Chapter 15 - Hatred or Not?

8.7K 314 0
                                    

Matapos ang boring na klase, lunch break na din sa wakas. Nagkasundo kami ni Milo na sabay kami, pero pasado alas dose na at wala padin sya sa canteen? Nag aalala nako.

Yung tipong pag nakilala mo ako noon, isa akong walang pakielam sa ibang tao. Lahat ng ugaling masama nasakin. Pero ngayon, iba na talaga, sabihin man ni Milo na tigilan ko na ang panliligaw sa kanya, magturingan na magkapatid o magkaibigan,.. Di pa din ako titigil. Seryoso na kasi ako. Sa kanya lang ako nababakla (although Bi sya)

Anyway, lumabas ako ng canteen, hinanap ko sya sa buong campus. Shet! Milo nasan ka na ba? Alam ko schedule mo, bakit ganon? Nasan ka? Di na ko nakakain. Buong hapon hinanap ko sya, pero wala! Nagtanong tanong ako sa mga kaklase nya pero sabi nila, di na sya nakapasok after lunch!

Shet! Nag aalala na ko! Di ko alam kung magagalit o maiinis o magwawala ako. Ano nangyari sayo? Nasan ka na ba mahal ko? Minsan lang ako magmahal ng totoo, sayo lang, pero bakit nawala ka? Nasan ka ba?

Nangingilid na luha ko, nagbabadya ng tumulo ito. Mukha na akong baliw kakahanap sa kanya. Bakit nawala sya ng parang bula?

Maging pagpasok sa mga klase di ko na ginawa, mas mahalaga ang makita kita. Ikaw lang ang mahalaga!

Lumabas ako ng school, sinimulan kong hanapin ka sa lahat ng lugar, sa mga supermarket, convinient store, comshop, kapihan, carinderia, palengke at maging sa bahay, pero wala ka pa din.

Lubos na akong nag aalala. Alas otso na ng gabi, peri di pa din ako susuko. Nanhud man ang mga paa ko, kakalakad pabalik balik, tuloy pa din ako... At sa di inaasahang pagkakataon... "M-Milo?"

"Milo!!!!" sigaw ko ng may kagalakan matapos ko syang makita na nasa loob nang isang itim na kotse

Hinabol ko ito at alam kong nakita nya ko, dali dali syang nagkakalampag at nang di anu ano'y sa wakas huminto ang sasakyan

Mabilis akong lumapit, sinalubong ako ni Milo na puno ng luha

"Mi' a-anong nangyari sayo? San ka ba galing? Alalang alala na ko sayo" mangiyak ngiyak kong wika

"S-sorry Di' kung di ako nakapagpaalam, biglaan kasi ang lahat! Sorry kung nag alala ka" tuloy tuloy nyang iyak

"Shhhh okay na, basta wag mo ng uulitin ah, san ka ba galing at bakit ka umiiyak?"

"K-kasi ano e"

"Ano?" nag aalala na ako habang pinagmamasdan ko ang nahihirapan nyang sitwasyon kung magsasalita ba o hindi

"AHEM, ang drama naman ng bakla kong kapatid, ano ba? Tara na, oy! Ikaw, sumama ka!" may inis na bahid ng pananalita mula sa lalaking nakatayo sa tabi ng kotse.. Teka? Kapatid ba sabi nya????


Exchange Student BOOK 1 and 2Där berättelser lever. Upptäck nu