First Lap

362 10 10
                                    

FIRST LAP

Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang pumuno sa kahabaan ng 25th Avenue nang marating nya ang finish line. At gaya ng dati, sya pa rin ang tinanghal na panalo.

Ako nga pala si RAYNE ANALEIGH WALKER, RAYNE na lang, wag ANALEIGH! Sinasagasaan ko ang tumatawag sakin nyan. Isa kong Drag racer. And yes, BABAE ako, so what? bawal ba magrace ang isang babae? well, kung bawal man, wala akong pakialam and no one can ever stop me from doing what I want. Kahit pa si Superman o si Batman, mas lalo namang hindi ang isang pulis lang. Takot lang nilang masibak sa pwesto kapag kinalaban nila si MICHAEL.

REID MICHAEL CABALLERO --- ang mastermind ng Drag racing sa 25th Avenue. I call him IYEL, minsan naman BOSS. Sya ang mentor ko, ang nagpakilala sakin sa mundo ng DRAG RACING. Anak ng Mayor sa Benison City. Kilalang modelo, at endorser ng iba't-ibang panlalaking produkto. Libangan lang ang Drag Racing. Para sa kanya, pampalipas oras sa nakaka-stress nyang buhay.

I'm one of those few people na sinuwerte sa larong ito, this is my lifeline. My only lifeline, since I'm living my own life now. And yes, I'm living ALONE. My Mom and Dad died in an accident 4 years ago, and the irony of it all, they died while riding a motorbike. Funny isn't it? that I still have the guts to keep on riding a bike after that incident, but who the heck cares? This is my only way of living.

"Congrats RAYNE." bati sakin ni IYEL pagbaba ko sa motorbike.

"Yow, thanks." sabay abot ng kanang kamay para sa kanilang signature handshake

"Walang kupas, ikaw na!" sabi naman ni ZACH sabay hampas sa suot nya pang helmet.

IAN ZACHARY GUILLERMO --- isa sa mga ka-team ko. Joker ng grupo, kase mukha pa lang joke na eh? Idol ako nyan, di lang inaamin. Ilang taon na din yan nagsasanay ng mabuti para lang matalo ko sa isang karera, pero hanggang ngayon talunan pa rin. Asa pa sya! Wala pang nakatalo sakin mula nang ibigay sakin ang titulong "PRINCESS OF DRAG RACING".

"Aray! T*rant*do ka talaga Zee." asik nya.

"So it's up for a celebration then?" masayang bati naman ni MAIKA.

MAIKA SUZZANE FERNANDEZ --- nobya ni Zach. Oo, alam ko nakakapagtakang yung mukhang yun ay nagkaroon pa ng nobya! At ang totoo, 3 years na silang magkasintahan. Akalain mo nga naman oh? Minsan may mga tao talagang walang taste eh? Maganda si MAIKA. No doubt about it. Dahil isa rin syang modelong tulad ni IYEL, ang totoo, madami na silang inindorsong magkasama. Ewan ko nga ba kung anong nakita nya kay ZACH at nahumaling sya.

"Sure, ako taya. Saan tayo?" tanong nya.

"Hmm, how 'bout Ace's Place?" suwestyon ni MAIKA.

"San na naman yan MAIKS?" tanong naman ni Zach sa nobya.

"Medyo malapit lang dito. Ano, gusto nyo? Maganda dun promise!" excited nyang pahayag.

"Fine, fine. Pero mauna na siguro kayo, may kakausapin lang ako saglit." sagot ko, habang pina-park ang motorbike nyang si ASHTON.

ASHTON --- isang Honda CBR 1100XX Super Blackbird. Pinakaunang motorbike na nabili nya gamit ang mga perang napanalunan sa race. Walang ibang nakakasakay dito maliban kay IYEL, kahit ang mga crew ni IYEL ay hindi to nahahawakan, dahil sya lang din mismo ang nag-aayos at naga-upgrade nito. He's like a brother to her, that's why she don't entrust it to anybody aside from IYEL. Overprotective? Yes.

"At sino naman yan RAYNE?" tanong naman ni IYEL.

"Wala 'to boss. Next prospect, konting negotiation lang, it won't take too long, sunod na lang ako."

"Prospect? Nang di ko pa nakakausap?"

"Boss, hindi naman 'to bigtime, saka kilala ko, wag kang mag-alala." sabay tapik sa balikat nya, to loosen him off.

Heart of a Drag racerWhere stories live. Discover now