Chapter 8 : Fight with Him

508 23 1
                                    

Fight with Him

Blaire POV

Nandito ako ngayon sa hallway ng school naglalakad papunta sa classroom namin. Hinatid ako dito ni Bullet sakay ng kotse kong hiniram niya saglit dahil pupuntahan pa daw niya si Drake. Namiss daw niya kasi ang lalaking iyon. Hindi ko kasabay ngayon si Skylar dahil may pinapaasikaso pa ako sa kaniya tungkol sa mga properties ng Allegretti and Asti family.

Kagabi ay napagisip-isip kong gumawa na ako ng plano since wala namang nag-aaral na Allegretti o kaya naman ng Asti dito. Kundi ang ilang mga Alfeiri lamang. And I don't want to meet or see one of them dahil baka mapatay ko lamang silang lahat.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad habang hindi pinapansin ang mga tingin sa akin ng mga estudyante. May mga paghanga sa mga tingin nila pero syempre may mga negative thoughts din na tumatakbo sa isip nila kaya yung iba may inggit. I even heard them whispering ng kung ano ano tungkol sa akin.

Pumasok ako sa silid aralan namin na walang emosyon na makikita sa aking mukha. Tahimik akong umupo sa aking silya na katabi ng upuan ni Damon. He is already here. Nakatungo ang ulo nito sa mesa namin. Gusto kong itaas ang kilay ko ng may nakita akong linya na nakaguhit sa mesa.

What the fuck is this shitty line?! Ganto ba ito magalit sa isang babaeng katabi niya? Maglalagay ng linya tas may nakasulat na Don't cross the line or else you're dead. Hindi ba niya alam na hindi equal ang pagkakaguhit niya ng linya o gusto lang niyang makalamang? Madaya iyun.

Kumuha ako ng isang panyo sa bag ko at agad na binura ang itim na linya. Ilang kudkuran na ako sa linya ngunit hindi parin iyon maalis. Nagtataka ako kung bakit hindi iyon mabura then realization hits me. I'm so stupid to think na mabubura ng isang panyo at kunting effort sa pagkudkud ang itim na linyang nasa mesa namin ngayon.

Kumuha ako ng alcohol at ibinuhos iyon sa linya at mensahe na sinuoat ni Damon para mabura iyon. Isang punas ko lamang ay nawala na ang linyang nakaguhit sa mesa. Sa pagkakabura ng sinulat ni Damon ay ako naman ang nag-simulang magsulat. Mukang hindi pa naman niya balak tumunghay at hindi na ipagpatuloy ang pagpapanggap nitong pagtutulog tulugan.

Don't Cross the line if you don't want to see what hell looks like.

Akala niya siguro siya lang marunong manakot. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang pentelpen when I feel contented to see my drawing pati na din ang sulat ko. Tinignan ko ang sulat ko. I can feel my lips tugged a smirk. Umayos ako ng upo at tumingin sa harapan ng makitang tutunghay na ang ulo ni Damon. Inalis ko rin ang pagngisi ko kanina.

I can see him using my peripheral vision look down and stare on our table which where I wrote my message to him at ako naman ang naglagay ng malaking space. Nakita ko kung paano unti unting kumunot ang noo ni Damon habang binabasa ang mensahe ko para sa kaniya. Tingnan niya ako at ng tumingin ako sa kaniya ng patagilid ay inirapan niya ako.

Kahapon lang cold tas ngayon ang snob. Siya nga ang unang nangirap. I thought this man is cold? What happened? Hindi ko na lamang ito pinansin at hinintay na mapuno ang mga silya na inookupa ng mga estudyante o mga kaklase niya kasama na doon ang dalawa niyang kaibigan.

Ng mapuno na ang mga estudyante sa loob ay siya namang pasok ng guro sa loob ng silid aralan. Inilapag nito sa teacher's table ang mga librong yakap ng pumasok ito at nagsimula ng magturo ng kaniyang ituturo. Nakinig lang naman ako pero hawak ang ballpen ko ay sinasaksak ko iyon sa mga body parts ni Damon na lumalagpas sa linyang aking iginuhit.

Kada lagpas ng katawan niya ay kada tusok ko ng matulis kong ballpen sa katawan nito. Agad din naman nitong inalis ang braso kapag natutusok na. Hindi man ito dumadaing sa sakit ay alam kong masakit ang pagtusok ko ng ballpen sa balat niya. Matulis ang ballpen na hawak ko dahil isa iyong techpen na point two. Nakikita ko pa nga ito sa gilid ng mata ko na pasimpleng hinihimas ang natusok na parteng katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Mafia Heiress : Blaire KatanaWhere stories live. Discover now