Part VI

156 2 0
                                    

Dumating na nga ang araw sa aming pagtungtong sa aming paaralan bilang ika sampung baitang, Sa unang araw ikinagulat namin dahil si Ginoong Jimmy parin ang aming advicer,kinatuwa ko ito dahil makakasama nanaman namin siya sa dulo. Yung pakiramdam mo na may bagong pag-asa, may bagong chapter nanaman na mabubuo. May nagawa man kaming kabiguan sa nakaraan mayroon kaming bagong pagkakataon upang maayos ang mga ito. Pag pasok ko sa aming kwarto nagtaka ako kung bakit walang bago, Parehong mukha parin ang aking nakita nung pag pasok ko noon. Napansin ko rin na yung mga bago dati ay nawala na, Pero yung mga natira alam ko na sila yung naka sama ko dati sa paghihirap yung mga nakasama kong parang mga lata, Maingay man sila pero alam kong hindi sila plastic! Sila ulet yung mga taong sasawayin ko araw araw yung mga sinisigawan ko, yung mga kaklase kong mag papaalala sakin na mahalaga ako sa mga panahong, Hindi ko na kaya yung.mga kaklase kong sasamahan ka ngumiti at sasaluhan ka sa pagkain. Nakakatua, Nakakatuwa. Ang sarap isipin yung mga bagay na ito pero sa huli...Alam kong luha, Luha ang mag papaalala sakanila sa huli.Yung mga masasayang alaala hahanap hanapin namin, Ang mga labi na mababasa ng luha sa dulo ng aming pagsasama. Pero hindi pa huli, Hindi pa huli para namnamin ang mga ito. Hindi pa huli para maitabi saaming mga puso ang tanging saya na mararamdaman mo pag kasama mo sila. Hindi pa huli ang lahat...



Ang Buhay EstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon