Uninvited Guest

2 0 0
                                        

Hindi ako pwedeng matalo kay Chris. Kung hindi nya lang din ako titigilan hindi pwedeng ganto ko. Mamaya pinagttripan lang nya ako e, ayoko namang tanungin sya. Mukha kaya akong kawawa duuh. Arrrg.. susubukan ko nalang umiwas baka sakaling tumigil na sya sa pangugulo. Sana lang mag work.

Kinabukasan hindi ako pumasok. Para makaiwas kay Chris ayokong Makita sya at ayokong kausapin sya dahil alam kong delikado ako sakanya. May mga naging relationships na ako syempre, pero iba si Chris hindi sya pwedeng maging kalaro malaki yung chance na matalo ako. Pero ayokong magpatalo if ever na hindi na talaga ako makagawa ng paraan.

Sinabe ko kay mama na masakit yung tyan ko at tumawag nalang sa school. Siguro naman pwedeng magkasakit kahit scholar diba?

Anak masakit paba yung tyan mo? May naghihintay sayo sa baba.

Ano? Sino naman yun? Ghaad. Kokotongan ko talaga sila pag pumunta yun dito. As if naniniwala silang may sakit ako diba. Kahit ganon sila alam kong kilala nila ako. At alam nilang palusot ko lang to.

Bumaba na ako, may choice ba ako? Alangan naman itanong ko pa kay mama, mamaya hindi nya pa kilala, tsaka dinalaw na nga ako e. aarte pa ba ? Pagbaba ko nakita ko agad ang pagmumukha nya at nagsisi agad ako na lumabas ako ng kwarto.

Hi Cams. May sakit ka daw?

Alam nyo na kung sino yan.

Oo wala kang pake. Umalis kana.

Pano nya ba nalaman ang bahay ko.

Kunwari kapa. Kain tayo oh. May dala ako.

Diba? Ang yabang. Kilala nyo na?

Chris please.

Anak, bakit hindi kayo maupo at nakatayo kayo dyan. Dumating si mama, ano ba yan umiwas na nga ako eh. Bakit ba sya nandito. Sino ba nagturo ng bahay ko sakanya. Nakoo namaaaaann.

UPO KA, with my BRIGHTEST FAKE Smile.

Salamat. ^____^ Plastick neto. Bwisit.

Dito kana kumain, ano nga ba pangalan mo?tanong ni mama kay plastic.

Chris po.

Umalis na si mama. Pumunta ng kusina.

Close kayo? Tita talaga??

Oo. Init ng ulo mo saken.

Dapat lang. sinira mo araw ko eh!

Pinuntahan na kita. Ikaw pa galit? Bakit ganyan kayong mga babae?

Ang kapal talaga ng balat neto, anong feeling nya? Gusto ko syang Makita?

Hoy! Ikaw. Kung saan ka man nanggaling at kung saan ka man nagmula. Unang una ayokong Makita ka, pangalawa, hindi ko sinabeng mag pumunta ka dito.

Grabe lang na stress ako sa lalaking to. Sinisira nya ang araw ko.

Bakit ka absent? Biglang tanong nya. Parang tanga biglang sumeryoso. May sayad ata to e. sino kayang kalahi neto, si kampanerang kuba o si dyesebel, de bale na parehas namang si Anne Curtis yun e.

Walampake. Hindi padin kami close after all. Hindi ko talaga makuha yung sense na kelangan nyng pumunta dito ngayon dahil lang absent ako.

Scholar ka Camille. Mag aral kang mabuti. Tumingin ako sakanya. Atsaka hinawakan sya sa noo pagkatapos sa leeg.

Chris umuwi kana kasi ikaw ang may sakit e. Parang may sayad si Chris. Grabe lang.

Bakit kaba kasi umabsent? Sabe nung kaibigan mong maliit...

Si Inah, Sabat ko, pag narinig sya ni Inah baka malaman nya yung pag kakaiba ng maliit sa cute size. Wag mo syang tatawaging maliit, guguho ang mundo mo. Swear.

Okay okay, si Inah, sabe nya may sakit ka daw.

Oh bakit ka nandito ?

Edi Aalagaan kita ^_^

Anooooo?!!!

Nako tamang tama kelangan ko kasing umalis eh. Kelangan ng makakain at uminom ng gamot ni Camille, Iho maasahan at mapagkakatiwalaan ba kita? Tandaan mo pag may ginawa kang masama. Di ka makakabalik sa eskwelahan nyo ng buhay. Wow! Nakaka hanga si Mama dun ah. Hahaha.

Wag po kayo mag alala Tita J Aalagaan ko lang po talaga si Camille.

Epal. Pasikat to kay Mama e. Umalis na din si mama at naiwan kami. May dala syang pag kain kaya kumain muna kami. At since wala naman akong sakit nun nag stay nalang kami sa Sala. Hindi ko sya dadalin sa kwarto kahit gusto kong mahiga dahil pampam sya.

Camille... Umiiwas ka saken. Biglang sabe ni Chris. Alam naman pala nya e.

Ngayon? Sabe ko sakanya aba. FC sya.

Arte mo. Kakainin ba kita? Wag kang umabsent dahil saken. Scholar ka.

Kapal mo. Umabsent ako kasi nakakatamad. Oo scholar ako pero hindi naman isang absent and makakabagsak saken. Nakooo tirisin ko to eh.

At dahil wala naman kaming dapat gawin nanuod nalang kami ng palabas The Fault in the Stars.

Patapos na kami kaya naman sabe ko..

Mas masakit pala minsan pag alam mong mawawala na sya pero walang mas sasakit kapag wala na talaga sya. Kahit gusto mo syang Makita, humingi ng sorry o kaya kausapin sya wala na sya e. Ano pang gagawin mo?

Pero sumagot sya..

Pero diba masakit padin yung nandyan sya. Pero parang wala? Gusto mo syang kausapin pero hindi mo magawa. Gusto mong mag sorry pero hindi sya nakikinig at diba masakita din yung gusto mo syang kausapin pero hindi mo magawa.

Napaisip ako sa sinabe nya.

May nanakit na sayo?

Oo. Sayo? Sagot nya

Sa pag-ibig? Wala pa. Hindi ko hinahayaan saktan ako. Kahit sino. Kahit saan at kahit kelan. Kung makikita ko ang lalaking para saken. Hindi ko sya hahayaan saktan ako.

Hindi mo malalaman na magmamahal ka kung di ka masasaktan. Sabe nya.

Edi hindi ako mag mamahal. Sabe ko, at tumayo na ako para pumunta sa kwarto.

Umuwi ka kung gusto mo O hintayin mo si Mama. Bahala ka.

At pumunta na ako sa kwarto ko.

End of Chapter 4.

A/N Wala pang major happening sorry guys. hahahah.

Thank you sa mga nagbabasa. First story ko to kaya ganto palang.

-Chams

The Player Meets the Game MakerWhere stories live. Discover now