Nagising ako dahil sa dalawang katok sa kwarto ko.
"Pasok po."
Dumungaw lang si Mama na may ngiti sa labi sa may pinto.
"Good Morning, anak. Bumangon kana dyan at mag asikaso. May nag aantay sayo sa baba." Sabi ni Mama.
"Susunod na po ako sa baba." Ngumiti lang si Mama bago isara muli ang pinto.
Pagtingin ko sa bedside table ko 5:30 pa lang ng umaga.
Tsk. Anong nakain ng mga baliw na yun at naisipan akong gambalain ng ganito kaaga?!
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso na pababa.
Hindi na muna ako nag abalang maghilamos man lang, tutal mga baliw din naman haharapin ko e. :)
Nung last three steps nalang ng hagdanan, nagulat ako sa lalaking nagsalita ng "Hi! Good Morning." Sabay wave pa ng kamay. Kaya naman sa halip na makababa ako gamit ang paa e naglanding ako sa baba sa pamamagitan ng pwet ko. Puteeeeeek. Ang sakit! >____<"
Lumapit sya agad sakin at akmang aalalayan ako. Pero tumanggi ako.
E kasi naman. Wala pa kong hilamos, mumog o kahit suklay man lang! Ni hindi na nga ako nag abalang mag tanggal ng muta, o tiggnan kung meron nga ba. =__=
Malay ko bang Prince Charming at hindi mga bruhilda ang nag aantay sa kagandahan ko.
Whoooo! Ang aga aga, ang hangin hangin ko. :)
"Okay ka lang ba?" Tanong nya.
Nakita ko din na lumabas ng kitchen sina Mama at Yaya Linda.
Tumango lang ako. At nag hand gesture na aakyat muna ako sa taas.
Pag balik ko sa kwarto ko. Naligo na agad ako.
Ng matapos ako. Humarap ako sa salamin at sinubukang kurutin ang sarili ko. At anak ng tokwa! Ang sakit!
So, totoo nga! This is not just a dream! Nasa bahay talaga namin si Ry!
But wait, What does Riley Montefalco doing in my house?!!!!
Huminga ako ng malamim, at nag umpisang maglakad pababa ng hagdan. Doble ingat ang ginagawa kong pagbaba, kasi pansin ko lang nagiging accident prone ako basta nakakaharap ko si Ry. Masyado kasing natataranta ang buong sistema ko e.
"Ah. Hehe." Poootek! Anong klaseng pag bati yan, Belle?! Para kang timang!
E hindi ko kasi alam kung pano sya babatiin, pagkatapos kong maglanding na parang eroplaning papel sa harap nya kanina. :3
"Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong nya na may pag aalala.
Nasa may baba na ako ng hagdan habang sya ay nasa may sala namin.
Tungunu! Parang gusto ko munang kiligin.
Okay. Ang babaw ko =___="
"Ah. Oo naman. E, Ry. Bakit ka nga pala nandito?"
"Ah. Naisip ko kasi na sunduin ka tapos sabay nalang tayong pumasok ng school. Okay lang naman sayo diba?"
"Ano ka ba?! Sympre okay na okay lang. Kahit araw arawin mo pa. Hahaha."
Pero sympre, hindi yan ang sinabi ko.
"Oo naman." - Ako.
"Halina kayo, mag breakfast na tayo. Belle, Hijo..."
"Ry po. Ma'am." Tapos nag bow sya.
Sooooo.. gentelman talaga. *Q*
"Tita Jasmine nalang, hijo." Sabi ni Mama ng nakangiti.
For sure iniisip ni Mama na ito na yung Ry na kinukwento ko sa kanya na crush ko. Sigurado din ako ilang beses na din akong inaasar ni Mama sa isip nya.
Sa pangiti ngiti pa nga lang ni Mama, parang nag A-ayieee na e. Aish! Si Mama talaga. :3
"Ah. Belle, ayos ka lang ba talaga? Bakit namumula ka?" Si Ry.
