-excited at sinabi na sa iyo

Hindi ko alam pero na-ikoyom ko ang kamao ko.

So totoo pa lang alam na nila.

Wow ha!

Ako na lang talaga ang 'di nakakaalam.

"A, opo 'ma" sabi ko.

(O siya anak inatayin mo na lang kami ng papa mo 'yan )

"A sige 'ma, bye"  sabi ni mama

(Bye anak , love you)

Pagkasabi nila noon pinababa na agad nila.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko.

Ganoon na lang ba talaga ako kadaling ibigay ng mga magulang ko.

Masaya sana na uuwi sila sa birthday ko, Kasi 'yon 'yong unang birthday ko na makakasama sila pero.

Tangna naman!

Hindi ganoon e, uuwi sila para sa kasal ko.

At excited pa sila.

Sunod-sunod nang pumatak ang luha ko kahit na anong punas ko sa mga luha ko patak pa rin sila ng patak.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon