"Ganito ang gagawin natin para mapalabas si Rain."

(HUGO)

"I told you i'm fine. Wag na kayong mag-alala sa akin."

Ilang beses na yang sinasabi ni Rain sa amin. Akala namin kung ano na ang nangyari sa kanyang noong isang araw, buti na lang sandali lang nawala ang paningin ni Rain. Ang sabi ni Sir Reign, ilang beses na nangyari kay Rain iyon pero ngayon lang daw ulit naulit matapos ang mahabang panahon. Isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na maayos ang lagay ni Rain.

"No you're not. Ayaw na namin maulit ang nangyari, muntik na kaming atakihin lahat sa nerbiyos. Dito ka lang sa kwarto mo."

Matigas na sagot ni Sir Reign kay Rain. Alam namin na sa aming lahat siya ang pinaka nag-aalala. Kitang-kita naman kasi kung gaano niya kamahal si Rain. Halos hindi na nga ito natutulog para lang gumawa ng paraan para gumaling si Rain.

"Pero anong gagawin ko dito? Gusto kong lumabas lalo lang akong lalala kung dito lang ako nakakulong.."

Nakita kong naikuyom si Sir Reign ang kamao niya.

"You will stay here whether you like it or not. I'm saying this as your father."

Galit na sagot ni Sir Reign tapos lumabas ng kwarto ni Rain. Natahimik si Rain, nakayuko lang siya. 

"Hija, pakinggan mo siya. Mas makakabuti kung dito ka muna."

Mahinahon sagot ni Sister Teresa. Niyakap siya ni Rain.

"Opo.."

Maya-maya pa tumayo na si Sister Teresa at si Madam Crystal.

"Babalik na lang ulit ako. Naiwan ko kasi ang mga bata doon, alam mo na baka biglang mag-wala ang mga iyon kung hindi pa ako umuwi."

Nakatingin lang si Rain kay Sister. Pero kitang-kita sa mga mata niya na ayaw pa niyang paalis ang madre. Pero bahagyang tumango din siya.

"Ihahatid ko lang si Sister. Si Hugo at Angelique muna ang magbabantay sa iyo.."

Sabi ni Madam. Pagkatapos ay lumabas na sila at naiwan kaming tatlo. May kinuha si Rain sa side table, litrato ni Max. Hinaplos-haplos niya iyon.

"Noon, lagi akong nakakulong dito. Nakatingin lang sa labas kasi hindi nila alam ang gagawin sa akin. Inggit na inggit ako sa mga batang bumibisita sa ibang pasyente dito kasi nakakapaglaro sila ng walang nagbabawal. Tapos ang saya-saya pa nilang tignan. Samantalang ako, nakakulong sa apat na sulok na ito."

Halatang-halata ang lungkot sa boses niya. Nagkatinginan lang kami ni Angelique.

"Minsan pa nga tumakas ako para makipaglaro pero nahuli ako ng isa sa nurse dito at ibinalik ako sa kwarto ko. Nalaman ni Sir Reign, pero hindi niya ako pinagalitan. Sabi niya kung gusto kong lumabas sabihin ko ang daw sa kanya sasamahan niya ako. Buhat noon nakakalabas na ako pero hindi pwedeng maglaro. Pero okay na sa akin iyon basta nakalabas ako. At habang lumilipas ang panahon hindi na sapat sa akin ang nakakalabas. Gusto ko din maging normal. Ibinigay nila ang gusto ko, pinag-aral nila sa labas basta lagi akong may check up."

Napatingin siya sa amin ni Angelique.

"Ganun talaga siguro ang buhay ng tao. Kapag nakuha mo na ang gusto mo, mag nanais ka ng higit pa. Noong makita ko si Max nun gusto ko siyang maging kaibigan nung naging kaibigan ko siya gusto ko naman maging kasintahan niya. Nag-expect ako ng masyado kaya sa huli ako pa din ang talo."

Mapait siyang napangiti.

"Lumayo ako para makalimutan siya. Pero ang puso ko hinahanap-hanap siya. Nasanay na ata akong lagi akong nasa tabi niya."

Niyakap niya ang litrato ni Max.

"Alam niyo ba kung bakit naghigpit na sila sa akin? Isa lang ibig sabihin nun, lumalala na ang kondisyon ko. At siguro bibilangin na lang ang araw ko dito. Pero bago pa man mangyari iyon gusto ko lang maging maayos ang lahat bago ako umalis. Gusto ko ulit siya makita at makasama. Silang lahat.."

Pinagmasdan ko si Rain, masasabi kong maswerte ako dahil nakilala ko ang isang Rain Garcia. Walang sinuman ang makakapantay sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. 

"Magkikita kayo kung pahihintulutan ng panahon. Pero sa ngayon pagtiyagaan mo muna ang mukha namin ni Angelique."

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. 

"Magpahinga ka na lang muna. Malay mo sa paggising mo makasama mo na sila, si Max.."

Sabi ni Angelique at tinulungang humiga si Rain. Hinaplos-haplos niya ang buhok ni Rain.

"Max.."

Mahinang sambit niya. At maya-maya pa nakatulog na siya. Lumabas kaming dalawa ng kwarto ni Rain.

"Anong gagawin natin?"

Tanong sa akin ni Angelique.

"Hinahanap na nila si Rain. Alam kong gagawa na sila ng paraan para makita siya. Pero hindi nila pwedeng makitang ganito si Rain."

Sabi ko sa kanya.

"Maybe i can help?"

Napanlingon kami ni Angelique.

"Madam Crystal.."



A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon