Chapter: 22 "Blake Trinidad"

1.1K 58 11
                                    

Nakatayo ako ngayon dito sa tapat ng gate nila Blake at katatapos ko lang pindutin ang doorbell.

"S--Sandz..." Gulat na sabi niya noong buksan niya itong gate.

"Can I come in?" Nakangiting tanong ko.

"S--sure. Of course you're always welcome here."

"Sinong kasama mo ngayon?" Tanong ko habang papasok kami sa loob ng bahay.

"Wala ako lang."

"Asan ang mga maids ninyo pati na rin sina Tito at Tita?" Nagtatakang tanong ko.

Ang dami kaya nilang katulong dito sa bahay tapos wala man lang akong nakikita kahit na isa.

"Matagal na silang wala dito since noong mag-migrate kami sa L.A. tapos iyong dating caretaker ay pinauwi ko muna sa kanila."

"Sorry, I forgot." Nakatakip sa bibig na sabi ko.

Ano ba naman kasing klaseng tanong iyon? Bakit ba nawala sa isip ko na nag-migrate na ang buong family nila sa L.A. right after our high school graduation.

"Okay lang." Tapos umupo kami sa may salas.

"Ummm... Sorry nga pala kung bigla na lang ako pumunta dito ng walang pasabi. Nabalitaan ko kasi ang nangyari doon sa pasyente mo na namatay kaya naisip ko na dalawin ka para kamustahin." Nahihiyang sabi ko.

"No need to be sorry. Basta ikaw laging okay."

"So, how's life? Wala ka pa bang balak magpakasal?" Biro ko sa kanya.

"Actually meron na."

"Really? Who is she? Kilala ko ba siya o baka naman sa L.A. mo siya nakilala? How does she looks like? Kailan ang kasal ninyo? Invted ako ha." Sobrang laki ang ngiting sabi ko.

Masaya ako para sa kanya lalo na at nagbabalak na pala siyang magpakasal. Parang kailan lang paslit pa kaming dalawa.

Since three years old mag-best friend na kami niyang si Blake. Lagi kaming partners in crime. Basta kalokohan expert kaming dalawa pero pagdating sa pag-aaral hindi kami magpapahuli. He is the valedectorian of the class while I'm the salututorian. Siya din ang president ng student council tapos ako naman ang vice president. Madalas pa nga kaming tuksuhin noon kasi bagay na bagay daw kami hanggang sa ma-fall na nga ako sa kanya at sakto namang niligawan niya ako pero ang inaakala kong simula ng aming happily ever after story ay mauuwi lang pala sa happily never after.

Senior prom night namin noon at balak ko na sana siyang sagutin pero nahuli ko siya na nakikipag torrid kiss sa muse ng classroom namin. Siyempre bata pa ako noon kaya mabilis akong nagpadala sa selos. Simula noong gabing iyon ay nilayuan ko na siya hanggang sa nag migrate na sila sa L.A. tapos ako naman pumunta nang Italy at doon ko nakilala si Xia.

Pareho kaming purong Pilipina ni Xia kaya naman mabilis kaming nag-click sa isa't isa hanggang sa namalayan na lang namin na mag-best friend na pala kami. Obviously, ngayon na lang ulit kami nagkita nitong si Blake kaya naman miss na miss ko na siya.

"Well she's nice, sweet and gorgeous. Don't worry kasi talagang invited ka sa kasal. Kahit 'wag nang uma-attend 'yung iba basta ikaw present."

"Wow, especial guest pala ako. Who's that lucky girl? Gusto siyang makilala."

"Actually kilala mo siya."

"Kaklase ba natin siya noong high school?" Naniniguradong tanong ko kasi mukhang may idea na ako kung sino.

"Yes." Tumatangong sagot niya.

"I knew it! It's Monica! She's Monica Enriquez, right?" Tanong ko na ang tinutukoy ay 'yung dati naming muse noong fourth year high school kami.

"No she's not." Umiiling na sabi niya.

"Kung hindi siya then sino?" Kunot noong tanong ko.

Ibig sabihin ba may ibang babae pa siyang pinormahan noong high school kami?

"Saka na." Tapos tumayo siya papuntang kusina.

"Huwag kang madaya please!"

"Hindi ako madaya."

"Kung hindi ka talaga madaya then tell me the name of your future bride." Pangungulit ko habang sinusundan ko siya sa kusina.

"It's still complicated." He said while drinking on his glass of water.

"Why? May problema ba kayo? Ni-reject ka ba?" Nakalumbabang tanong ko habang nakaupo ako dito sa high chair.

"Mas malala pa diyan."

"Paano naging mas malala? May other guy ba?" Pagtatanong ko pa ulit.

"Wala naman ata."

"Wala naman ata? Ibig sabihin hindi ka sure?"

"Sabi ng Daddy niya wala daw." Tapos umupo siya sa harap ko.

"You know what, ang gulo mong kausap."

"You know what, ang kulit-kulit mo." Tapos pinisil niya ang ilong ko.

"Ouch, that hurts!" Reklamo ko habang inaalis ko ang kamay niya sa ilong ko.

"Hindi pa niya alam na pakakasalan ko siya." Biglang sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Anong ibig sabihin mo? Hindi ka pa nakakapag-propose?"

"Parang ganoon na nga."

"Ang hina mo naman. Ngayon ka pa ba matotorpe? You're a licence doctor who graduated from the most prestigious school in the world no other than but Harvard University. At hindi lang iyon, top 1 ka pa sa board exam. O ha, saan pa sila? Gwapo na, matalino at mayaman pa. Kahit na sinong babaeng alukin mo nang kasal ngayon ay siguradong mag-a-I Do agad."

"Kahit na ikaw?" He seriously asked while looking straight into my eyes.

All of a sudden I felt shiver because of those stares.

"S--siyempre hindi. Ibahin mo ako sa kanila." Nauutal na sabi ko bago ako umiwas ng tingin.

"E 'di mali ka sa sinabi mo. Hindi lahat ng babae papayag magpakasal sa akin." Malungkot na sabi niya. "Anyway, let's forget about her. Kumain ka na ba? Gusto mo ipaghain kita? Nagluto ako." Pag-iiba niya sa usapan.

Sandali ko siyang tinitigan. Ibang klase talaga itong si Blake ang bilis magbago ng mood niya.

"Sure. Ano ang niluto mo?"

"Carbonara. Actually trial and error lang ito. Alam mo namang palpak ako pagdating sa pagluluto."

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya.

"Imagine, ang lalakeng ubod ng talino tulad mo ay bagsak pagdating sa home economics."

"Cooking is girls stuff not for boys." Sabi niya habang inilalapag sa harap ko iyong plato na may lamang carbonara.

"Hindi rin. Karamihan ng magagaling na chef sa Europe ay lalake." Tapos sumubo ako ng pasta.

In fairness masarap naman siya medyo napaalat lang.

"Well lahat naman tayo may kanya-kanyang talent and sadly cooking is not part of mine."

"Mabuti pa ako magaling magluto." Pagmamalaki ko.

"Kaya nga ikaw ang gusto kong mapangasawa."

Christ IlluminationWhere stories live. Discover now