FAMOUS NERD 5

6.3K 180 1
                                        

Pagbaba ko sa kotse ay tanging paghakbang lang ng paa ko ang naririnig ko.

Ang tahimik dito. Sa sobrang tahimik ay nakaramdam ako ng kalungkutan.

Dinama ko ang hangin sa paligid at napabuntong hininga.

Ayokong pumunta sa lugar na 'to pero wala akong magawa kundi bumalik ng bumalik dito.

Nababalot ng kalungkutan ang puso ko pagnandito ako.

Panghihinayang, kalungkutan at matinding pangungulila ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ganto?

Bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit.

Huminto ako at humarap.

Nagbuntong hininga ako ng mapansing pigil ang paghinga ko. Hirap na hirap talaga ako sa lugar na 'to. Umupo ako ng hindi sinasayad ang pang-upo ko.

Binasa ko ang nakasulat sa lapida na nagpakirot lalo sa puso ko.

"John Oliver Cuevas"

Nagsindi ako ng kandila at nilagay ang bulaklak na dala ko. Di ko na mapigilang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Kamusta ka na? Miss na miss na miss na kita." Tuluyan na kong napahikbi habang hinihimas ang lapida niya.

"Ang daya mo Oli, i-iniwan mo ko agad. Sabi mo magkasama tayo h-hanggang tumanda. Paano na ang mga pangarap natin? Wala na kong partner in crime. Iniwan mo ako m-mag-isa, pakiramdam ko tuloy wala na kong karamay sa mundo..."

"Akala ko ayos na lahat pero... pero akala ko lang pala. Isang araw sinabi nilang wala ka na at alam mo? Gumuho ang mundo ko. Don't worry O-Oli, I'm trying my best to be okay but it's too hard."

Para na kong tangang ngumangawa dito pero ayos lang naman siguro? Sementeryo naman 'to.

"I love you Oli, you'll always have a special place in my heart. Thanks for everything, you are my bestfriend, my brother and at the same time my love."

Tuluyan na kong yumuko habang umiiyak. Oli ang daya mo talaga. Iniwan mo kong mag-isa.

"Dapat magsisimula na tayo pero bigla ka na lang nawala! Akala ko bagong simula natin dalawa. Yun pala iiwan mo na ako..."

Inubos ko muna ang luha ko bago ako tumayo at inayos ko ang sarili. "Aalis na ko ha? Dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang. Di ako matatakot! Miss na talaga kita. John Oliver Cuevas, I love you!" Ngumiti ako sa lapida niya.

"Hanggang sa muli."

Tuluyan na kong umalis at bumalik sa kotse ko. Huminga ako ng malalim ng maraming beses para kumalama ako kahit papano.

Si Oliver, bestfriend ko siya simula pa noong simula. Siya lang ang tangi kong kaibigan kasi hindi ako madaling magtiwala sa iba. Anak siya nila tito John at tita Olivia.

He died a year ago.

Binully siya ng mga schoolmates niya at grabe ang pambubugbog na natamo niya. Dahil dun na-coma siya pero hinintay ko siya. Naghintay ako ng tatlong taon but it's useless, he died. Hindi na kinaya ng katawan niya. Pumikit ako ng mariin habang inaalala ko siya.

I really miss my Oliver.

Pinaandar ko na ang kotse at napunta ako ngayon sa Ozie.

Ozie...

Oliver and Lizzie...

Napundar naming dalawa ang Ozie bago niya ko iwan. Siya ang gumawa nung specialty na nerdy cup. Napangiti ako nung maalala kung paano namin yun ginawa. Siguro meron ng labing tatlo ang branches namin.

She's The Famous Nerd Donde viven las historias. Descúbrelo ahora