Chapter 3 : Trap with the Stranger

Magsimula sa umpisa
                                    

"You need to calm down! Ok... Hinay-hinay lang sa pagsasalita wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo." Natatawang wika nito.

"ANG SABI KO! ANONG GINAWA MO SA KIN!? PAANO MO NALAMAN ANG LUGAR NA TO!? BAKIT KA NANDITO!? " Hindi na ako nakapagpigil sumigaw na ako sa sobrang inis!

"Hay! Sa wakas narinig ko din ang boses mo? Akala ko deaf ka!" mayabang na sabi nito

Nainis ako sa sinabi nito. Anong deaf ang sinasabi niya!? Hindi lang ako nagsasalita pero hindi ako DEAF. I know how to speak.

"Sa unang tanong mo... Wala akong ginawa sa 'yo assuming ka masyado! Hindi naman kita type anu!? Morena ka, hindi ganung katangkaran at siopao pa. Mas type ko ang mga labanos na girls." Wika nito na siyang nagpainit ng ulo ko. Dahil kong maka-discribe ito sa akin. Akala mo isa akong specimen na pinagaaralan nito. ARGGGGGGGGHHHHHHH...

"Sa pangalawa naman... Balak ko lang magpatila ng ulan at hindi sinasadyang makarinig ako ng umaatungal na COW. Kaya naman nakarating ako dito. Good place huh!" dagdag na sabi pa nito

Kanina assuming, negra at siopao. Ngayon cow naman. Namumuro ka na sa aking lalaki ka. Sa loob-loob ko. Sarap pektusan nito. Bwiset!!!

"At Sa Pangatlo... Wala lang na-enjoy ko na rin matulog dito eh." Naka smirk at pilosopong sagot nito.

Nagawa pa niyang magenjoy ng lagay na yun. Arrrrrgggggghhhhh.. I really hate this guy. Sarap ipa-barang. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ito. Bumulagta sa sahig. Napakayabang! Nanunulis ang nguso ko sa sobrang inis sa lalaking ito. Nagtatanong lang naman ako. Ah! Teka lang sandali....

"E! Bakit ka nakayakap sa akin?"Malumanay at nagtatakang tanong ko dito. Kahit deep inside nanggigil ako sa inis dito.

"Ako nakayakap sa iyo?" pokerface na sagot nito at hindi pa napigilang ngumiti.

"Ang natatandaan ko IKAW itong naki-usap sa 'kin na wag kang iwan! Isa pa nakayakap ka din naman sa akin ah! Kaya Quits lang!?" nakangiti nitong sabi

May topak siguro ang lalaking ito kanina galit, ngayon naman nakangiti! Sinabi ko ba yon! Bakit wala akong matandaan na sinabi yon, at wala akong maalala sa nangyari?

"Hindi ka man lang magpapasalamat! Don't tell me, nakalimutan mo kaagad ang lahat!? Ano yan nagkaroon ka na ng amnesia!?Tsk! Saka swete mo nga at niyakap kita. Ang dami kayang girls jan na gusto MAYAKAP ko." Serious at mayabang na pahayad nito. Na lalo lamang nagpainip ng dugo ko. Patience Kath...patience.

"Magpasalamat San?" painosenteng tanong ko dito

Eh! Sa wala naman talaga akong matandaan sa nangyari. Ang tanging naaalala ko lang. Umatake na naman ang phobia ko sa kulog at kidlat. Isa pa pana..........

Bumalik sa alaala ko ang ilang pangyayari sa panaginip ko.

Little Flashback

"Sssshhhhhhhhhhhh...... I am here! Don't be scared." Narinig kong sabi ng isang lalaki at niyakap ako ng mahigpit.

"P-please don't leave me!" Yon ang huli kung sinabi at hinawakan ko siya sa kamay.

Sa dami ng nangyari ang mga salitang iyon lang ang nag-sink in sa utak ko. Napailing na lamang ako. Don't tell me, totoo ang lahat. Akala ko paniginip lang ang lahat na si Dad ang nagcocomfort sa akin. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya.

"Did you remember now!?" tatangu-tango nitong sabi at nakakalokong ngumiti.

Napapikit ako sa sobrang inis. Halos hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Bakit sa dinami-dami ng makakakita sa akin sa ganitong situation ang lalaking ito pa? Pwede naman si Manong Guard! Bakit sa isang stranger na tulad niya? Bakit ang mayabang na tulad nito pa. Arrrrggggghhhh! Nakakainis!!!

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon