Chapter 5

381 18 3
                                    

Chapter Five

Blaire POV

Maaga akong nagising upang pumasok sa eskwelahan. Pangalawang araw namin ngayon at gusto kong nalibot ang buong eskwelahan na hindi ko pa nagagawa. Pagpasensyahan niyo na kung puro gala ang nasa isip ko. Mahilig talaga akong mag-gala.

Hindi ko na hinintay si Skylar dahil mahimbing pa siyang natutulog ng silipin ko ang kwarto niya. Ayoko namang makaabala dahil mukang pagod siya.

Maganda ang eskwelahan na ito dahil ilan sa mga disenyo nito ay nanggaling sa akin. Humingi ng advice sa akin dati si Tita so ibinigay ko sa kaniya ang isang blue print ng dream school ko. And look! She built it. She made my dream come true.

Isang oras kong ginala ang eskwelahan kahit may mga nilaktawan ako dahil mga favorite spots ko lang ang pinuntahan ko. Like garden, music and dance room, swimming pool area, field, and especially rooftop.

Bumaba ako sa rooftop ng makitang mag-tatime na at malapit na ang first subject ko. Ng makababa ako ay rinig ko ang ilang bulungan ng mga babae ang ilan ay nag-sisitilian pa at nagsisimula ng tumakbo papunta sa parking lot.

I pinched my nose dahil sa inis na may nakabunggo pa sa akin. Pinagalitan pa nga ako nito na wag haharang harang sa daanan niya dahil makikita pa daw niya ang Hari niya. Siya pa ang may ganang magalit siya nga itong nakabunggo sa akin.

Iniiling ko na lang ang ulo ko at nagsimula ng mag-lakad papunta sa classroom namin. Medyo nagtataka lang ako sa mga kinikilos ng mga kababaihan dahil lahat sila maliban sa akin ay pumupunta sa parking lot. Ano bang meron sa parking lot na wala sa classroom nila maliban lang sa kotse?

Napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang ringtone ko na tumunog. Kaya naman dinukot ko sa bulsa ng palda ko ang cell phone ko at sinagot ang tawag ni Skylar. I smell trouble. Hindi tumatawag ng ganto si Skylar kapag wala siyang importanteng sasabihin. At dahil tumawag siya may importante siyang sasabihin.

"What happened?"bungad na tanong ko at umikot upang pumunta sa parking lot. Malakas ang pakiramdam kong may nangyayari doon kaya pupuntahan ko na. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Ashley kung siya ang may pasimuno nito.

Ng makarating sa parking lot ay wala akong makita kundi ang isang tumbok ng mga estudyanteng nakita ko lamang na tumatakbo papunta dito. Nakita ko pa ang babaeng pinagalitan ako. May artista ba at ganto sila kung makapag-react? Masyadong OA.

Grabe! Nakita niyo ba ang ginawa niya kanina?

Hindi e. Ikwento mo nga.

Tinapakan daw niyan sa paa at sinipa sa muka si Prince Hugh!

Talaga! Grabe naman akala mo kung sinong maganda ang panget naman muka pang slut and bitch.

Look! Tignan mo kung paano siya lumapit kay Prince Sky! She is really a total slut!

Kadiri anak pa naman siya ng may-ari.

Yeah right! Such a disgrace for an Alvino Family.

Ewwness!

Sumingit ako sa mga tao upang makita ang nang-gagalaiting muka ni Ashley at ang may galit sa muka ni Hugh Williams. Hindi ko alam na magkikitang muli pala sila. Akala ko ay huli na yung sa airport.

Tinignan ko naman si Sky na todo lapit kay Ashley habang pinipigilan ito sa pag-sugod kay Hugh. Kung nandito ang dalawa ibig sabihin ay nandito din si Damon. Hinanap ng mata ko ang hari nila. Nakita ko itong kampanteng nakasandal sa kaniyang kotse.

A Mafia Heiress : Blaire KatanaWhere stories live. Discover now