CAMILLE POV
Oo totoo yun. Joke lang to lahat Camille. Ako ang nililigawan ni Chris. Since kelangan nya ng tulong ko para sa pinapagawa ko sakanya. Gagawin ko na. there was never you and him. All this time? Its US.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Galing kay Miles. Tinignan ko si Chris.
Camille please pakinggan mo ko.
Hindi ako makapaniwala.
Gusto kong mabingi gusto kong magising. Please sabihin nyong nanaginip lang ako. Ayoko...Hindi to totoo....
Tumakbo ako pauwi... gusto kong magising. Mahal nya ako hindi to totoo...
CHRIS POV
Bro.. Alam kong mahirap. Pero kelangan mong subukan na kausapin sya... gawin mo lahat para maniwala sya at magtiwala sya ulit sayo. Sabe ni Josh
Nandito kami ngayon sa Bar nila Jake, umiinom kami gusto kong makalimot. Natunugan ni Miles na totoo na ang nararamdaman ko kaya inunahan nya ako. Hindi nya talaga ako gusto. Gusto nya lang saktan si Camille.
Mabilis si Miles, at seryosong galit sya kay Camille kaya gagawin nya talaga lahat para masaktan to. -Jake
Pare kung kayo, kayo talaga. -Keyle
¬Hindi umiinom si Josh kelangan may isang matino pag nalasing kami lahat. Kinalimutan ko lahat nung gabing yun.
Kinabukasan
Ang sakit ng ulo ko sobra. Kumatok si tita.
Oh gamot, pag okay ka na kumain ka. Uminom ka kagabi hindi ka man lang kumain. Buti buhay ka pa.
Salamat tita. Ambait mo talaga.
Alam mo Chris, lahat ng tao nagkakamali, walang taong perpekto. Walang taong hindi magkakamali. Nagkamali ka kasi nanloko ka, mali sya dahil nagtiwala sya. Pero kapag nakagawa tayo ng pagkakamali dapat pagsisihan at harapin naten. Dapat matuto tayong humingi ng tawad. Kung hindi ka nya mapatawad, hindi naten sya masisi. Ang mahalaga, sinubukan mo at ang importante nakahingi ka ng tawad. Kung hindi man ngayon, balang araw mapapatawad ka din nya.
Lumabas na si Tita. Hindi ako sumagot. Alam kong hinatid ako ni Josh dito, at sinabe sakanya lahat.
Hindi muna ako pumasok dahil hindi ko naman alam kung paano sya kakausapin at haharapin. Hindi ko alam kung paano ko hihingi ng tawad.
CAMILLE POV
Hindi ako pumasok, kelangan kong magpahinga...
Dear John... I see it all now
That you're gone..
Don't you think I was too young
To be messed with the girl in a dress
And cried all way home
Dear John.. I see it all now it was wrong
Don't you think nineteen's was too young
To be played with you dark twisted game
When I love you so..
Kaya nandito ako nakikinig sa kanta ni Idol Taylor..
Masakit pala mag mahal.. ganto pala yun.
Tahimik lang ako nang kumatok si Mama. Pumasok sya.
Nakahiga lang ako nang mag salita sya.
Anak ang lahat ng tao nagkakamali, kahit ikaw. Alam mo yan. Kaya dapat matuto tayong magpatawad. Ang pagpapatawad binibigay sa lahat, pero ang pangalawang pagkakataon. Ikaw ang magdedesisyon kung magbibigay ka pa o hindi na.
Hindi ako sumagot.
Sila Inah nasa baba. Paakyatin ko dito?
Tumango lang ako.
Cams... -Inah
Niyakap nila ako. Tsaka ako umiyak. Wala akong sinabe, wala silang sinabe hinawakan lang nila ako. Alam ko matagal na panahon ang dadaan bago to mawala sa puso ko. Kaya ko pa kayang Makita sya.
Salamat Guys.
Alam ko di ka pa okay, pero kelangan mong pumasok bukas. Tama na ang isang araw na naapektuhan ang pag aaral mo dahil sakanya. -Ley
Kelangan din mag move on Cams- Inah
Mahirap, pero hindi imposible. -Jash
Kelan pa kayo naging matalino? Haha.
Nagtawanan kami, at matapos ko ikwento sakanila lahat. I feel better.
Alam mo sabe ko na nga ba yung malansa sa room si Miles yun e. matagal na akong nkakasmell ng something fishy ee. -Jash.
Check. - Ley
HAHAHA, At ayun puro tawanan ang nangyare. Pero alam kong hindi padin talaga ako okay eh. Alam ko hindi ko padin gustong kausapin si Chris.
Kinabukasan* SCCA
CHRIS POV
Hi Chris.
Si Miles.... Anong pa bang kelangan nya diba nagawa nya na gusto nya.
Anong kelangan mo?
Oh. Wag ka naman ganyan. Para namang walang nangyare kagabe. Nakalimutan mo agad?
Anong sinasabe mo?
Ohh. Haha. Nakalimutan nya nga ang bad mo naman.
Inalala ko kahit hindi ko talaga alam anong nangyare kagabi. At yun. Nagkita kami kagabi. Madame kasing tao nung sumasayaw kami kaya di ko napansin nandun sya. At nakasayaw ko sya. May nangyare samen.
SH*******t,hindi to pwede. Lalong magagalit si Camille. Bakit hindi to alam nila Josh.
Oh. Don't worry. Haha. Sobrang lasing mo kasi kaya gumamit naman tayo ng protection. Ayokong magkababy.
ANONG KAILANGAN MO?
Chill. Boyfriend na kita diba? Sinusunod ko lang ang kasunduan naten. Ang bait ko nga e. tinulungan pa kita na gawin yung mission mo. ;>
ANO?Ayoko.
Oops. Gusto mo bang malaman ni Camille na may nangyare saten? Pero pwede mo namang I deny kasi hindi ko naman kinunan yung nangyare pero magsisinungaling ka ulit sakanya. Ayaw mo yun diba?
Hindi ako nakapag salita. Nakakuyom ang kamao ko dahil wala akong magawa.
Oh wag kang ganyan andame kayang gustong maging boyfriend ko. Pero ikaw ang napili ko. At sa mata nila, ikaw ang nakakuha saken.
Humawak na sya sa braso ko at naglakad kami. Hinatid ko sya sa classroom nila. Hindi ko nakita si Camille. Baka hindi ko na din kaya magpakita sakanya.
CAMILLE POV
Nakita ko silang magkasama. Siguro hindi nya ako nakita. Totoo pala. Hindi pala panaginip yun. Masakit. Kasi hindi siya humihingi ng tawad e. hindi nya ako kinausap. Ayun sya. Kasama si Miles.
Natapos ang araw, ilang beses ko syang nakita. I mean. Ilang beses ko silang nakita. Hindi sila naghihiwalay.
Araw-araw ganun ang nakikita ko. Araw-araw ganun ang nararamdaman ko. Para akong sinasaksak sa dibdib.
Ang labo ng pagkakataon. Magmamahal ka. Mamahalin ka. Pero masasaktan ka.
END OF CHAPTER 12.
Pano na kaya sila? T///T
-q
YOU ARE READING
The Player Meets the Game Maker
FanfictionWhat if they play the game called LOVE, and players are… the PLAY BOY AND the GAME MAKER herself? Who will win the game? Who will lose? Will they get something out of it? Why they are risking for this?
