***

I don't know how many hours have passed but it was already nighttime when the long battle has ended. Nakabantay lang kami sa paligid dahil sinabi sa amin ni Ma'am Michiko kanina na mas makakabuti kung hindi na kami sasama sa labanan dahil bukod sa sugatan kami ay hindi namin ito laban.

Napatingin naman ako kay Hiro at sa braso niya. I managed to stop the bleeding but I'm not knowledgeable about disinfecting the wound. I'm still worried about him so I constantly observe his movements. Hindi naman ako makagalaw sa posisyon ko dahil sa lagay ng binti at braso ko.


'They're here,' biglang sabi niya at pagtingin ko ay naglalakad palapit sa amin si Papa at ang Mama niya.


Habang naglalakad sila ay ramdam na ramdam ko ang presence nila lalo pa't hawak pa nila ang kanilang weapons at seryoso pa ang expressions nila. Sinubukan kong maglakad pero muntik na naman akong matumba pero naalalayan agad ako ni Hiro.


'Thanks,' sabi ko at tumingin lang siya sa akin. 'W-what?'

'Nothing.'


Hinintay namin sila at nung nakita ko si Papa ay naghalu-halo na ang nararamdaman ko, lalo pa't kagagaling ko lang kanina sa lab kung saan...kung saan ako pinanganak ni Mama.


"Nathan," tawag ng Mama niya sa kanya. "Let's go."


Alam kong ginawa niya 'yun para maiwan kaming dalawa ni Papa kaya naman sumunod si Hiro sa kanya, habang kami ni Papa ay magkaharap lang. Bigla naman siyang ngumiti sa akin at lumapit siya para yakapin ako. Sabi ko hindi na ako iiyak pero paulit-ulit ko namang binabali ang pangakong 'yun.


"Sorry, Rainie. Sorry if I can't say anything about your mother." Tumango lang ako dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Papa. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at ganun din ang ginawa niya sa akin.


All of a sudden, I heard the victorious battle cries of the Shinigami rebels. Kinilabutan ako dahil sa sobrang lakas at naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng Black Dimension bawat segundo. Habang nandito kami kanina ni Hiro ay nakita ko ang labanan ng ilang Elites at nakatulala lang ako kina Haruka at Daiki, ang mga magulang ni Darwin. They led their tribe successfully and their strengths are comparable to the Great Seven.


"To our ancestor, Ryou!" sigaw nila habang nakataas ang mga sandata. "Let this victory mark the start of another era! Shinigamis!" Another round of thunderous roar filled the surroundings. At the middle of the field, some Shinigamis from the base were chained and tied and I think others fled through the Black Dimension. Three Elites were caught but the majority of them escaped.


Tuluyan nang nagcollapse ang binti ko at buti ay nakaalalay sa akin si Papa kaya hindi ako bumagsak sa lupa. Hindi ko pa masyadong nararamdaman ang sakit kanina dala ng adrenaline pero ngayon ay parang isang bagsakan kong naramdaman lahat.


"Let's go home. You need to be treated," sabay pinasan niya ako sa likod niya at nawala ang hawak niyang espada. Bigla akong nakaramdam ng hiya pero nagibabaw ang tuwa ko. Hindi ko naranasang magkaroon ng tatay kaya naman bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Being with him makes me feel so safe.


Dala na rin siguro ng matinding pagod kaya nakatulog ako at paggising ko ay nasa jet na kami ni Sir Hiroshi. Ni hindi ko nga alam kung saan sila nanggaling o pumunta during the battle.


***

"Morning." Napatingin agad ako sa gilid ko at nakita ko si Hiro na nakaupo sa tabi ko. Napunta agad ang tingin ko sa braso niya at mukhang nabigyan na siya ng first aid kaya hindi na 'yun dumudugo.

"Nasaan sila?" tanong ko naman sa kanya.

"They stayed at the Shinigami's base. I think they are going to talk to the new leaders."


Naalala ko naman bigla si Darwin. Hindi na pala ako nakapagpaalam sa kanya. But I think he's going to be busy because his parents will be the ones to lead the new Shinigami tribe.


"How about Nel and Krystal?"

"Their comrades arrived and maybe they're on their way back to their places."


Bigla tuloy akong naguilty dahil hindi ko man lang ulit sila nakita para makapagpasalamat. They are the reason why I survived the fight. If it weren't for them...


'I don't think you're giving yourself enough credit.' Napatingin ulit ako sa kanya nung narinig ko 'yun sa isip ko. 'You survived not just because of them but because of your own skills.'


Nagulat naman ako sa narinig ko kay Hiro at medyo natakot ako dahil seryoso ang pagkakasabi niya sa mga salitang 'yun.


"S-sorry," I blurted and it seems like he realized what happened. He sighed and I can see that he's tired.

'Sorry,' sabi niya at nag-iwas siya ng tingin.

"Natulog ka na ba?" tanong ko at umiling siya habang nakatingin lang sa harapan. Dahil hindi ko magalaw ang kanang braso ko ay ginamit ko ang kaliwa ko para abutin ang mukha niya at sinarado ko ang mga mata niya. "Then you should sleep," sabi ko.


Akala ko ay magrereklamo siya pero ilang segundo lang ay naramdaman ko ang paglalim ng paghinga niya. Tinanggal ko ang kamay ko sa mga mata niya at napangiti ako nung nakita kong natutulog na siya.

Among the six of us, he's always the person we look up to. He has the aura and skills of a leader and he takes care of us. Alam kong hindi siya natulog dahil binabantayan niya ako kanina at ngayon, ako naman ang gagawa nun.


"Sleep well," I whispered and I waited for the sunrise.


***

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now