Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    


Napangisi siya saka ako tinulak palayo, "Iniisip lang namin kalagayan mo, ogag! Sino ba namang tanga yung maglalaro ng wala naman sa kondisyon? Tss."


"Baliw, kaya ko naman. Kaya ko ngang kontrolin to, problema niyo ba. May gamot naman. Mabubuhay pa ko ng matagal, sus." Ginulo ko yung buhok niya saka tumayo para pumunta ng court. "Tara na, bading."


"Bading mo mukha mo!" Natatawa niyang sabi saka sumunod sakin.




Nagsimula na kaming maglaro, P.E. lang naman to kaya hindi kailangang seryosohin pero nakasalalay dito grade namin kaya hindi rin pwedeng petiks.


"GO LABS! GO LABS! GO LABS!" Sigaw ni Duwends, nagtawanan kami nila Kirk, feeling niya naman laban talaga to? "BOYFRIEND KO YAN! WHOOOOO!! GALING GALING!" May pag talon talon pa siya habang nakaturo sakin.


Ahh! Nakakahiya!


"Oh I think that I found myself a cheerleader~" Napatingin ako kila Dens ng bigla silang kumanta habang nakangising nakatingin sakin, nangisi na lang ako habang umiiling.


Tumakbo ako ng ipasa sakin ni Sam yung bola agad ko namang na shoot to sa ring ng kalaban. "Yown!" Sabi ko sa sarili ko ng maka 3 points ako.


"Nice! Nice!" Nakipag apir sakin sila Dens saka pumunta sa pwesto nila.


"WHOOOOOO!! ANG GALING MO GINO ROMUALDEZ! WHOOOOO!!" Hindi ko na sasabihin kung sino yung sumigaw kasi halatang halata naman na kung sino yung duwendeng yon.


Nagsisigawan din yung iba, feeling ko nasa totoong laban kami dahil sa mga pag cheer nila. Nakakatuwa, nakakabuhay ng dugo.


"Dens!" Sigaw ko kay Dens ng ipasa ko sa kanya yung bola, tumakbo siya kasabay ko. Habang hinaharang ko yung kalaban namin, inaantay naman namin siyang ipasok yung bola.


Dahil nga magaling kami, naka 3 points din si Dens. "Boom! In yo' face!" Sigaw ni Jako sa mga kaklase naming nasa kabilang team. Nagtatawanan kami sa itsura niya kasi sobrang taas ng pagkaka tuck - in ng t-shirt niya sa jogging pants, mukhang tanga.


"17-8!" Sigaw ni Coach samin.


"WHOOO! TALO NA KAYO! PANALO NA SILA LABS! GWAPO NA MAGALING PA! WHOOOOO!!" Sigaw ni Duwends.


Sa pang huling laro, nagsimula na naman kaming tumakbo. Habang na kay Kirk yung bola, naka bantay naman kami sa mga kalaban, nung pinasa na niya saka kami nagsimulang habulin yung bolang napunta sa kalaban pero kalagitnaan ng pagtakbo ko naramdaman ko yung pagkirot ng dibdib ko.


"Ahh!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Napatigil ako sa gitna ng court, narinig ko namang napasigaw si Vanilla. Napayuko ako habang nakahawak sa tuhod ko, hinahabol ko yung hininga ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.


Natigil yung laro, nagmamadaling lumapit sakin sila Denver. "Gino. Gino, okay ka lang?" Nag aalalang tanong nila sakin. Tinignan ko sila pero nanlalabo yung paningin ko, nahihilo ako.


Narinig ko yung pag pito ni Coach saka lumapit sakin, "Gino, okay ka lang ba?" Tanong niya habang nakahawak sa balikat ko.


"Co..Coach.." Ang sakit sakit ng dibdib ko, lalong humigpit yung pagkahawak ko dito habang pumipikit pikit ako.


"Labs!! Labs!!" Narinig kong sigaw ni Vanilla habang papalapit sakin.


May narinig na naman akong sigaw mula sa kanila, si Matt ata to. "Kunin niyo yung gamot niya sa bag!" Natataranta na sila, yun yung alam ko.


Maya't - maya yung pagtawag nila sa pangalan ko, unti - unting nagiging mahina yung pandinig ko pero lalong kumikirot yung dibdib ko. Kailangan ko ng hangin,


Hindi ako makahinga.


"Wag niyo siyang pagkumpulan! Kailangan niya ng hangin! Tumabi muna kayo!" Narinig kong sigaw ni Jako sa mga kaklase ko.


"Gino, tol! Inumin mo tong gamot mo oh." Nakita ko si Denver sa harap ko, pero wala akong lakas para kunin yung gamot sa kamay niya. Umiling ako saka tinabig to, kaya ko to.


Pero shet, hindi na talaga ako makahinga.


"Namumutla na siya!" May narinig akong sumigaw.


"Coach, dalhin na natin siya sa clinic please!" Narinig ko yung boses ni Vanilla. Naramdaman ko naman yung kamay niya sa magkabilang pisngi ko, "Gino.. Gino.. tumingin ka sakin." Tumingin ako sa kanya, kahit malabo nakikita kong naluluha na siya.


Ahhh.. Ang sakit.


"Tol, wag kang pipikit. Saglit lang!" Narinig kong sigaw ni Kirk.


Pero hindi ko na kaya, sobrang sakit na ng dibdib ko. Unti - unting bumabagsak yung mata ko, kinakapos na din ako ng hininga. Hindi ko na kaya, nararamdaman ko na din yung pagbagsak ng katawan ko. Nanghihina na ko.


Pahina ng pahina yung mga sinasabi nila hanggang sa boses na lang ni Vanilla natira, "Gino, wag mong ipikit yung mga mata mo." Yun na yung huling salitang narinig ko bago tuluyang dumilim yung paningin ko.


--


Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon