"Ayusin mo yan RAYNE ah?" banta nya.

"Yes boss." at saka sya sumaludo, habang naglalakad na sila palayo.

"LEI." anang tinig mula sa kanyang likuran.

"CHRIS, musta pare?"

CHRISTOPHER ROMAN SANTOS --- isa sa mga high school barkada niya. Kasa-kasama nya 'to lagi sa mga kalokohan. Pag cut ng class, pagtulog sa classroom kapag math class na, pangt-trip sa mga babaeng maarte na dumadaan sa corridor. Partner in crime lalo na sa inuman. Isa si CHRIS sa mga taong dumamay sa kanya nang maulila sya. Nakitira sya sa bahay nito sa loob ng ilang buwan, hanggang sa makilala nya si IYEL, nadiskubre ang Drag race, at saka nagdesisyon na humiwalay na sa kanila. Bigtime na 'to ngayon, sya kasi ang nagmana ng kompanya ng tito nya nang mawala ito, dahil wala naman itong anak at sya ang pinaka malapit sa lahat ng pamangkin nito, sa kanya ipinamana ang kompanya. Pero kahit bigtime millionaire na 'tong na ang binata syempre hindi pa din sya nito nakakalimutan.

"Aayain na sana kitang magpakasal, tutal mayaman na naman ako eh?" biro ng binata, then he flashed a grin.

A grin that can make a girl melt, pero applicable lang naman yun sa mga babaeng hindi sya kilalang lubos. Dahil yang "grin" na yan, ang patunay ng kademonyohan nya. Ani ng isip ni Rayne.

"T*rant*do. Gusto mong ipasilat ko yang yaman mo?"

"Oh? wag kang brutal. Alam mo namang hindi saten yun eh?"

"Eh? ano ba kaseng pakay mo dito? Wag mong sabihing gusto mo lang mapanuod kung gaano ko kagaling?"

"De, na-miss lang talaga kita." aktong yayakap na sya ng balaan ko.

"Subukan mo lang, kung hindi nasira ng kinabukasan mo sa tindi ng tuhod ko."

Bigla syang napasapo sa pang ibaba nyang bahagi. "Wag naman. Sayang yung ganda ng lahi ko."

She squinted. "Asan naman yung GANDA jan eh? puro kabwisitan lang naman ang meron sa mukhang yan."

"Sus, aminin mo, nagkagusto ka din sakin eh?" tudyo nito.

"Lakas mo ah? di ka na nahiya sakin? Sagasaan kita jan eh? Ano ba talagang sadya mo? Pwede pakibilisan? may lakad pa ko oh?" iretableng sagot nya, habang inaayos ang bike.

"High blood masyado? kaya wala kang boyfriend eh? Anyway, kaya ako napadalaw, kasi may kakilala nga kong gustong makipaglaban sayo, sinabi ko na sa text ko di ba? 50K, Jose Abad Ave. 1-on-1."

"Ha! Hindi rin naman mayabang yan ah? Ako talaga agad ang gusto makalaban? walang respeto, pero sige pagbibigyan ko yan. 50K, Jose Abad Ave. , 1-on-1,  friday night, 12mn. Ipahanda mo na yung 50K nyang bata mo, cold cash yung gusto ko."

"Sure. Pero wag kang masyadong kampante dito pare, ako na nagsasabi sayo, halimaw 'to lalo pa't balwarte nya ang Jose Abad."

"Walang balwa-balwarte sakin. Kayang kaya kong pataubin yan. Gusto mo pumusta ka din eh?"

"Hindi na. Nagbago na ko pre. Mahirap na't baka masilat ako. Wala nang tumulong sayo sa pagbagsak mo pag nagkataon."

"CHRIS, milagro lang ang makakapagpabagsak sakin. At alam nating walang milagro, kaya imposible yang sinasabi mo. Sige, mauna na ko, paki sabi na lang, i don't do dirty race. Walang rules, walang dayaan."

"Sige pare, areglado, makakarating."

She nod, and put her helmet on.

"Oo nga pala," dugtong nya. "Ang galing mo kanina."

Imbes na tumugon ay ngumiti lang sya, saka muling tumango. At saka na pinaharurot si ASHTON sa kahabaan ng 25th Ave. Nakarecieve sya ng text message kanina mula kay IYEL, bago pa makaaalis, kaya't alam nya na ang destinasyon nya. ACE'S PLACE, corner Jose Abad Avenue.

And when she finally reached the bar, she neatly parked ASHTON beside an awesome big bike which is a DUCATI 1098s.

"FUCK!" she cursed.

Pangarap nya ang bike na ito.

"Putcha naman kase, napakamahal eh? hanggang ngayon pinag-iipunan ko pa din, baka pagkatapos pa ng limampung laban ko mabili yan." she thought.

OO ganun kamahal, when she tried to check its price on the internet halos malula sya sa 1.7 M na presyo nito! Kaya bago nya pa maisipang nakawin ang nasabing bike ay pumasok na sya sa loob ng bar. At gaya ng sinabi ni MAIKA, maganda nga dito. Nasa gitna ang checkered na black and pink dance floor, na napapaligiran ng mga puti at pulang couch at glass coffee table na tinernuhan ng graffiti as wallpapers. Para lang 'tong hideout ng isang gang. May second floor din 'to, na tanaw ang buong dance floor sa baba, samantalang ang Bar Counter naman ay hindi tulad ng ibang bar na mukhang classy, more of a punk side and theme ng lugar na 'to. Hindi pa masyadong puno ang bar, na di nakakapagtaka dahil maaga pa, pasado alas dose pa lang kasi. Nilibot nya ang paningin upang hanapin ang pwesto nina IYEL, ngunit bago nya pa tuluyang malaman ang kinaroroonan ng mga kasama ay may estrangherong biglang umakbay sa kanyang balikat. Gulat na napatingin sya sa estranghero sa kanan kung saan nakatayo ang isang binata. Tinapunan ko ito ng nakakamatay na tingin ngunit unti-unting nalusaw ang masamang tingin nya nang rumehistro sa kanyang isipan kung sino ang nilalang na nasa tabi nya.

"SHIT! Ano 'to? LOKOHAN? PUTCHA!" bulong nang maliit na tinig sa kanyang isipan.

"Kamusta ka na honey bunch sugar babe?"

THIS IS A NIGHTMARE!

Heart of a Drag racerWhere stories live. Discover now