Part V

187 1 0
                                    

Nandito na kami, papalapit sa araw kung saan kami ay magtatapos ang naging adviser namin dito ay si Ginoong Jimmy Dillo na napakasarap ka kwentuhan dahil nakikihalobilo siya saamin. Nakakapagtaka nga dahil si sir Jimmy ay nagtuturo lamang sa mga senior students. Malungkot din ito para saamin pero kami ay naging matibay at ginawang masaya ang taong ito. Nung kami ay nasa ika siyam na baitang dumating ang mga bago naming mga kaklase na sina Cathy,Haidee,Charlotte at si Kristina. Hindi nagtagal ay naging close ko noon sina Cathy at Haidee, Sabay sabay kaming nagtatawanan sa tuwing kami ay magkakasama, Minsan nga kami ay napapagalitan sa kulit namin eh. Sa taong ito madami ang dramang nangyari saamin, nandyan ang iyakan, away at kabiguan. Aaminin ko sa taong ito dito kami nawalan ng tiwala sa isa't isa kami man ay itinanghal na Champion sa Sabayang Pagbigkas hindi nagtagal ang tiwala namin sa isa't isa...Dito na kami naging unang paksa sa faculty saaming mga kalokohang ginagawa, Ako naman na bilang isang Presidente ng klase wala akong nagawa. Puno ng pagsisisi ang nasa puso ko nood dahil bakit hindi ko nagawang mag higpit sa kanila, Minsan nga ang iba kong mga kaklase may kanya kanya ng mundo wala nang pagkakaisa. Pero Hindi naman buong taon ay ganun kami may mga bagay ding naayos sa aming klase, nandoon parin ang kaligayahan. Naaalala ko pa noong ang hilig hilig namin tumambay  doon sa likot ng aming classroom at doon kami gumagawa ng kalokohan, kainan habang may teacher at harutan na kahit ako hindi ko napipigilan dahil natutuwa ako, Lalo na sa kaklase kong si Bryan na napakahilig mag record ng mga sinasabi ng mga teacher at mga kaklase namin.Sa puntong ito ayoko maging KJ dahil alam ko na isang taon na lang naman magkakahiwalay na kami...


Ang Buhay EstudyanteМесто, где живут истории. Откройте их для себя