Napabuntong-hininga na lang ako at hinatak ko ulit ang pana mula sa katawan ng Shinigami. Doon ko narealize na ang tanga ko dahil hindi ko sinummon ang weapons ko bago ako pumasok dito. I can't summon my weapons inside this place and now I am left with an arrow. Pwede akong lumabas pero hindi ko alamkung saan ako mapupunta at hindi ko sigurado kung matatrack ko pa ba ang Chamber mula roon.

Okay. I'll just depend on luck since I don't know if I can survive this place with just an arrow, and on top of that, a broken arm and leg.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at naging alert ako dahil nararamdaman ko ang tension sa paligid. Hindi ko alam kung may aatake ba sa akin kaya naman sobrang bagal ng pagkilos ko. Hanggang sa makarinig ako ng ingay.

Napatigil ako sa paglalakad at hinigpitan ko ang hawak sa arrow ko. Lalong lumakas ang ingay at kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung ano ang paparating sa akin.


"Chase him!"


Nagulat ako nung makakita ako ng ilang Shinigami na tumatakbo papunta sa akin habang may isang lalaki silang hinahabol...

Oh my God!


"Darwin!" sigaw ko at napatingin sa akin si Darwin na hinahabol ngayon ng mga Shinigami. Nakita ko sa mga mata niya ang gulat nung nagkatinginan kami at doon ko rin narealize na nasa twenty pala ang humahabol sa kanya. Nabaling naman sa akin ang tingin ng ilang Shinigami at napahinto sila bigla.

"Heh. So ikaw ang anak ng traydor na 'yun?" sabi ng isa na mukhang leader ng pack na 'to. Nag-init ang ulo ko nung marinig ko 'yun at hinarap ko siya.

"Ako nga. I am the daughter of Rielle. Do you have any problems with that?"


I really find it frustrating when they label her as a traitor. Hindi siya tanggap ng Senshins at hindi rin siya kinikilala ng Shinigamis. Kung ako nga ay nasasaktan para sa kanya ngayon, gaano pa kaya kasakit ang naramdaman niya noon?

Not knowing where you belong and both place are pushing you away...

Gusto kong masaktan at umiyak para sa kanya pero alam kong ayaw niya 'yung mangyari. It's exasperating but I know her hardships were for me.

Siguro dala na rin ng halu-halong emosyon kaya ko nagawang sumugod papunta sa kanya. Narinig ko ang pagsigaw ni Darwin ng pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Sa loob ng ilang segundo ay wala na akong naririnig at tanging ang Shinigami lang na 'yun ang nakikita ko. Hanggang maging ang paningin ko ay nawala na rin.


Wala akong maramdaman...

Wala akong marinig...

Wala akong makita...


Anong...


"Rainie!"


Biglang nagising ang diwa ko nung narinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa harapan ko ay hindi ako makapaniwala sa nangyari.

My arrow was pierced into the Shinigami's heart and he collapsed on the ground.


"Shit!" Naramdaman ko ang paghawak ni Darwin sa ulo ko at pinilit niya akong yumuko. Saka ko nakita na sumusugod na pala sa akin ang ibang Shinigami dahil sa ginawa ko.


Narinig ko ang pagtibok ng puso ko. That's right. I don't have the time to be scared. I need to fight. I need to fight to protect the people I love. Just like what my mother did.


"Darwin!" sigaw ko at agad naman siyang tumingin sa akin habang pinoprotektahan ako. "Get that bow and quiver for me," sabay tingin ko sa isang Shinigami na gumagamit ng weapon katulad sa akin. Bigla namang ngumiti si Darwin sa akin.

"As you wish."


Sa isang iglap ay nawala si Darwin sa tabi ko at narinig ko ang pagsigaw ng Shinigami na target namin. Agad niyang inalis mula sa katawan nito ang bow and quiver at hinagis papunta sa akin. Nasalo ko naman ang mga 'yun at niready ko kaagad ang pag-atake ko nung nakita kong may sumugod sa likuran ni Darwin.


"I won't let you touch him," I whispered as I released the arrow from the bow. It hit the back of the Shinigami and Darwin looked at me with a proud expression.

'That's my girl. Kidding,' sabay slash niya sa hawak niyang sword sa natitirang tatlong Shinigami sa harapan niya.

'Get serious, Darwin!' sigaw ko dahil nagawa niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon at kinabahan ako pero narinig ko lang ang pagtawa niya sa isip ko.


Makalipas ang ilang minuto ay naging tahimik na ulit ang paligid at nagawa naming pabagsakin silang lahat. Hindi ko alam kung epekto ba 'to ng pakikipaglaban ko pero unti-unti ko na namang nararamdaman ang sakit sa bandang binti ko. I hope Krystal's first aid would still last for a couple of hours.


"Are you okay?" tanong ni Darwin nung makalapit na siya sa akin.

"Y-Yeah. By the way, nasaan si Hiro?" Magkasama sila nung pumasok sila rito. Bakit wala siya ngayon?

"Nasa Laboratory siya. I can't let him enter here since the Black Dimension can burn his body."


So nasa Laboratory side siya. I just hope na makalabas siya roon dahil sa ginawang pagwasak ni Papa sa building na 'yun.


"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko naman habang naglalakad kami.

"Dungeon."

"Doon ba makikita ang sinasabi mong eye projects?"

"Well, there are ongoing eye projects inside the Laboratory but there are rumors about a hidden lab in the Dungeon."

"You mean..."

"Yes. We may find projects about immortality, Erityian tribes' data and..."

"And what?"

"Clues and data about your mother."


Pagkarinig ko nun ay biglang sumikip ang dibdib ko. Right...this is my mother's home. This is where she grew up. Pero hindi ko alam kung handa na ba akong makita o may malaman tungkol sa kanya lalo na't sobrang hirap ng mga pinagdaanan niya.

But this is the only way to know more about her. This is the only way to move forward.


"Let's go," I said and we headed to the Dungeon.


***




Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now