Shino 2.0

507 20 32
                                    

Paalala:

Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga sagot na maaaring taliwas sa iyong paniniwala. Salamat po.

 

*****

 

1.) Love o pag-ibig, ang pinaka gustong topic ng lahat. Nowadays, ang love ay para nang isang simpleng bagay na makakamit kahit kalian at mabibili. Para sa’yo ano ang love o pag-ibig?

[1.] What is love? Ito ang katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko. Nagtanong-tanong ako sa ilang kaklase tungkol sa bagay na ito. At bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang depinisyon ng salitang ito. At heto ang ilan sa mga naging sagot nila:

"Love is a special feeling for someone.", iyan ang sagot ng kaklase ko na itatago ko sa pangalang 'Lorenz'.

"Love is a bonding connecting one or two individuals.", iyan naman ang tugon ni 'Marty'.

"Love confuses everything.", sagot naman ni 'JC'.

Para sa akin, may punto naman at tama ang mga kasagutan nila. Afterall, walang TAMA o MALI sa pagbibigay ng kuru-kuro.

Ano ang ibig kong iparating? Simple lang, wala talagang depinisyon ang LOVE. Ito ay isa lamang salita na may apat na letra. Nagkakaroon lamang ito ng kahulugan depende sa taong nakakaramdam nito.

"Love has no definite meaning unless you never experienced it. It depends in the person on how he or she give meaning to that word. Love has only 4 letters but it has thousands of meaning."

Base sa nakasaad sa taas, nakadepende ito sa taong nakakaranas nito. AT, kung aanalisahin, LOVE IS PRICELESS. Para itong isang napakamahal na diyamante na kahit sino ay hindi makakamit. Kumbaga, ito na ang pinakamataas na antas ng pagkagusto.

Hindi matatawag na LOVE ang isang relasyon na nakasentro lamang sa mga makamundong bagay. Hindi pagmamahal ang tawag doon. Ang TUNAY, TOTOO at TAPAT na pagmamahal ay nakasentro sa Panginoon at hindi sa kung anu-anong bagay. Nakakalungkot lang isipin na ang pag-ibig ay basta-basta na lamang nakukuha, at ang pinakamalala, nabibili na.

2.) Sabi sa mga statistics, men are the breakers of relationships. What can you say about this survey result? Is it really true that we are the shits in relation-shits? At sa tingin mo bakit yan ang naging result?

 

[2.] Men are the breaker of any relationships. Honestly, hindi ako sumasang-ayon sa pahayag na ito. Bakit? Nakadepende ang isang relasyon kung paano mo ito hinahandle. Hindi lang kaming mga lalaki ang pwedeng makasira sa isang relasyon. Kahit mga babae, maaari ring makasira. Sa panahon ngayon, hindi lang mga lalaki ang may kakayahan na gumawa ng ikasisira ng relasyon. Kahit mga babae. Afterall, pantay na ang babae at lalaki. Hindi rin sapat na rason ang pagsisi sa amin kung bakit nasira ang isang relasyon.

Gusto kong iparating na sa isang relasyon, parehong lalaki at babae ang may pananagutan dito. At, nasa tamang paghahandle ng relationship ang susi sa harmonious nitong daloy.

At, mahalaga rin sa isang relasyon ang pag-uunawaan ng dalawang partido. Iyon bang walang naglalamangan at nagpapataasan ng PRIDE.

3.) “Men are pervert and sex was the agenda in a relationship.” Why or why not?

 [3.] Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na ito. Para sa akin, hindi naman lahat ng lalaki ay pervert. Oo, inaamin namin na ganun nga kami. Pero hindi mo na maiaalis iyon. Kumbaga, bago pa tayo isilang naroon na ang 'tagline' na 'yan. May mga lalaki pa rin naman na hindi ganito. Iyon bang good boy kumbaga. Pero bibihira na lamang.

Sex is the agenda? Not really, hindi lahat sex ang habol sa isang relasyon. "Kasalanan ng isa, kasalanan na ng lahat." Ano ang kinalaman nito? Simple lang, may mga lalaki na ganito talaga ang habol. Kaya ang resulta, nadadamay lahat. Kumbaga, nakadikit na 'yon sa amin. Kasi nga, may nauna nang gumawa, maaari rin naming magawa.

4.) Gender Equality. Favor or not? Why?

 [4.] Gender equality. Ako ay pumapabor. Bakit? Dahil nilikha tayo ng Diyos nang pantay-pantay. Iyon bang walang dominat? Iyong walang lamangan? Sa panahon ngayon, hindi lang mga lalaki ang maaaring mamuno sa mundo, pati rin mga babae.

Marami na ring mga kababaihan ang may napatunayan na sa iba't-ibang larangan.. mga larangan na dati ay mga lalaki lamang ang nakakagawa.

5.) Love is no gender. Love is everywhere. Love is for all. Sa Pilipinas uso na ang same sex relationships. Maraming mga bisexuals, transgenders, trippers at gays/lesbians. So, ang tanong are you in favor with same sex relationships?

[5.] Hindi. Hindi ako sumasang-ayon lalo na sa Same Sex Marriage. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae at iniutos na magpakarami. Oo, love has no boundaries or whatsoever pero hindi pa rin tama. Hindi tama dahil itinadhana na ang babae ay para lamang sa lalaki and vice versa.

Pero, hindi ito nangangahulugan na tutol ako totally. Kasi nga, hindi ko masasabi 'yon. Ganun talaga minsan, naiinlove tayo sa kapareho nating kasarian. Kumbaga, gaya ng sagot ko sa number 1, walang eksaktong kahulugan ang pag-ibig. Meaning, nakadepende iyon sa nakakaramdam. Magulo ba? In short, hindi ako sumasang-ayon pero wala naman akong karapatan na tutulan iyon.

6. ) What do you think of Gays? Is it okay to be friends and close with gay people?

 

[6.] Gays? Normal din sila. Tao din sila. Bukod dun wala na. Wala naman akong tutol sa kanila. Sa totoo lang, mas masaya silang kasama. Mas nakakaenjoy ang company nila. Actually, may mga kaibigan akong member ng 3rd sex. Mas gusto ko silang kasama dahil na rin, lalaki pa rin sila. Mas mauunawaan nila ako in terms of relationship. Gets niyo yung logic? Lalaki sila at the same time, babae by heart kaya may mga ideas sila sa relationships. Seriously. Totoo ito, true to life ang sagot ko dito sa tanong na ito.

SOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon