"Salamat." Ngumiti ako.


"Tandaan mong iba na yung noon sa ngayon. Hindi ka pwedeng magpabaya, tanga ka pa naman." Nagtawanan kaming dalawa saka lumabas na din ng locker room.




"Labs?!" Napatingin ako kay Vanilla na papalapit sakin, nanlalaki yung mata niya. Natatawa ako sa itsura niya, bakit ganto to?


"Bakit?" Tanong ko.


Hinawakan niya ko sa braso, "Maglalaro ka!?" Tumango ako, "At bakit?! Sino nagsabi sayo ha?!"


Napa buntong hininga ako, heto na naman tayo. "Vanilla, gusto ko maglaro. Wag ka ng makulit okay?"


"Pero Labs, hindi ka pwedeng maglaro!" Nagdadabog pa siya habang pinagsasabihan ako, may pag padyak pa ng paa.


"Pwede ako, kayo lang naman yung OA jan eh." Napatingin ako kila Dens, umiling lang yung loko saka lumingon sa court.


"Kahit na! Wag ka ng makulit please! Maupo ka na lang, may next time pa naman eh."


"Sinabi na namin sa kanya yan, Vanilla." Sabi ni Jako habang nangingisi.


"Oh tamo, wag na kasi. Baka kung mapano ka pa."


"Nasabi na din naman yan." Aniya ni Kirk saka kinuha yung bola at nagdribble. Nailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila, kahit kailan talaga tong mga to. Sus.


Napabuntong hininga siya, "Nasabi niyo na pala lahat eh, ano pa line ko?" Nakanguso niyang sabi habang nakatingin sa kanila. Natawa kaming lahat, pambihira.


"Yaan mo na si Gino, Vanilla." Napatingin kami kay Dens, "Gusto naman niya yan eh, wala na tayong magagawa." Ay wow, punong puno ng sama ng loob si Kumag.


"Pabebe boy yan si Gino eh." Natatawang sabi ni Matt, " 'Walang makakapigil sa akin' lang ang datingan. Parang tanga."


Napangiwi si Duwends, "Oh sige na. Bahala ka. Basta mag dahan dahan ka ha. Tawagin mo ko o kaya kahit isa samin nila Denver kapag iba na nararamdaman mo." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Umalis na siya at pumunta sa mga kaklase naming babae, volleyball kasi sila habang kami basketball.


Napatingin naman ako sa bestfriend kong saksakan ng kabadingan sa katawan. "Oy tol." Tawag ko pero hindi niya ko nililingon. Oh diba, ang arte?


Hinagisan ko siya ng bimpo, "Oy Denver! Wag ka ngang maarte, bading mo eh." Natatawa kong sabi, tinignan niya ko.


"Gago. Bahala ka sa buhay mo."


Natawa ako saka siya nilapitan at inakbayan. "Ang drama mo tol. Wag ka ngang ano jan, may pag sama pa ng loob eh. Akala mo bagay sayo? Luh, bading mo."

Between The LinesWhere stories live. Discover now