Chapter XIII

7.9K 253 30
                                    

"Bestiiieeee!!! Best~ie... OH MY GOD!!" Sigaw ni Bianca

Nagising naman si Rhian at binato ng unan ang kaibigan "What the heck Bianca?!" Sigaw ni Rhian at umupo sa kama

Nagising rin si Glaiza at nagwave kay Bianca "Hi?" Nahihiyang bati nito

"Oh shit. Dont tell me kayo na?! Parang two days ka na dito Glaiza ah! Ano to? Tanan na?! Oh my g~"

Hindi natuloy ni Bianca ang sinasabi at tinakpan ni Rhian ang bibig nito

"Hmmmmm!!!" Angal ni Bianca

"Your mouth!" Nanlilisik na matang sabi ni Rhian at nginitian naman si Glaiza

"What?! Im your bestfriend I need to know the truth! Ang sabi ko kay Glaiza nung pinapunta ko sya dito alagaan ka hindi i-kama ka!" Tanong muli ni Bianca

Binato ni Rhian ng unan ang kaibigan "Bianca your BIG MOUTH! Anong kinama?! Monggoloid ka ba?! Magkatabi lang kami sa kama hindi nya ko kinama! And may damit kami oh! Bulag lang? Yang utak mo nabalutan na naman ng dugo ng alien ha! Manyak mo! Baliw!"

"Wow bestie ang dami agad nasabi? Wait! Kayo na ba?" Tanong ni Bianca na nanliliit ang mga mata

"Hmm.. Processing? Loading?" Tanging sagot ni Glaiza na ikinagulat ng dalawa

"WHAT?!" Sabay na sigaw ni Rhian at Bianca

"Joke!" Nag peace sign ito sa dalawa

Humopia ka na naman Rhian e ang aga aga pa. Make coffee bago ka kumain ng hopia para naman kilabutan ka!

"Processing pa yun? E halos magkapalit na kayo ng mukha habang natutulog nakakaloka!"

"Ano bang gusto mo Bianca nasa edge kami ng kama matulog?" Naiinis na sagot ni Rhian

"Glaiza. Sa susunod na magjoke ka wag yung kaharap to ha? Humopia na naman e. Ayan oh nagsungit na naman" Natatawang sabi ni Bianca at tinuro si Rhian na nakasimangot

"Jokes are half meant." Nangingiting sagot ni Glaiza habang nakatitig kay Rhian

"My goodness! My innocent eyes!" Sabi ni Bianca at tinakpan ang mata nya "Oh gosh my ears too." Tinakpan naman nya ang tenga

Binatukan naman sya ni Rhian "Ang arte mo talaga."

"Shut up bestie parang nung isang gabi lang halos magpakamatay ka na kakahanap kay Glaiza then now?! Agaaad?! Girl uso Pabebe Girl ngayon try mo o kaya Dalagang Filipina."

Natawa naman si Glaiza sa sinabi ni Bianca "Bianca wag mo nang awayin hindi pa naman kami e. Nililigawan ko pa lang?" Birong sabi ni Glaiza

At muli natahimik na naman si Rhian

Grabe bakit ba hindi kita mabasa Galura? Ano ba talaga? Magulo ka pa sa buhok ko tuwing umaga.

"Woah! Ang arte nyong dalawa. Oh I'm leaving. I just checked if okay ka na and it seems like OKAY NA OKAY KA NAMAN. Bye! May pupuntahan pa ko." Paalam ni Bianca

"Agad agad Bestie?"

"Oo busy ka naman kay CHA." Nangaasar na sabi ni Bianca

"Shut up umalis ka na nga mas mabuti pa!" Naiinis na sagot naman ni Rhian

"Bye Bestie loveyou. Bye Glaiza." Paalam ni Bianca at nagsign ng 'I am watching you guys' look bago lumabas ng kwarto

Natawa na lang ang dalawa sa kaibigan

"Hey. Labas tayo mamaya?" Aya ni Glaiza

"Saan naman?" Tanong ni Rhian at tumayo na mula sa kama

Holding Back My Feelings (Rastro)Where stories live. Discover now