Chapter 35: Stalker

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumagal ang biyahe ng mahigit dalawang oras. Bumaba na rin ako nang bumaba si Mick ng Bus. Sobrang ingat ko upang hindi niya mapansin, mahirap na't baka mabuko akong lihim ko siyang minamatyagan.

Pumara siya ng tricycle. Maging ako'y sumakay rin at inatasan ko ang driver na sundan na lamang ang tricycle na nauna sa amin. "Manong pakisundan na lang yung tricycle na 'yun."

Sobrang kinakabahan ako na hindi mapalagay. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Hindi kaya kasabwat ng mga tiyahin ko itong si Mick kaya mabilis na nabigo ang aking misyon? Hindi pa buo ang teorya kung ito pero base na rin nung andun pa kami sa Palawan, sa bahay ni Guadalupe Regis, mukhang may alam siya sa pag set-up sa samin ng isa sa mga tiyahin ko. O di kaya'y nabayaran siya ng mga ito? Pero paano? At bakit? Nagpagamit ba siya sa kanila dahil sa naging hidwaan naming dalawa? Ayokong paniwalaan pero maaaring ito ang dahilan.

6:45 na ng gabi nang makapunta sa Address na nakalagay sa card. Tama nga ang hinala ko na dito siya pupunta. Maingat kong sinundan siya sa pupuntahan. Pumasok siya sa may parke kung saa'y punum puno ng halamanan kaya't nakakapagtago pa ako habang siya'y minamatyagan.

Madilim dilim na kaya't hindi ako nahirapang magtago. Pansin kong napatigil siya sa may malaking puno ng akasya, tantiya ko'y tatlumpong talampakan ang layo naming dalawa sa pinagtataguan kong halaman. Patingin tingin siya sa kanyang relo na halatadong may hinihintay. Maya maya'y binunot niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Hindi ko pa rin marinig kung sino ang kinakausap niya, malamang sa kung sa malamang ay tauhan yun ng mga tiyahin ko, o hindi kaya'y mga tiyahin ko mismo?

Kinakagat na ako ng lamok sa lugar na pinagtataguan ko. Halamanan kase e, tiis-gwapo muna ang status ko habang nag-aantisipa sa kung anumang pwedeng maganap. Makaraan ang dalampung minuto ay may biglang lumapit na isang lalaki sa lokasyon ni Mick. Sa una'y hindi ko siya nakilala dahil sa suot na sumbrero nito pero laking gulat ko nang siya'y matukoy.




"Joaquin?"





Tunay ngang si Joaquin ang nakikita ko. Siyang siya nga, yung Joaquin na may hitsura. Labis akong nasorpresa sa aking nasaksihan. Anong kuneksyon niya kay Mick? Ni hindi nga nag-uusap ang dalawang yan sa kasagsagan ng misyon ko. Wala akong kaidedeya sa mga nangyayari ngayon. Not even a single clue. All I know is ang Joaquin na ito'y ginamit lang ni Tito Sunico para malaman kung saan nakatago ang kayamanan, kaya't ginamit niya ako pati si Alex. Nakumbinsi niya kami na siya ang isa sa mga ampon ni Mama kahit hindi naman.

Bigla akong nakaramdam ng takot, ni hindi na ito kinaya ng kaba lang. Takot na baka may plano silang hindi maganda at takot na baka mahuli nila akong pinapanuod sila. Nag-uusap lang ang dalawa na parang may hinihintay pa, maya maya'y sinamahan sila ng isa pa. Nanlaki ang mata ko sa taong lumapit sa kanila. Hindi ako makapaniwala kung bakit naririto siya at may kuneksyon siya kina Joaquin at Mick.





"Ten?"




Tama, si Ten Ten nga ang nakikita ko. Ang buhok niya'y ganun pa rin, pixie style at medyo pumayat siya ngayon. Pero bakit siya narito sa Pinas? E ang pagkakaalam ko'y nasa Amerika siya. Higit sa lahat, ano nga bang nangyayari sa mundo?

Napakamao ako, hindi na ako nakaramdam ng takot. Tila gusto kong lumabas sa aking lungga at magpakita sa kanila para sila'y magpaliwanag na tatlo. Mukhang may pinaplano sila na lingid sa kaalaman ko.

Habang pinapanuod ang tatlo'y may naramdaman akong kakaiba sa kinatatayuan ko. Parang may katabi ako. Naririnig ko yung manaka-nakang ingay ng natatapakang dahong tuyo. Madilim sa lugar kung saan ako nakatayo kaya mahirap matukoy o maisip na sinasamahan ka ng kakaibang nilalang. Tumingin ako sa bandang kaliwa kung saan narinig ko ang kaluskos. Napansin kong may korteng tao na tila pinapanuod din ang tatlong star of this show. Lumapit ako sa kanya at agad ko namang namukhaan ang taong kasakasama ko pala habang nanunuod ng palabas....







"ALEX?????"






Napatingin siya sa 'kin at sa di inaasaha'y bigla siyang napasigaw.



"AHHHHHHH!!!!"



Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang malaki niyang bunganga. Lagot na, mukhang nagulat ko ang isang 'to, maging 'yung tatlo'y awtomatikong napatingin sa pinagtataguan namin.

"Ako 'to si Jace....." pabulong kong sabi upang kumbinsihin siya. Ibinitiw ko ang aking kamay na tumatakip sa kanyang bibig nang makumbinsi siya.

"Jace ikaw ba 'yan?"

"Ako nga 'to!"

Nabuko na! Pansin kong dali-daling lumapit ang tatlo sa pinagtataguan namin. Hinila ko ang kamay ni Alex sabay takbo.

"Ano bang ginagawa mo rito Alex ha?" tanong ko sa kanya habang patakbong lumalayo sa lugar.

"E ikaw ba't ka rin nandirito?"

"Ikaw ang tinatanong ko kaya sumagot ka!" balik ko sa kanya.

"E sinundan ko lang si Joaquin. Gusto kong malaman kung saan siya pupunta. E ikaw? Atsaka bakit kasama niya si Kuya pati yung isang babaeng kamukha ni Doris Bigornia?"

Hindi naman kamukha ni Ten si Doris. Kabuhok lang naman.

"Aba malay ko....." tanging nasagot ko.

Biglang bumitiw si Alex sa pagkakahawak ko sa kanya nang makaramdam ng pagod. Hingal na hingal siyang napatuwad.

"O ba't ka huminto? Wala na tayong oras?"

"Teka nga Jace, ba't ba tayo tumatakbo? Napapagod na akech! Ba't di na lang tayo magpakita? Mga serial killers ba yung mga yun para pagtaguan natin? Haller andun si Kuya! Siguradong wala namang gagawin sa 'tin ang mga 'yun....." sagot niya nang pahingal.

May punto si Alex pero hindi pa rin ako masyadong kumbinsido na wala silang gagawing masama. Pero andun naman si Ten e? So ano nga namang saysay ang pag-iwas pa namin. Nabuko man nila kaming nagmamatyag sa kanila'y nabuko rin naman namin silang magkakakilala at kunektado sa isa't isa.

"Halika..." muli kong hinablot ang kamay ni Alex, this time ay babalik kami upang magpakita sa kanila.

"Wait lang Jace... Ouch!" hindi ko na ininda ang pagdaing niya.

Nagkasalubong kaming lahat. Napatigil sila nang makita kaming sinasalubong sila. Nagpakita ako ng pagkaseryoso na para bang na caught in the act ko ang aking asawang may kinakasamang lalaki.

"Anong ibig sabihin nito," madiin kong katanungan sa kanila. Bakas na bakas samga mukha nila ang pagkabalisa. Nagsesenyasan pa ang tatlo kung anong gagawin. Si Mick ay hindi makatingin ng diretso sa'kin, si Joaquin nama'y parang natatae. Si TenTen nama'y panay ang kagat labi. Ganyan siya tuwing kinakabahan.

"Anong ginagawa no rito Ate? Ba't kasama mo silang dalawa?"

Di nakasagot si Ten at halatang halata ang pagkabalisa niya. Siguradong may itinatago siyang lihim. Hindi ko maiproseso sa utak ko kung ano ang pinaplano ng mga ito kaya't nagtatapang tapangan na lang ako upang mapagtakpan ang aking pagkalito't pagkabalisa.


"SORRY GUYS......" mahinahong sambit ni Ten


Sa hindi ko malamang kadahilana'y biglang lumapit sa 'min yung dalawa. Si Joaquin ay kay Alex at si Mick ay sa akin. Biglang may itinutok silang kung anong bagay sa ilong namin.

Hindi na ako nakapalag dahil ilang segundo lang ay nandilim ang buong paligid ko at nakaramdam ng panghihina.......

**********

200 votes
60 comments sa Next Chapter
Mahulaan niyo kaya ang twist ng story?








How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon