CHAPTER 26: WHEN FATE TAKES CHARGE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala nga... ang kulit ha." tumatawang tinapik ni Sarah ang pisngi nito ngunit sa likod ng kanyang isip ay sang-ayon siya sa sinabi ng kausap. Ramdam niya ang pagod ng kanyang isip at puso.

"Sige na Hon, i think you need it para marefresh ka naman kahit kaunti. I know this whole campaign thing is too overwhelming for you.. gusto ko nga sanang sumama kaso wala namang nag-iinvite sa akin." nakangising parinig nito.

"Asus nagparinig pa! Eh pwede ka namang sumama kung gusto mo noh." natawang sagot ni Sarah.

"I would love to... pero bonding time niyo yun ng bestfriend mo.. Maa-out of place lang ako doon."

"Nandoon naman ako ah.. saka si Toffee nandoon din yun panigurado, magkakilala naman kayo diba?" sa pagkaalala sa kaibigan ay bigla ding naalala ni Sarah si Gerald. Panigurado, kapag nagkita silang magkaibigan ay hindi maaaring hindi nila maitopic ang binata sa kanilang usapan.

"As i've said i would love to, but i want you to take that time for yourself.. Enjoy yourself with your friends, pagkatapos ng eleksiyon saka tayo maga-out of town. Tayong dalawa lang para mas makapagbonding tayo."

"Sure ka?" paninigurado ng dalaga.

"Very sure.. saka mas kailangan nila ako dito, puspusan na talaga ang kampanyahan."

"Hindi ikaw ang kandidato..." balik pang-aasar ni Sarah dito na lubhang ikinatawa nito.

"Where's my coffee?!?!" napadiretso ng upo ang mga empleyado nang marinig nila ang mataas na boses ni Gerald mula sa opisina nito. Bumalik na naman ang pangingilag sa kanya ng mga tao sa opisina sapagkat balik na naman siya sa dati niyang personality.

"Grabe si Sir.. mas lalo pa siyang lumala ngayon noh?" bulong ng isa sa mga empleyado.

"oo nga, dati nakasimangot lang yan at hindi namamansin ngayon sumisigaw na, ano kayang nangyari?" anaman ng isa.

"Ano pa ba.. eh di malamang si Asher! Baka nag-break na.. ayan kasi, pinaghalo kasi ang business at pleasure. Ayan tuloy ang nangyari."

Natigil sa paguumpukan ang mga kababaihan nang lumabas ang binata sa opisina nito. Salubong ang kilay nito at walang imik na naglakad patungo sa staff room. Pagpasok ni Gerald sa staff room ay nadatnan niya doon si Toffee na nagtitimpla ng kape.

"Ay Sir! Good afternoon.." natarantang bati nito sa amo. Ginantihan naman siya ng tango ng binata.

"Sir you want coffee?"

"Yes please." malamig na tugon nito sabay upo sa harap ng maliit na dining table.

"Sir bukas po pala ibibigay ko na sa inyo yung report ko kasi magli-leave po ako nextweek eh." ani Toffee habang iniaabot ang kape sa binata.

"Good, give it to me as soon as possible dahil wala din ako dito nextweek." nakasimangot na tugon ni Gerald.

"Ok Sir.."

Pagkaabot sa kape ay tumayo na ang binata at walang sabi sabing lumabas na ng staff room. Hinayaan na lamang ito ni Toffee sapagkat hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nangyari dito at sa kaibigan niya.

LA UNION...

Pagkaparada ni Sarah sa tapat ng lobby ng hotel ay agad na siyang sinalubong ng mga empleyado doon. Ang iba ay ibinaba ang kanyang mga gamit habang ang isa naman ay kinuha sa kanya ang susi upang iparada ang kanyang sasakyan. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at akmang tatawagan ang mga kaibigan ngunit hindi pa man ay narinig niya na ang boses ni Toffee na tinatawag siya.

"Omg girl! Nauna pa ako sayo.. bakit ngayon ka lang?" salubong sa kanya nito.

"Sorry naman! Alam mo namang busy masyado sa Cab ngayon, lalo na sa bahay. Hindi kami magkandaugaga sa dami ng tao." nakangiting tugon ng dalaga sabay beso sa kaibigan. Pagkuwan ay masaya siyang bumaling kay Hannah at niyakap ito ng mahigpit. "Girl! Congrats! Akalain mong ikaw pala ang mauunang magpakasal sa ating tatlo? Akala ko si Toffee eh!" bungisngis ni Sarah.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon