Anak umalis ako dahil ayokong lokohin ang mama mo. Nagkaroon ako ng ibang pamilya. At nakikita ko syang miserable. Kaya umalis nalang ako.

And you left me behind?

Anak kaya nga ako nandito. Para bumawi sayo. Kaya sinabe ko din sa mama mo na dito ka mag aral sa University ko.

Oh diba? Sabe sa inyo saken yung School eh. Antaray noh ? Pero hindi ako natutuwa sa nangyayareng to.

Ano palang pangalan mo. Alam mo hindi nagkkwento si Mama ng kahit ano tungkol sayo. Hindi na din ako nagtanong dahil akala ko di ka na lulutang.

Carlos Perez

Atleast ngayon alam ko kahit pangalan mo lang.

Anak hayaan mo kong bumawi sayo...

Si Mama ang kasama ko buong buhay. Kung may desisyon man akong gagawin. Dapat sya ang makakaalam.

Pagkatapos naming magkita ni Carlos Perez. Kinausap ko kaagad si Mama.

Gusto nyang bumawi.

Anak ang pagpapatawad para sa lahat pero ang pagkakataon hindi. Nasa sa iyo kung anong desisyon mo.

Okay lang ba sayo kung papayagan ko sya?

Ngumiti lang sya at tumango.

Alam kong natutuwa din sya na marunong akong magpatawad. Pero bakit nga kaya bumalik sa buhay namin si Papa.

INAH POV

Nagtext saken si Keyle.

Inah, diba pumayag ka naman na manligaw ako? Hindi naman siguro masama na makilala ang parents mo diba?- Keyle

Wala naman akong nakikitang masama dun. Pero parang kinakabahan ako. First time kong magpapakilala ng lalaki. Bahala na bukas. -_-

Kinabukasan**

Nandito na ako sa room hindi ko na hinintay si Camille. Parang kinakabahan talaga ako e.

Hoooyyy. Ano yan? Ano yang mukhang yan? -Cams

Wala noh.

Sinasabe ko na nga ba, INLOVE KA! -cams

Wag ngayon Cams..

And then again, saved by the bell dumating na ang prof.

Ang aga mo ah? Di ka late.

Oo may sumundo saken e. -Cams

Ikaw pala may love life e.

Pag sinundo may lovelife? Hindi pwedeng lumutang from no where ang papa ko daw?-Cams

TALAGA?hindi mo man lang ako tinext.

Te, tinatawagan kita pero busy. Ngayon, sinong may lovelife?-Cams

kasi si keyle naman e. kausap ko kagabi eh..

natapos na din ang klase. Buti nalang hindi dito nag aaral si Keyle. Nako kung hindi mahuhulaan talaga ni Cams to lahat.

Cams kelangan ko ulit mauna ha? Kelangan ko umuwi agad ee.

Ayan nanaman po sya. -Cams

Sorry na.

Oo na sige. Ingat ka ha? -Cams

Nag bye na ako sakanya at umuwi.

CAMILLE POV

Haaay  Busy na sa lovelife si Inah. Pero ayoko na muna syang kulitin kasi alam ko bago sya sa mga gantong bagay. She needed time. Sasabihin nya din naman saken yun in time ee.

Nakasakay ako ngayon sa sundo ko. Pinapahatid at sundo ako ni Papa ,pero ngayon magkikita kami. Lalabas daw kami.

Hi Camille!

Hello po.

Tara na?

Sige.

Nag ikot kami sa mall ni papa. Binilan nya ako ng mga damit, sapatos syempre kumain kami. Oo nga pala. Nag pa salon din kami. Kinulayan nila yung buhok ko ng light brown medyo kinulot sa dulo. The rest maganda naman na ako. HAHAHA.

Habang nagpapahinga kinausap ko sya.

Sabe nyo po nagkapamilya kayo ng iba.

Oo anak.

Kamusta po yung pamilya nyo?hindi po ba sila galit na kasama nyo ko?

Anak kita. Dapat lang na puntahan kita.

Pa, Masaya ka ba sakanila. Kaya mo kami iniwan.

Anak hindi madali ang buhay habang tumatagal ka sa mundo mas bumibigat ang desisyon na gagawin mo. Mas hihirap. Hindi ko napakasalan ang babaeng kinakasama ko. Kaya hindi ko din nakasundo ang anak ko. Isa lang ang anak namin. Dahil nga itinuring ko na din na mali ang pagsasama namin. Madame akong pagkukulang sayo. Kaya sisiguraduhin kong magiging maayos ang kinabukasan mo. Hanggang sa magkapamilya ka na.

Malayo pa po yun. Hindi ko nga po alam kung may mapapalapit pa saken e.

Bakit naman? Maganda ka naman.

Basta po.

Natapos ang gabing yun. Gumagaan ang loob ko sa papa ko. Halos araw araw nagkakasama kami. At napapatawad ko na sya. Si mama, magaan ang loob nya. Yun ang mahalaga saken.

END OF CHAPTER 14

Wahahahaha. Wala na si Chris. Kinain na ng buhaya wag nyo nang hanapin. But bakit nga kaya bumalik ang papa ni Camille. Hmmm.

-q


The Player Meets the Game MakerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang