Chapter 12

672 11 4
                                    

***Yesha's POV***

Sa wakas, makikilala ko na rin yung kapatid ni Kai na super fan din ni L. Super excited na ako na ma-meet sya.

Ilang araw ko na din kasing kinukulit si Nathan tungkol dito. Mabait naman sya kahit feeling ko nakukulitan na rin sya sa akin. Nahihiya kasi ako kay Kai lalo na ngayon na kine-claim syang boyfriend ng kapatid kong baliw.

Kasalukuyan akong nag-aayos sa harap ng salamin. Nailagay ko na rin sa bag ko yung ibang collection ko ng albums ni L.

Si Suzy? Hayun, busy sa harap ng laptop. Hindi ko alam ang ginagawa nya pero mukha naman na masaya sya. Tawa sya ng tawa habang kumakain ng samu't saring junkfoods.

I'm ready to go now. Sumilip muna ako sa kwarto ng kapatid ko.

"Bye Suzy!", paalam ko sa kanya.

"Annyeong unnie!", sagot nya sa akin nang hindi man lang lumilingon sa akin. Hayyzzz... Ang kapatid ko talaga..Ipinagpapalit na naman ako sa laptop nya.

Lumabas na ako at sumakay sa elevator pababa ng building. Ini-start ko na yung kotse ko at nagsimula nang bumiyahe. Syempre, nagpatugtog ako ng mga songs ni L para hindi ako ma-bored.

Nung tumawag si Kai sa akin kagabi, super saya ko talaga. Kahit na sinusuportahan din ako ng kapatid ko sa fandom ko, hindi naman sya fan ni L. Iba pa rin ang feeling na may mame-meet ka na kaparehas ng interes mo.

***flashback***

Kakagaling lang namin ni Suzy sa mall. Grabe kanina, naimbyerna talaga ako sa isang hater ni L. Grabe makapan-insulto. At nagkataon pa talaga na ako ang nakarinig. Nawala na talaga ako sa mood that time so umandar na ang pagiging gangster fangirl ko.

Alam ko naman na sobra yung ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan. Nasa gitna pa lang ako ng pag-iisip kung pano ko ulit babalikan yung Bernadette Cruz na yun ang biglang mag-ring yung phone ko...

[0999***** Calling]

"Yeoboseyo?", nagkorean ako...Malay ko ba kasi kung sino tong tumatawag. Ilan lang naman kasi ang may alam ng number ko. Si Suzy, Nathan, Daddy at ilang members ng Gang.

[Ha? Sino si Yobo? Is this Yesha? Yesha Kathleen Hwang? Si Kai to, bestfriend ni Nathan]

"Ikaw pala yan Kai. Sorry! Kala ko kung sino na"

[Okay lang...Uhmmm...About pala dun sa kapatid ko. Nabanggit kasi ni Nathan]

"Ahhh..Yes! Masyado ba akong nakakaistorbo?"

[Nope, actually gusto na rin nya kayong magkita kahit bukas na kung gusto mo.]

"Talaga? Yehey!"

[Ansaya mo ah...Haha...]

"E kasi naman. Gustung-gusto ko na talaga syang ma-meet"

[Ok ok...Meet kayo bukas sa House of Sweets, kung saan mo ako nakitang nagtatrabaho. Pero, kung okay lang, sweet and desserts na lang pag-usapan nyo, kung pwede?]

"Ahh...Okay...."

[Good, then I'll hang up na. 9 am tomorrow..Her name is Ren. Bye!]

"Bye!"

***flashback ends***

Nandito na ako ngayon sa House of Sweets tulad ng sabi ni Kai. On time ako ngayon dahil napuntahan ko naman na to dati kasama si Suzy so hindi na ako nahirapan na puntahan.

"Welcome to House of Sweets!", bati sa akin nung isang staff. Bagay na bagay talaga yung pangalan ng shop, pati kasi staff ang sweet ng bati at ngiti.

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Where stories live. Discover now