Napahawak tuloy ako sa mukha ko. Narinig ko namang tumawa si Mama.
"Hahaha. Ganyan talaga yan si Belle, hijo. Namumula pag masaya. Halina kayo dito sa kusina ng makapag agahan na"
Nakakahiya talaga >///<
Nung nakita kong medyo nag aalangan si Ry. Nilapitan ko sya.
"Halika na. Masarap gumawa si Mama ng pancakes."
Ngumiti naman sya at sumunod na din sa'kin sa kusina.
------
Naglalakad na kami papuntang school. Walking distance lang naman e, malapit lang kasi ang school at mall sa bahay namin.
Medyo awkward nga e. Ang tahimik.
"Ang sarap nga talaga nung Pancakes ni Tita Jasmine no? May strawberries." Pag babasag ni Ry sa katahimikan habang nakangiti.
Ngumiti lang ako.
Wala akong masabi e. Tsaka nahihiya ako. Kahit naman may pagkabaliw ako, marunong pa din naman ako mahiya.
"Ah. Belle, pwede bang magtanong?"
Kung ibang tao siguro to, babarahin ko ng "You just did."
But since si Ry sya na Ultimate Crush ko. Exempted na sya. Haha. Okay. Ang landi ko. =___="
"Okay lang naman, basta wag lang Math."
Medyo napatawa naman sya.
E totoo naman e. I love Math, pero di ako love ng Math. Mantakin mo bang pahirapan ako lagi ng Math na yan.
"Where's your Dad, para kasing hindi ko sya nakita kanina e?"
Napatahimik ako.
Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa'kin si Ry na parang hinihintay yung sagot ko.
Pero maya maya ay iniba nya ang topic, siguro napansin nyang hindi ako komportableng sagutin ang tanong nya.
"May Assignment ka na ba sa English?" Pag iiba nya ng tanong.
"Oo naman. Hehe. Favorite subject ko yun e."
"Buti naman, akala ko wala ka na namang gawa e." Tapos ti-nap nya yung ulo ko at bahagyang ginulo yung buhok ko.
Yung parang ginagawa sa mga bata. Yung ganun. Gets nyo?
Basta yun na yun. Hahaha.
Nakapasok na kami sa room at nailapag na namin yung gamit namin ng mag paalam si Ry na may kukunin daw sya sa Library.
Tumango lang ako at ngumiti.
Pag kaalis ni Ry. Hindi pa din nawawala ang ngiti ko.
E bakit ba? Masaya ako.
Ikaw ba naman sunduin ng crush mo at sabay kayong pumasok sa school diba? Tignan ko lang kung hindi kayo ngumiti ngiti na parang ewan kagaya ko.
Dream come true kaya to ng mga may Ultimate Crush na gaya ko?
Di ba? Di ba?
Nagulat ako ng biglang may mag poke ng tagiliran ko.
Seriously, Anong meron at kanina pa akong trip na trip gulatin dito?!! =___="
Word of the day. 'Gulat' TSS!
Si Steffi at Kryztal lang pala.
Sabagay, sino pa nga ba?
"Teka. Parang nahuhuli na ata kami sa balita? Kelan lang usap-usap, moment-moment lang. Bat ngayon may hatid at sabay-sabay pa?" Si Steffi na bahagyang shini-shake pa ang balikat ko.
"Hala! Baka nililigawan ka nya!" Sabi naman ni Kryztal na parang bright idea yung sinabi nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A-Ako? Ni...N-Nililigawan ni Ry?!!!
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Notepad (Short Story)
Короткий рассказAko si Belle. Simple, walang arte, mababaw ang kaligayan, masarap maging kaibigan. Ganyan ako idescribe ng mga tao sa paligid ko. Pero naisip ko, na dahil kaya sa mga katangian ko, sa pagiging plain ko, kaya hindi ako magustuhan ng taong gusto ko?
