Lumabas sya sa maserati nya at humarap sa akin. “Why frown? Are you expecting somebody else?”

Obvious ba masyado sa mukha ko? Hahaha!

“W-wala naman..” sagot ko sa kanya saka tumingin sa malayo.”Anong ginagawa mo dito? Hindi naman dito yung school.”

“I’m here to pick you up..” straightforward nya na sagot. “We’re on the same first period right?”

Yeah. Lit Crit.

“Huh? Di na kailangan! Kaya ko namang maglakad. Sige, mauna na ako!” sabi ko sa kanya saka nagsimulang maglakad.

“Lexie!” he yelled.

Pero di ko sya nilingon. HAHAHA! Medyo nadidisappoint talaga ako e. Nagmartsa pa ako at ilang saglit lang, narinig ko na pinaandar ni Ethan yung maserati nya. Akala ko aalis na talaga sya pero dahan dahan lang ang patakbo nya. Sinasabaya nya yung lakad ko.

“LExie, come on! You’ll get late. Isa lang naman pupuntahan natin e. sumabay ka na!” wika nya.

“Wag na! Kaya ko na maglakad.”

“Mahirap sumakay.”

“Hindi ah. Magcocommute na lang ako.”

“Wag ka na ngang papilit.”

“Sira! Papilit mong mukha mo.”

“Ang aga-aga kong nagising para puntahan ka tapos di ka sasabay sa akin? That’s unfair!”

“E hindi ko naman inutos na sunduin mo ako a?”

Hindi ko napansin na umabot na pala sa kanto ang nalakad ko. Bale, malapit lang naman sa corner yung bahay namin. Tatawid na sana ako nung mabilis nyang pinatakbo yung kotse nya saka hinarang sa daan.

His eyes were blazing. “Sasakay ka by yourself o ako mismo ang magsasakay sa’yo dito?” seryoso nyang tanong.

Bigla naman akong natakot sa aura ni Ethan. Gas!

Tumawa ako uncomfortably, “Hahahahaha! Si Ethan talaga. Ikaw hindi ka na mabiro.” Pilit akong ngumiti. “Ito na o. Sasakay na!” sabi ko saka umupo sa front seat. Inayos ko ang seatbelt. “All set.”

He smiled at me warmly. “Let’s go!” wika nya at ubod ng bilis na pinaharurot ang maserati nya.

Hindi ata alam ni Ethan yung speed limit na term. Lechugas na ginawang Kimchi! Ay. Ginagawa bang kimchi ang lettuce? I dunno. Pero. OMZ. Hindi na ako sasabay sa kanya ever again. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina habang nakasakay ako sa gwapo nyang maserati. Parang mag-eexplode na ako. Ayoko pa kayang mamatay! Paano na lang kayo pag namatay ako? Tsk. Hindi na talaga ako sasabay kay Ethan TT.TT

The whole period ay kinulit kulit nya ako. Buti na lang at hindi kami napapansin ni ma’am. Panay ang sulat nya sa sticky note pad na hiningi nya don sa katabi nyang girl na kaklase rin namin. Nag-wink lang sya binigay naman agad ni ate yung sticky note pad! Ayan tulog, puro sya sa sulat at drawing drawing ng kung anu-ano. Sabay dikit dikit dun sa likod ng upuan ng tao sa harap namin. Nakakainis talaga.

Kaya ayon, pag-alis namin sa room puno ng kalat. Tsk.

After nung first class ay magkahiwalay na ang classes namin. Pasalamat ko talaga. Bonus pa na hindi daw nya ako ihahatid dahil manonood sila ng football match. Super thank you talaga akoo! Hahaha!

The same night nung matutulog na ako..

Message: Ethan, wag mo akong sunduin bukas.

Sinend ko ang message sa kanya. Ayoko pang mamatay nu.

Seconds later, he replied.

From Ethan: Sure Lexie! Wala naman tayong first period bukas.

Errr. Oo nga. Hindi ko sya kaklase ng first period bukas! HAHAHA! OMG. Ang assuming ko na talaga. Feeling ko nag-blush ako sa dilim ng kwarto ko. Kahiya talaga ako!

Message: Whatever. Good night!

Play it cool Alexxa. Manhid naman yang si Ethan. Sobrang dense nyan wala na yang pakiramdam.

From Ethan: Good night Lexie! Dream of me! :)

Sabi na e. Manhid talaga sya. HAHA!

Babarahin ko pa sana sya pero naisip ko na wag na.. Baka pag tinext ko sya, di nya ako i-reply. Ayoko talaga pa naman na sa akin huling manggagaling ang huling message.

I-o-off ko na sana ang phone ko nung mapansin ko yung wallpaper. Wacky na picture ni Patrick. Oo nga pala, sya pala yung kumuha nito gamit ang phone ko. Sya na rin ang nagkusang loob na palitan ang wallpaper ko that time na si Jake Abel. Picture nya yung nilagay nya para sya daw ang una kong makikita twing titingnan ko ang phone ko. Kapal nya talaga.

I found myself staring at his picture for a few more moments.

“Nasaan ka na ba?” tanong ko bigla.

Mula nung umalis sya, maliban dun sa facebook message na sinend nya sa akin.. Wala na akong balita about him.

“Buhay ka pa ba?” tanong ko ulit.

Ba’t ko ba kinakausap ‘tong picture nya. E hindi rin naman ‘to sasagot! May sira na nga ata ako. Ba’t ko pa ba iisipin ‘tong si Luis Patrick? Baka kinalimutan na ako neto. Baka nakakilala na ng magandang Parisian kaya wala ng balak bumalik sa Pilipinas.

Oh well, wala naman akong magagawa. Desisyon nya ayan. Support-support na lang ako bilang kaibigan.

In-off ko yung phone ko at nilagay sa bed side table. Inayos ko ang pagkakahiga ko pumikit na para matulog. When I closed my eyes, I saw another image of Patrick holding hands with a pretty sun-tanned Parisian. Napamulat ako bigla.

Lecheng imagination ‘to! WOOOOO!

Pumikit ako ulit, this time Patrick was kissing her.

TENGENE! Napaupo na ako this time. I declare. Ayoko na matulog!! I sat still and stared in the darkness. Yeah. Hindi ako matutulog, total naman masama yung pakiramdam ko.

Just by the thought na hindi na babalik si Patrick dahil may nakilala syang magandang Parisian sa pinuntahan nya.. Parang ang hirap na huminga :<

Clara's JourneyWhere stories live. Discover now