Married To The Rude Boy SC#1

101K 2.4K 108
                                    

MARRIED TO THE RUDE BOY SC#1

Malakas ang naging iyak sa aming tabi. Mabilis akong tumayo pero kinumutan lamang ako ni Iñigo.

"Ako na." inaantok pa niyang sabi bago naglakad para puntahan si Matthew. Napangiti na lamang ako at agad na sumunod dito. Si Matt ay nakakapit na sa gilid ng kanyang crib at umiiyak.

"Momma!" sigaw nito. Noong lumapit si Igoy ay binato lamang siya nito ng laruan. Natamaan ang asawa ko sa ilong at mabilis na nagmura.

"Iñigo, yung bibig mo." Galit kong sabi. Napanguso lamang si Iñigo bago ko siya nilampasan.

"Ang sabi ko matulog ka na lang."

Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko kung ano ang problema ng bata. Dinama ko ang diaper niya at doon ko nalaman na basang basa na iyon. Dinala ko siya sa aming higaan habang nakasunod lamang si Iñigo. Mabilis akong kumuha ng lampin na pampalit. Inasikaso ko muna ang bata na abala sa paglalaro ng kanyang lampin.

"Up!" anas nito at tinaas ang kamay. Napangiwi ako. Mukhang hindi na siya inaantok.

"No, little boy. Sleep." Sabi ni Iñigo. Siya ang kumuha kay Matthew pero lalo lamang itong umiyak. Pilit ako nitong inaabot pero inalalayo ako ni Iñigo.

"Momma! Want Momma!" sigaw nito. Hinalikan lamang ni Iñigo ang absang basa na nitong pisngi pero hindi tumigil si Matthew.

"Akina." Sabi ko. Iniabot siya sa akin ni Iñigo at doon lamang tumigil si Matthew. Isiniksik nito ang mukha sa aking leeg habang humihikbi pa. Ang sama sama ng tingin ko kay Iñigo pero ngumisi lamang ito.

"Momma. I want Momma." Panggagaya ni Iñigo sa sinabi ng anak. Gumalaw si Matthew at hinampas na naman ang kanyang ama. Natawa na lamang ako habang si Matt ay mukhang inis na inis na.

"Bad." Reklamo ng anak ko. Nilingon niya ako na para bang nanghihingi siya ng kumpirmasyon sa sinabi niya. Pinunasan ko lamang ang mga natirang luha bago ngumiti.

"Papa's not bad." Sabi ko dito. Ngumuso lamang si Matthew. Iyong singkit niyang mata ay lalong naningkit lamang. Napahinga ako ng malalim. Ako ang gustong gusto niya pero ang buong mukha niya ay galing talaga kay Iñigo. Ni isang feature yata ay wala siyang nakuha mula sa akin.

Yumakap si Iñigo sa aking likuran habang patuloy na inaasar ang anak.

"Mama's mine." Sabi ni Iñigo at hinalikan ang aking pisngi. Marahas ang naging galaw ni Matthew. Kinawag kawag niya ang maliliit niyang kamay at pilit na pinapalayo sa akin si Iñigo.

Hinawakan nito ng mariin ang pisngi ni Iñigo. Hinalikan ni Igoy ang maliliit na kamay ni Matthew bago tumawa.

"Momma mine!" sigaw na naman nito. Umiling lamang si Iñigo habang natatawa na. Inirapan ko ang asawa kong sobrang tigas ng ulo.

"Paano matutulog itong anak mo kung ginugulo mo?" masungit kong sabi. Ngumisi lamang siya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. You're mine right?" pilyo nitong sabi. Inapakan ko ang paa niya at mabilis itong napaaray. Sa bisig ko ay natawa si Matthew.

" 'Gain!" he screamed.

"No. Mama stepped on Papa. Mama's bad. Don't do that huh?"

"Momma not bad." Punong puno ng conviction na sabi ng anak ko. Napailing na lamang si Iñigo at iniabot si Matthew. Sumama na ang bata sa kanya at si Iñigo na nag naghele dito. Humikab si Matthew at kinusot ang mata.

"Sleepy now huh?" masuyo nitong sabi. Tumango lamang si Matt at sumiksik din kay Iñigo. Tinapik tapik ng asawa ko ang likuran ng aming anak hanggang sa makatulog na ulit ito.

Maingat na inilapag ni Iñigo si Matthew sa crib nito bago muling kinumutan. Bumalik na si Iñigo sa aking tabi at pumasok sa ilalim ng kumot.

"Let's sleep?" malambing ang boses ni Iñigo. Pinahiga niya ako sa kanyang braso at agad na akong niyakap.

"Iris ko, matutulog na ako." Aniya. Napangiti ako at hinawakan ang kanyang dibdib. Tiningnan ko siya ng diretsyo sa mata.

"Igoy ko, mas mahal na kita bukas." Sabi ko. Lumawak ang ngisi niya at hinalikan ang aking noo.

"And I will love you more tomorrow Noob." Bulong niya at niyakap na ako ng mahigpit.

---------------------------

Kinikilig ako sa AlDub haha. :)

*pen<310


Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon