Chapter XIV

7.8K 220 17
                                    

"And cuuuutt! Let's take it again later. Break muna!" Sigaw ng Director

Nasa taping ngayon si Rhian at Glaiza ito na ang huling taping nila. Magkasama naman silang pumunta sa tent.

"Hi Glaiz.."

Napatingin si Rhian sa lalaking nagsalita. Nasa loob ito ng tent.

"H~hi Ben?" Nauutal na bati ni Glaiza  at niyakap naman si Ben "What brought you here?" Tanong ni Glaiza

"Uhm I just brought you some foods. Ano may taping kasi kami malapit lang dito so dinalaw na kita. Ayaw mo?" Nakangiting sagot ni Ben

Para namang hangin si Rhian na hindi man lang pinapansin ng dalawa at pabalik balik ang tingin kung sino ang nagsasalita.

"Uhm. Ben sa labas muna tayo magusap. Rhi I'll be back in a minute." Paalam ni Glaiza at hinila si Ben palabas ng tent

Umupo si Rhian sa isang monoblock chair doon at naiiritang kinuha ang smart phone.

"Oh? Te anong mukha yan?" Tanong ni Marc ang hairstylist nya

"Wala." Maikli nyang sagot

"Ay? Meron ka? Sungit mo ah" Sabi nito habang inuusisa ang pagkaing dala ni Ben "Sarap naman ng foods pwedeng pahingi? Kanino ba to?" Tanong pa nito

"That's not mine. Kay Glaiza yan from Ben." Rhian rolled her eyes

"I see.." Pagtango ni Marc habang tinitignan ng makabuluhan si Rhian

"What?! Bat ganyan ka makatingin?" Tanong ni Rhian

"Wala! Bawal tumingin? May mata kaya ako!" Sagot ni Marc habang pinapalaki ang mata

"Rhi sana next time magseselos ka wag mo ipahalata masyado ha? Obvious ka." Dagdag asar pa nito at nagtatakbong lumabas ng tent

"Baliw." Bulong ni Rhian

"Ako sayo?"

Napaangat ng tingin si Rhian nasa loob na pala ng tent si Glaiza.

"Baliw ka." Naiinis na sagot ni Rhian

"Sayo nga." Nangingiting sabi ni Glaiza

"Anong pinagusapan nyo ni Ben?" Pagiiba ni Rhian ng usapan

"Uhm nothing." Mukha namang nag-iba bigla ang mood ni Glaiza umupo ito sa folding bed na nasa loob at kinuha ang salad na dala nya from RK

"Bakit hindi mo naman nakukwento na close pa rin kayo ni Benjamin?" Tanong pa ni Rhian

"Rhi wag muna ngayon please?" Pakiusap ni Glaiza

"Okay fine I'm sorry!"

Lumapit si Glaiza kay Rhian at hinalikan ito sa ulo "Sorry."

~
Tapos na ang taping nila. Nagbatian at nagpaalam na ang lahat sa isa't isa. Yun na kasi ang huli nilang magkakasama sa taping.

"Rhian hindi kita mahahatid ha? Uhm ano may aasikasuhin lang ako sa Runner's." Nasa parking lot sila ngayon

"Okay. I'll see you tomorrow?"

"Uhm nope. I'll be busy tomorrow baka the day after tomorrow?"

"I'll miss you." Bulong ni Rhian

"I'll miss you too." Tugon ni Glaiza

"Ingat ha? Iloveyou."

Nginitian lang naman sya ni Glaiza. Umalis na ang van ni Rhian at naiwan si Glaiza sa parking lot. Kinuha nito ang cellphone at dinial ang isang number.

Holding Back My Feelings (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon