Gulat na nilingon ako ni Jared at mas lalong namula ang mukha niya. "What was that for?" tanong niya. 

Nagkibit balikat ako at naramdaman ko din ang pisngi ko na nag init, "W-Wala.. 'yung dimple mo kasi."

"O.. T.. P!!" sigaw bigla ni Kei kaya naman napalingon kami sakanya. Sabay silang umirit ni Ethel bago sila nag apir. 

"Nagsisimula na!" sigaw naman ni Ethel. 

Pinaypayan ni Kei ang sarili niya gamit ang kamay niya, "Jusko ang tagal din nating naghintay."

"A-Ano..?" Uminit ang buong katawan ko at napuno ako ng hiya. Anong sinasabi nila? Ni hindi ko na matignan si Jared! Hinalikan ko lang naman ang pisngi niya dahil ang cute cute ng dimple niya!

"WALA!" sabay na sigaw ni Kei at Ethel bago magka tinginan at kiligin nanaman. Nahulog ang tingin ko kay Beatrice na iniikot ang isang daliri niya sa gilid ng ulo niya. Maski si Angelo ay tinitignan ang girlfriend niya na para bang isa itong takas sa mental. 

"Alak lang 'yan," natatawang sabi ni Henry at sabay sabay kaming uminom. 

Madaling bumalik sa normal ang usapan. Tumatawa ako sa isang sinabi ni Kei nang maramdaman ko ang daliri ni Jared na nagsasayaw sa balikat ko. Inilapit ko ang katawan ko sakanya hanggang sa tuluyan na siyang naka akbay saakin. Wala sa mga kaibigan namin ang nag re-react kaya naman mas lalo akong inilapit ni Jared sakanya hanggang sa ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya at naka sandal na ang ulo ko sa pagitan ng balikat at ulo niya.

Ano 'tong ginagawa namin? Bakit ang intimate? Lasing na talaga kami. 

Naramdaman ko ang bibig ni Jared malapit sa tenga ko at hindi ko na napigilan ang ngisi ko. "Nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo ngayon?"" bulong niya. 

Nanatili sa mga kaibigan namin ang mga mata ko pero nakay Jared ang buong atensyon ko. "Ngayon lang?"

Itinuloy ng mga daliri niya ang pag sayaw sa balikat ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko. "Ngayon... kahapon.. bukas at sa mga susunod pang araw."

Tinakpan ko ang bibig ko dahil natatawa ako sa sinasabi niya. Halata sa boses niya na natatawa din siya. Mahina kong siniko ang tyan niya bago ko inilayo ang sarili ko para matignan siya. "Lasing ka na Jared," sabi ko. "Lumalabas nanaman si Lionel."

Dahan dahang umangat ang gilid ng labi ni Jared sabay kinindatan niya ako. Hindi ko na napigilan ang tawa at kilig ko kaya naman tumayo na ako at hinila na din siya. "Lasing ka na talaga," sabi ko sakanya bago lingunin ang mga kaibigan namin. "Pupunta lang kaming mini stop. Bibilhan ko ng tubig 'to nang mahimasmasan naman." Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at hinila na si Jared paalis sa lamesa namin.  

Sarado ang buong main road ng syudad para lamang dito sa Octoberfest. May isang malaking stage ang magkabilang dulo ng kalsada at isa sa gitna. Bawat isa ay may bandang tumutugtog. Magkakalayo naman sila kaya hindi problema kahit magsabay sabay pa dahil hindi naman naririnig. Sobrang daming tao kaya naman hindi na nag abala ang mga resto bar, club at iba pang bilihan na mag sara. Kasama na doon ang mini stop na matatanaw mula sa pwesto namin. 

Magkahawak kamay ulit kami ni Jared. Sa totoo lang ay nasasanay na akong maging malapit sakanya. Kumportable ako kay Jared, kahit kailan ay hindi ako kinabahan o nakatakot kapag siya ang kasama ko. Kung sinabi mo saakin noong first day of school na magiging ka-close ko itong englisherong galing section one ay paniguradong tinawanan na kita. Akala ko kasi noon ay sobrang magkaiba kami dahil sa estado namin sa buhay. Isama mo pa ang pagka mahiyain niya habang ako naman ay makapal ang mukha kaya sobrang awkward namin noon at hindi nag uusap. Kaya pasalamat din ako at nagka crush si Ethel kay Angelo noon dahil kung hindi dahil sakanila ay hindi kami magiging close ni Jared. 

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now