"Kyaaaah~ Omygash.Omygash.Omygash!!" Iniwanan niya ako at tumakbo siya palapit sa barkada namin. 

"Guys!! Alam mo ba! Sabi ni bes hmrrffghhhh....!!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig ng daldalitang ito.

"Ano? Anong sabi niya?" patalon-talon na tanong ni Lindsey. 

"Magsalita ka, paparusahan kita" banta ko kay bes. Tumango naman siya ng maraming beses kaya binitawan ko na ang bunganga niya. Eww~ May laway 

Habang busy ako sa pagpupunas ng laway ni bes sa kamay ko ay di ko napansin na may binubulong siya kina Lindsey.

"WAAAAAAAAAH!! OMYGOD!! Jane!! Ka-green-minded moooo!!" sigaw ni Lindsey. Napalaki naman ang mata ko at hinanap ko si bes, pero..nakatakbo na siya papaalis.

"Ikaw ang green-minded! That's not what I meant!!" sabi ko. Pero wala na, nagtitilian na ang mga ateng at nagtatalon-talon.

"Ikaw ha! May pagnanasa ka pala kay King eh!" pang-aasar ni Ruth.

"Tumigil ka nga!! Ingudngud kita eh! Grr! Tara na't pumasok!" sabi ko at hinila silang lahat.

Habang nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ay nakarinig kami ng maingay na tilian ng mga babae. Nakadating na siguro ang BRG.

We all rolled our eyes. Makatili mga wagas!! Tss!

Pagpasok namin ay wala ng tao sa mga hallway. Andun lahat sila? Hay nako! Mga pa-show off kasi yang BRG na yan eh!

"Queen!!" Si Riza yun ah?

"Hi Riza!" bati ko. Sumabay na rin siya sa paglalakad namin. 

"Ok ka na ba queen?" tanong niya.

"Hindi pa. Medyo masakit pa rin ang mga sugat at pasa ko, pero ok lang! ^^" sabi ko. Pagkarating namin sa room ay naghiwa-hiwalay na kami. Si bes, ako at si Riza lang kasi ang magkakaklase sa first class.

Pagpasok ay wala pang mga estudyante sa classroom. Seryoso sila? Nandun silang lahat pati ang mga lalake? 

"Subukan lang ni Prince na mag-flirt, sasapakin ko yun" sabi ni bes. 

"Ayieee~ Inlababo na si Ella!!" pang-aasar ni Riza.

"Bwahahahaa!! Ella?? Sinong nagpauso niyan??" natatawang tanong ko kay Riza.

"Si Lindsey! Sino pa ba?" sabi niya habang nakangiti.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن