Joel 2.0

1.4K 32 12
                                    

Ngayon lang ako naging active dito eh. Pagbigyan. Hahaha! Baliw po pala ako kaya baka mawirduhan kayo sa ilang mga sagot ko. Joke. :3

--

1.) Love o pag-ibig, ang pinaka gustong topic ng lahat. Nowadays, ang love ay para nang isang simpleng bagay na makakamit kahit kailan at mabibili. Para sa’yo ano ang love o pag-ibig?


Love ay para sa lahat. Kahit ano ka man, sino ka man, ano mang pinaniniwalaan mo, o kung ano-ano pa, pwede kang magmahal. Ang love ay nararamdaman, hindi inuutusang maramdaman. I mean, kusa mo siyang mararamdaman. Hindi yung pipilitin mo siya mahalin kasi mayaman siya at gusto mo ng pera, kasi matalino siya at gusto mong pumasa sa mga exams mo, kasi masipag siya para may taga-gawa ka ng mga projects mo, o kung ano-ano pa. Ang love ay isang seryosong bagay. Kaya kung may mahal kang isang tao, seryosohin mo siya. Wag mo siyang lokohin. Kasi ang mga taong naloko/niloko noon ay pwedeng magbago, for better or for worse. Basta, magbabago sila. Pero ito na talaga, love is a serious matter so better take it seriously.

2.) Sabi sa mga statistics, men are the breakers of relationships. What can you say about this survey result? Is it really true that we are the shits in relation-shits? At sa tingin mo bakit yan ang naging result?


Pwedeng kami ang shits sa relation-shits, pwede rin namang hindi. Depende kasi yun sa ugali nung lalaki eh. Kung shit ang ugali niya, siya na yung shit sa relation-shit. Pero kung hindi naman, siya ang ship sa relation-ship. Hindi ko alam kung may sense ba yung sinabi ko pero depende talaga sa ugali yan eh. Pano ba naman kasi siya magiging shit kung hindi naman talaga siya shit? Sa ugali talaga yan. At hindi naman sa lahat ng pagkakataon, kami ang nakikipag-break. Minsan, kami ang bine-break.

3.) “Men are pervert and sex was the agenda in a relationship.” Why or why not?


Depende yan sa ugali. Puro ako ugali eh. Pero yun naman kasi talaga. May ilan talaga na sex lang ang habol sa isang babae pero meron talagang seryoso! Hindi kami pare-parehas. Kaya kung niloko ka noon, wag mong i-conclude na manloloko na kaming lahat. Parang ganyan rin yung diyan sa sex was the agenda blah blah. Kung sex ang habol nung una sa'yo, wag mo ring i-conclude na sex lang ang habol namin sa inyo. Hindi kami pare-parehas. Yun lang.

4.) Gender Equality. Favor or not? Why?


Yes. Dapat equal lahat para maging fair sa lahat ng bagay. Kaso kahit naman ipairal yung gender equality, may mga bagay pa rin talaga na pabor lang sa mga lalaki o pabor sa mga babae. Pero favor ako sa gender equality. Everbody deserves to be treated equally.

5.) Love is no gender. Love is everywhere. Love is for all. Sa Pilipinas uso na ang same sex relationships. Maraming mga bisexuals, transgenders, trippers at gays/lesbians. So, ang tanong are you in favor with same sex relationships?


Hindi ko alam kung papabor ba ako o hindi, pero bahala na sila. Mahirap utusan ang puso. Kung mahal mo ang kapwa mo lalaki o babae, edi mahalin mo! Pero wag mo silang lokohin o paasahin. Yun lang naman yun eh. Kung mahal mo, mahalin mo kahit na ano pa siya, sino man siya, ano mang relihiyon niya, ano mang paniniwala niya, etc. Mahalin mo siya kasi yun ang sabi ng puso mo. Hindi yung mamahalin mo lang siya kasi may kailangan ka o may gusto kang makuha sa kaniya. So, bahala na sila kung gusto nilang pumasok sa mga same sex relationships basta ba't mahal talaga nila eh.

6. ) What do you think of Gays? Is it okay to be friends and close with gay people?


Marami na akong nakausap na mga babae na gusto ng mga kaibigang bakla. Bakit? Kasi masaya silang kasama at madalas, napapagaan nila ang pakiramdam mo kapag may problema ka. Magaling kasi silang mag-joke. Isa pa, kayang-kaya ka nilang damayan. Okay lang sa akin na makipag-friends sa kanila. Masasayahin silang tao. Tsaka, hindi lahat sila salot sa lipunan kasi yung iba naman sa kanila maayos na bakla. Yun. Dapat ang kakaibiganin mo ay yung mga maayos na bakla. May mga magugulong bakla kasi eh. Basta, magugulo sila. But learn to treat them in a nice way. Tao pa rin kasi sila eh. Pero kung nagsimula na sila ng gulo, birahin niyo na! Joke. Pero galangin niyo rin sila kasi tao pa rin naman sila eh. :)

--

Bear with me. Baliw po talaga ako. :3

This is Joel 2.0/@torpedobelly

Stronger, Nosier, and Gaya-gaya-er. Tsk. Parang ginaya ko lang tuloy sila. Hahaha! Okay. :3

SOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon