Oh Jake at Keyle. Nandito din kayo. I mean pumunta si Jake himala. At keyle. Invited ka din? - Chris

Iho natural nandito si Jake anak ko sya e. At si Keyle sya ang mapapangasawa ng isa ko pang anak. Si Camille. -papa

Hindi ako tumingin kahit kanino. Nagtatawanan sila Papa at magulang ni Keyle. Natapos ang kainan at iniwasan ko lang ang makipag usap lalo na kay Chris.

CHRIS POV

Nandito kami sa Garden nila Jake. Hindi na nakakatuwa to.

Wala akong alam. Swear.- Jake

Mas lalo ako. At ayoko ng idea nila. Please lang. -Keyle.

Hi guys! Akala ko ba party to? Bakit para kayong nabagsakan ng langit at lupa? Biglang dumating si Josh. Malamang makakalimutan ba sya ng papa ni Jake at ni Camille. Haaaaaaay! Nakakabaliw.

Naka arranged marriage si Camille at Keyle. Si Jake and Camille Magkapatid. Ano pa kayang malalaman naten next time. Baka ampon ka Josh. Sabe ko..

Wooooaww! Wala akong kinalaman dyan okay? Anak ako ng magulang ko. At wala akong magulong story na kagaya sa inyo. Sagot ni Josh.

Anong gagawin naten? -Keyle

Saan?-Ako

Hindi kami pwedeng makasal.- Keyle

Bakit hindi? Wala namang masama diba? - Camille

Camille.-Jake

Wala naman akong boyfriend. At wala din namang girlfriend si Keyle. Kaya okay lang. -Camille

Wala nga ba Keyle?-Josh

Hindi sumagot si Keyle.

Camille, relax pwede naman naten kausapin si papa e. pwede naman kayong umayaw. -Jake

Camille, Naglakas loob akong lapitan sya. Pero bigla syang umalis.

Galit padin pala sya saken....

Tama si Camille. Wala namang masama. Papakasalan ko sya.,- Keyle

Pagkatapos nun. Umalis na si Keyle. Wala nanaman akong magawa. Asar! Bakit lageng ganto ang kalagayan ko?

INAH POV

Hanggang ngayon hindi padin nagpaparamdam si Keyle. Simula nang dumating sya dito sa bahay. Nagaalala na ako sakanya. Ilang beses ako tumawag. Pero wala sya sakanila. Kahit sa phone nya hindi nya sinasagot. Kinakabahan ako...

Anak.. Tawag ni Mama saken.

Pasok.. Pumasok na si mama. May dala syang kahon. Ano kaya yun.

Anak ito yung mga bagay na hindi mo matandaan. Yung mga bagay na dapat matagal na naming sinabe sayo.

Kinuha ko yung kahon at binuksan. Una kong nakita yung isang papel. Letter sya na nagtatapat ng nararamdaman nya para sakin. Galing sya kay Keyle..

May bulaklak na nalata na. may nakadikit na note. "My first flowers."

May isang kitchain ng Half heart. Yung isa sigurado nasa nagbigay yung flowers.

Sa ilalim ng kahon may Photo album. Nandun lahat. Simula nang makilala ko si Keyle. Hanggang sa maging magkaibigan kami.... Nung ligawan nya ako at naging kami..

May mga photos nung nagkasakit ako.

Hindi ko matandaan lahat. Pero naiintindihan ko na.

Nabura man sya sa Isip ko. Sa PUSO ko hindi.

Ngayong alam ko na ang totoo.

Siya ang isang bagay na nabura sayo. Tinago namin sya sayo. Ayaw mong umalis dito sa Pilipinas dahil hindi mo na sya maalala pag balik mo. Ayaw mo syang mawaglit sa mata at isip mo. Kulang nalang hindi ka matulog magkausap lang kayo,.Sabe ni mama saken.

The Player Meets the Game MakerWhere stories live. Discover now