Oo na. ipakilala mo na yan saken.

INAH POV

Wooooooo Yeaaaaaaaahhh.. first POV. Sila Jash kasi umalis. Ako tuloy may POV. Ayun hindi ko masabe kay Camille na kasama ko lage si Keyle. Kasi naman. Friend sya ni ano. Ayoko na maalala nya pa yung nangyare dati. Kasi mukhang okay na sya.

Hi. Kinukulit na ako ni Camille na ipakilala ka. Eh kilala ka naman nya.

Oo nga naman. Haha tara na?

Sige.

Wala naman talaga kaming pupuntahan ni Keyle. Lumalabas lang kami. Nanliligaw sya pero gusto ko din muna makasiguro. Hindi ko din alam bakit ako ang niligawan nya.

Keyle...

Bakit?-keyle

Bakit niligawan mo ko? Tsaka alam mo ba nung high school kilalang kilala ka na babaero.

Haha oo nga e. babaero talaga ko dun. Pero marunong ako mag mahal. Alam mo ba dati may babae akong minahal?

Bakit kaya ganto sya tumingin saken. Hindi naman ako yun. Kasi ngayon nya lang ako niligawan. Oh ano naman nangyare?

Iniwan nya ako.-keyle

DI NGA?

Oo nga. Sabe nya nagsasawa na daw sya saken. Nakakapagod daw akong kasama. May mahal na daw syang iba.

Parang biglang sumakit yung ulo ko. Parang may naalala akong ganun. Pero hindi ko maintindihan.

Okay ka lang? - Keyle

Ahh Oo sumakit lang ulo ko. KAsi alam mo bang operahan ako sa ulo dati. Nagkatumor ako. Himala nga e. akala naming mamamatay na ako. Pero may mga memories akong nawala kaya ayun. Madame akong di maalala. Ewan ko bakit biglang sumakit.

Pero nakatitig lang sya saken. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Keyle... Keyle...

Inah.. bakit di mo sinabe?-Keyle

Ang ano?

Wala.

Nag lakad lakad nalang kami. Tsaka umuwi. Hindi ko padin alam bakit sya nagkaganon.

CAMILLE POV

Restau**

Antagal naman ng hinihintay namin. -3-

Anak may sasabihin ako sayo.

Ma kung gusto mo ko kausapin. Bakit hindi nalang tayo sa bahay.

Nung isang araw tumawag ang papa mo. Gusto ka nyang Makita.

Ma, seriously? Ano ba to? After 17years? Ngayon nya lang naisip yan? Ghaad.

Anak natandaan mo ba yung sinabe ko sayo? Dapat marunong tayo humingi ng tawad at magpatawad. Sya ang papa mo. At kahit ano pang kasalanan nya. May karapatan syang Makita ka. At may karapatan kang Makita sya.

Hindi ako nagsalita.

At tingin ko ayan na sya. May dumadating na lalaki nasa 40 na sya. Naka suit. Mukhang mayaman. Mayaman naman pala sya bakit nya pa ba kelangan Makita ko. Epal.

Camille anak?

At ayun niyakap nya ako.

Aalis muna ako. -Mama

Salamat Vienna. -Manong na tatay ko daw

Anak ako ang papa mo.

Oo, ikaw yung nang iwan samen.

The Player Meets the Game MakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora