"A seminar that will give you the real feelings about love."

"Ha? As in parang tuturuan akong magmahal?" May ganun pala?

"Yes. You will experience to have a boyfriend for 3 whole months para naman maranasan mong magka-boyfriend."

"Excuse me! Nagka-boyfriend na ko no." Oo. Ikaw.

Yes. He was my first love..

My first hug..

My first kiss..

And my first boyfriend who was a freaking asshole.

"Ako ba?" Mataas na kumpiyansa sa sariling tanong niya.

"Excuse me? Naging tayo ba?" Bahagyang nangunot ang noo niya. "Anyway, who will be the one to teach me during that seminar of yours?" I asked para matapos na. Ilang na ilang na kaya ako. Imagine ganun pa din posisyon namin.

"AKO." Madiing sabi niya na ikanabigla ko talaga.

"What the hell! Are you insane? What made you think na papayag ako ha? HELL NO!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba natatakot kang ma-inlove ulit sakin?" That's the last thing I heard before I left his office.

Natatakot nga ba ako?

***

"Maam bakit niyo naman po ako sinesante? Maayos naman po akong nagtatrabaho." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa boss ko.

Secretary ako sa isang company na pagmamay-ari ni Ms. Jerson. Simula pa lang pagka-graduate ko, dito na agad ako nagtrabaho.

Magaan naman ang trabaho ko dito at tama lang ang sahod para sa pangkain, kuryente, tubig, renta, at pamasahe.

"I'm sorry Maine but I don't like your performance lately. You seem to irresponsible with your work. And I also have a replacement for you so you may now leave. Just drop by at the Financing department to get your salary and bonus." Walang kaemo-emosyong sabi niya.

Ano pa nga bang magagawa ko? Tumayo nako at naglakad paalis. "Salamat po."

Haaay. San na ko pupulutin nito? :(

Wala na kong trabaho. Ang hirap-hirap pa naman maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.

Wala sa sariling lumabas na ko ng building na pinagtatrabahuhan ko.

Matawagan na nga lang si Joan para naman gumaan na pakiramdam ko.

Bakit cannot be reached?

Wait. May text pala siya.

'Maine. Wala ako sa apartment ha? Nagkaroon ng problema sila mommy kaya pinasundo ako. Sa Davao muna ko. Ingat ka diyan. Love you best!'

Haaay. Wala pala kong kasama. Problemado na nga, mag-isa pa.

Wala na kong mga magulang. My mom died when she gave birth at me. While my dad died a day after my graduation. Alam mo yung feeling na parang pinagtapos ka lang niya sa pag-aaral? Ganun.

Taga-Davao kami parehas ni Joan. Doon ako lumaki. Yung mga kamag-anak naman namin, hindi ko din ka-close. Kaya ng pumunta si Joan sa Manila para i-manage yung isang business nila, sumama ko. Nagbakasakali ako na baka nandito ang kapalaran ko.

Dito ko naghanap ng mapapagtrabahuhan. At nakiki-share ako kay Joan sa apartment. Sa totoo lang ayaw na niya kong pagbayarin pero may hiya naman ako no. Kaya kahit ma sobrang tempting na ng offer niya, hindi ako pumayag.

Haaaay. Makauwi na nga lang.

Pagbaba ko pa lang sa may street namin, napansin ko nag napakaraming tao.

Ano kayang meron?

Wait. Bakit parang sa apartment namin sila nagkukumpulan?

"EXCUSE ME PO! PADAAN!" Nagsumiksik ako sa mga taong nagkakagulo sa labas ng bahay namin.

"Ate Cha! Ano pong nangyare?"

"May nanloob sa bahay niyo Maine. Buti na lang wala kayong dalawa ni Joan kundi baka napahamak pa kayo."

"Ate yung mga gamit namin.." Nanghihina akong napupo sa sahig. Andun yung ipon at mga gamit ko.

"Pasensiya na Maine pero halos lahat ng importanteng gamit niyo, nakuha na. Iimistigahan pa daw ito ng mga pulis kaya mabuti pang wag muna kayong tunuloy dito." Niyakap ako ni ate Cha. Siya yung may-ari ng bahay na tinutuluyan namin.

Ano pa bang kamalasan ang mayroon itong araw na to?

Tinatawagan ko si Joan pero cannot be reached pa rin.

San ako nito ngayon?

Kapag nagcheck-in naman ako za hotel paniguradong ubos tong perang sinahod ko. Sabi pa naman nila pwedeng matagalan ng isang linggo o higit pa ang imbistigasyon.

San kaya ako pupunta? :(

"Pasensiya ka na Maine. Alam mo namang puno kami sa bahay kaya hindi kita maaya na dun na lang pansamantala."

"Naiintindihan ko po ate." Pinilit kong ngumiti.

"Siya nga pala Maine, may naghahanap pala sayo kanina. Taga publishing company daw. Alden Richards ata yung pangalan? Osiya mag-ingat ka ha."

Si Alden?!

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloWhere stories live. Discover now