*****************

Lumabas na ako ng building habang medyo hinihimas ko pa yung likod ng kamay ko. Medyo mahapdi at parang namumula na. Ahuhu....

“Yesha!”, may tumawag sa akin at pag-lingon ko, si Nathan pala. Anong ginagawa nya rito?

“Nathan?”, nagtataka kong sagot sa kanya.

Naku, patay. Pababa pa lang yung mga kumag na yun. Ano na lang iisipin ni Nathan pag nakita niya sila. Haynaku, pwede ko namang sabihin na hindi ko kilala yung mga iyon. Tama! Tama! Tama!

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag-iisip ko nang dumating ang mga members ng Raven. Hala! Parang palapit pa yung isa sa akin.

“Miss A-----“

Hindi pa nya naitutuloy ang sasabihin nya pero binigyan ko na sya ng kunwari-hindi-mo-ako-kilala-look. Mabuti na lang at nagets nya yun at dumiretso na sila palabas. At mabuti na lang ay nakatalikod ako kay Nathan kaya hindi nya nakita yung eye-to-eye talk namin ng mga kumag na yun.

“Kilala mo sila?”

“Ah, hindi. Ba’t ko naman sila makikilala?”, muntik lang naman ako mamatay dahil sa mga yun.

“Ganun ba? Para kasing mga Koreano yung mga iyon kaya akala ko kilala mo sila. Pero ang weird nila ha.Uhmm... Hindi ba half-Korean ka?”

“Yes pero di ko sila kilala. Ha-ha. Baka may party kagabi sa katabi naming unit.”

“Party? Ano yun, black-eye party? Ang weird ha...Hahaha..”

“Ha-hahaha...Baka idol nila ang Black Eye Peas...Hahaha”

Tama kayo ng iniisip mga readers. Yung dalawampung gangsters na lumabas ay may tig-iisang black-eye. Yun lang naman ang ganti ko sa kanila. Hahaha....Ayos na yon kaysa naman sa offer nila na buhay nila. Hindi naman ako papatay nang sa ganung dahilan lang.

Nabalik ang atensyon ko kay Nathan.

“Ba’t ka pala nandito?”

“Ahh. To give you this.” May inabot sya sa aking envelop at agad ko namang binuksan.

“Omo! Omo! Omo! Is this for real?” Hindi ko makapaniwalang tanong kay Nathan.

“Yes.”

“Thank you Nathan!” Hindi ko napigilang yakapin si Nathan sa sobrang tuwa ko. Backstage pass kasi sa concert ni L yung binigay nya sa akin. Kahit kaya kong bilhin yung pinakamahal na ticket sa concert nya, hindi naman nabibili yung backstage pass. Sa raffle lang kasi yun makukuha at kakambal ko ata yung kamalasan kasi kahit napakarami ng entries ko ay never pa ako nabunot. As in never. Kaya sobrang saya ko talaga na nagkaroon ako ng backstage pass nang ganito kadali.

Saka ko lang narealize ang awkward position namin ni Nathan. Nakayakap pa rin ako sa kanya. Mukhang pati sya ay nagulat. Inalis ko naman agad yung pagkakayakap ko sa kanya.

“Sorry, natuwa lang kasi talaga ako.”

“A-ayos lang.”

Bakit ganito. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Epekto ba to ng pagkakayakap ko kay Nathan? Kailangan ko na bang magpa-check up?

***Nathan’s POV***

Nagulat ako nung niyakap ako ni Yesha. Parang tumigil ang paligid nang mga oras na iyon. Teka? Bakit pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko. It’s like what I felt nung una kong nakita si Miss A. Pero bakit the feeling is the same? Ano ba tong iniisip ko? Yesha is not Miss A.

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя