Chapter: 40 "Collins Technologies"

1.4K 62 52
                                    

"Luto na po itong breakfast. Gusto mo pong ipaghain na kita?"

"No need Dolly. Nagmamadali ako sa office na lang ako kakain mamaya."

"Pero ate hindi ka rin po kumain kagabi."

"Don't worry. I'll make sure to eat my breakfast later." Tapos nagmadali na rin ako sa paglabas at nagmaneho papunta sa office.

"Thank God you came!" Exaggerated na sabi ni Mr. Marquez mula dito sa labas ng kompanya.

"Ano pong ginagawa ninyo dito sa labas? Akala ko po ba pag-uusapan natin kung paano ako makakatulong sa kompanya?"

"Exactly! Pero sa sasakyan ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat." Tapos hinatak niya ako papasok sa loob noong van niya na hindi ko rin alam kung saan ba papunta.

"Mr. Marquez, saan po tayo pupunta?"

"Sa Collins Technologies."

"Collins Technologies?"

"Collins Technologies is one of the most respectable Company in Europe that supplying latest and high tech softwares and gadgets around the world. Napakayaman nila at napakarami ring koneksyon sa labas at loob ng ating bansa."

"So?"

"Isn't obvious? Collins Technologies ang nakikita kong tanging solusyon sa problema natin. Mag-o-offer tayo ng merging sa kanila at pagpumayag sila siguradong hindi na tutuloy sa pag-alis ang ibang board member sa kompanya natin at malaki ang posibilidad na mas maraming kompanya ang makikisosyo sa atin."

"If that so then why do I need to be here? Mukhang kaya mo naman pong makipag-usap sa kanila kahit ikaw na lang mag-isa."

"No Sandra. Ilang beses ko nang sinubukang kausapin ang CEO nila pero lagi na lang nare-re-schedule ang meeting ko sa kanya. But this morning, his secretary called me up and said that their CEO will only meet our Company if you will be the one who'll represent it."

"Huh? Bakit naman po ako?"

"I don't know either. At mas mabuti kung mamaya na lang natin iyan pag-usapan kasi andito na tayo." Tapos binuksan na niya ang pintuan nitong van at bumaba na kami.

Bahagya akong nalula so laki nitong building na nasa harapan ko. Malaki na ang building nang kompanya namin pero mukhang triple ata ang laki at lawak nito sa amin.

"Welcome to Collins Technologies, Ma'am, Sir." Bati sa amin noong mga taga-front desk.

"I'm Mr. Isidro Marquez, the CEO of Javier Group of Company and I have here, Miss Sandra Reyes. We're having a meeting today with Mr. Collins, the CEO." May awtoridad na sabi ni Mr. Marquez.

"Just wait for awhile Sir, I'll call Miss Ivanna first to confirm your meeting with Mr. Collins." Magalang na sabi noong isa sa front desk bago siya nag-dial sa telepono niya. "Ummm... Sir, Miss Ivanna said that Mr. Collins doesn't have a meeting with anyone except to Miss Sandra Reyes alone."

"Paano po iyan Mr. Marquez?" Nag-aalangang tanong ko.

"It's okay Sandra. Dalhin mo ito sa pagpunta po sa office ni Mr. Collins." He said while stretching me a long brown envelope.

"What is this?" I asked while browsing the envelope.

"That contains our proposal for Collins Technologies.

"I'll try my best."

"Don't try Sandra, do it."

Napilitan na lang akong tumango sa kanya kasi mukhag wala naman akong ibang choice.

"Follow me, Miss Reyes." Magalang na utos sa akin nitong babae bago kami sumakay ng elevator.

Pagdating namin sa 60th floor ay may nagsalita mula sa intercom.

"Welcome to the CEO's floor, kindly give us your password before we open the elevator."

"6, 15, 24." Sagot nitong babaeng kasama ko.

"Password accepted. Enjoy your stay!" Tapos bigla na lang bumungad sa amin itong nakapalaking floor.

The interior design was very impressive. Masyadong makabago ang lahat ng bagay na nandito. They have a theater size t.v. A fountain of perfume. And oh, the city view.

"Welcome to the Collins Technologies, Miss Reyes. I'm Miss Ivanna, the CEO's secretary." Pakilala sa akin nitong magandang babae na mukhang British pati na rin ang accent niya.

"Thanks. Nice to meet you, Miss Ivanna." Magalang na sabi ko habang nakikipagkamay sa kanya.

"Mr. Collins, will see you now." Then she lead me to a black metal door besides her.

Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa akin ang napakagandang kulay pula at itim na office. Tapos sa pinakadulo ay nakita ko ang bulto nang lalaking nakasuot ng all white suit na nakatayo sa may Chairman's chair.

"I'll go ahead." Paalam ni Miss Ivanna bago siya lumabas.

I cleaned my throat first before I walk forward on his direction.

"Welcome to my Company." Sabi ni Mr. Collins bago siya unti-unting humarap sa akin at laking gulat ko sa aking nakita.

"I--ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago ko siya muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

He looks different. Maybe because of his new hair cut or maybe because this is the first time that I saw him not wearing black.

"Call me Red. I'm Raven Elliot Darius Collins and it was very nice seeing you, Sandy." He said while streching his right hand to me.

-END OF BOOK 1-


Christ IlluminationWhere stories live. Discover now