"Okay Love. Ingat." Maikling sagot ni Rhian at hinalikan sa labi si Glaiza

"Bye Love. Maglock ka ng pinto pag-alis ko okay? Ingat mamaya. I love you."

"Okay. Ingat." Walang emosyong tugon ni Rhian at sinarado na ang pinto kahit na hindi pa nakaka-alis si Glaiza

~

"Miss Glai dito po? Okay na?" Tanong ng isang lalaki kay Glaiza na busy naman sa pagbasa ng papel na nasa clipboard

Nag-angat sya ng tingin at nginitian ang lalaki "Okay na yan Jeff! Thank you!"

Pinapa-ayos ni Glaiza ang bar para mamaya.

"Oh ano Tsong? Ready na? Bakit ba hindi na lang sa RK tong kaartehan mo. Mabuti pumayag yung manager." Tanong ni Chynna

"Yung Runner's kasi. Gagamitin ko sa pag-propose kay Lovelove." Biro ni Glaiza

"Sus corny mo. Di pa nga kayo umaamin propose ka agad! Malantod ka." Tumatawang sabi ni Chynna sabay gulo sa bangs ni Glaiza

*I heart you Love-Loooooovvvveee*

"Hello Bianca? Oo okay na. Yes ayain mo na si Rhian. Okay byeeee!! See youuu! Thank you!"

~
9:00 pm

"Hi bestie! Ready?!" Excited na tanong ni Bianca

"No." Rhian replied and rolled her eyes tsaka sumakay ng kotse ni Bianca

"Bestie. Hayaan mo na alam mo namang busy si Glai sa upcoming concert nya." Bianca started the engine

"Pero hindi naman sya ganun. I know her. Hinding hindi nya kinakalimutang batiin ako." Malungkot na sagot ni Rhian

~

Nang makapasok sa loob ng bar si Rhian at Bianca ay simula na ang pagkanta nila Chynna.

"Mom?" Takang tanong ni Rhian nang makita ang nanay nyang nakaupo sa isang stool

"Yes anak?" Nakangiting sagot ni Clara

"Kelan ka pa natutong mag-bar?" Natatawang tanong ni Rhian

"Hay nako talaga ang bunso namin. You know what? I don't know if you were born special..." Makahulugang bulong ni Nadine na biglang sumulpot sa likod nya

Makikita ang mga close-friends nila Rhian at Glaiza sa loob ng bar. Pamilya ni Rhian at mga kapatid ni Glaiza. Matapos batiin ang lahat ng nasa loob ay umupo na sya sa isang sofa sa aisle ng bar. Kutob na nyang si Glaiza ang may dahilan ng mga nangyayari.

Lumapit kay Rhian ang isang waiter at inabot ang isang clipboard. Tsaka umalis, tinignan naman ito ni Rhian at binasa.

"When you love someone there's no word in the dictionary that can explain how you love her, why you do, or when did it start, all you know is that you love her with all your heart, because everything happens accidentally, at a certain moment, time and place."

"Ang landi ng jowa mo no?" Bulong ni Katrina sa kaibigan pero nginitian lang sya nito.

Dumating naman ang isa pang waiter at nilapag ang isang baso na may naka-roll na papel sa loob. Kinuha nya ang papel sa baso at binasa itong muli. Patuloy ang pagkanta ni Chynna.

"Everyone has its own different characteristic that other person love. And in that qualities you will never truly know why you fall to that person. Your feelings for her is hard to forget and hard to explain."

"Ehem." Napa-angat ang tingin ni Rhian sa stage nang marinig ang isang pamilyar na boses

Nakatayo sa gitna si Glaiza habang nakatingin sakanya. Nakasabit ang gitara nito sa likuran at nakatapat ang mic sa bibig nito.

Holding Back My Feelings (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon