Prologue

26.2K 321 46
                                    

Prologue

Sa loob ng kotse natatawa si Greg pagkat hikab ng hikab ang kanyang kaibigan. "Mukhang puyat ka nanaman ah pre" sabi niya. "Dude, ibinabahagi ko lang sa buong Pilipinas ang aking aura, idinadaan ko lang sa aking artistahin breath" banat ni Enan.

"Pare nakasara ang mga bintana, naka aircon tayo" sabi ni Greg. "Swerte mo, kaya sige langhapin mo ang hangin na mula sa akin para naman maipasa sa iyo ang aristahin vibes" hirit ni Enan kaya natawa ang kanyang kaibigan.

"Seryoso pre, saan ka nanaman nanggaling kagabi?" tanong ni Greg. "Sa lamay pre" sagot ni Enan. "Bakit? Sino namatay?" tanong ng kaibigan niya. "Di ko kilala, basta kinuha ako para kumanta don" sagot ng binata kaya umariba sa tawa si Greg.

"Nagpapatawa ka nanaman e" sabi niya. "Seryoso pre, pang anim na atang lamay yung this week. Narealize ko na ang dami palang namamatay no?" sabi ni Enan. "Yung totoo? Kumakanta ka sa mga lamay?" tanong ni Greg. "Oo pre, akala ko dati biro biro yung mga naririnig natin na kumakanta sa lamay pero totoo pala"

"Meron palang ganon na mga pamilya na kumukuha ng mga kakanta sa lamay ng kamag anak nila" sabi ni Enan. "Akala ko ba mga wedding lang yung gig mo?" tanong ni Greg. "Isa pa yan, ang dami din kinakasal grabe. Kasal lang naman talaga dapat, then don sa isang gig ko nilapitan ako at tinanong kung pwede daw ba ako kumanta sa kasal ng pinsan"

"E di syempre oo, so sa kasal ng pinsan hala kinuha ulit ako para sa kasal ng kaibigan. Then isa pang kasal tapos don na, tinanong ako kung pati ba sa mga lamay nagpeperform ako...aaminin ko sa iyo pre, naging golden ang mga tenga ko, pare ginamit yung word na perform e" banat ni Enan kaya laugh trip silang dalawa.

"Gusto ko kasi magkakotse pre kaya ko pinatulan" sabi ni Enan. "Diba nag usap natayo dati nina Clarisse. Diba napag usapan na hindi priority ang kotse? Anong nangyari?" tanong ni Greg. "Oo nga pero pare bawat gig ko sa bar at pag umuuwi ako halatang nag aaalala parents ko"

"Si Ikang pa text ng text, sama mo na si Clarisse na tawag ng tawag kung nakauwi ba naman daw ako ng maayos. Nakakatakot umuwi ng late pre, pero ayos lang kinaya ko naman kaya lang naisip isip ko na kailangan ko na talaga ng sasakyan ko"

"Lalong tumibay desisyon ko nung kumakanta ako sa mga kasal pre, doon sa isa ang bongga nung kasal talaga tapos ako lang ata yung naglakad papunta sa reception galing sa simbahan. Walanghiya wala man lang naka isip na isakay ako o maalala man lang ako"

"Napilitan ako mag taxi pre, ang mahal ng bayad. Muntik pa ako na late pre" kwento ni Enan. "Sabi mo part time lang, bakit parang gusto mo na ata gawin full time yang gig na ganyan?" tanong ni Greg.

"Pareho tayo pre, napaliwanag ko na sa iyo. Remember sa bar nung tayong dalawa. Ang saya diba? Pare nakakaadik yung pagtanggap nila sa akin. Oo nandon parin yung mga titig na alam mo na pero pag nagsimula na ako kumanta ang sarap tignan yung mga reaksyon nila"

"From disgust to paghanga, then mamaya nakangiti na sila at iba na trato sa akin. Aminin mo yung mga ganon na scenario ay laman lamang ng mga panaginip ng mga katulad natin. Dati tuwing pipikit ako saka ko lang mamapasok yung ganon na scenario"

"Scenario na tanggap na tanggap nila tayo, scenario na mapapawow natin sila at magbabago tingin nila sa atin. Pare I am living and breathing those day dreams already at nakakaadik siya" sabi ni Enan.

"Yeah I know what you mean, pero teka parang napaka seryoso mo ata bigla?" tanong ni Greg. "Baka puyat lang pre, alam mo ba pare halos hindi ako makakanta sa lamay, ang ginawa ko nalang inspirasyon e sabi ko pag pumiyok ako o sumintunado babangon yung bangkay" banat ni Enan kaya laugh trip ulit sila.

Artistahin: FINAL CUTWhere stories live. Discover now