Hindi na nagdalawang isip ang dalaga at nagpaaakay na lang siya pabalik sa sofa.

Masakit ang puwit at balakang ko! I'm not alright! Kasalanan mo 'tong lalaki ka.

"Hey! Please, talk." sabi pa uli nito. Iniisip na baka masama ang bagsak niya.

"O-Okay lang ako." maikling sagot niya. Alam niyang may narinig ito o baka narinig nito lahat ng idinaldal niya. Siyeeettt!

"Are you sure?" paniniguro nito. Sincereness was written all over his face ngunit may halong amusement na maging ang tono nito.

"Pinagtatawanan mo ako?" sikmat ng dalaga na nagtaas pa ng isang kilay.

"I'm confused." sabi nito.

"Confused saan?" tanong ng dalaga.

"Alam naman nating dalawa na tayo lang ang narito, right?" pasakalye nito. May naglalarong ningning sa mga maiitim na mata.

"Yes. Why? Saan ba papunta ito?" kinakabahan ang dalaga sa hindi malamang kadahilanan.

"That made me think. Ako ba ang ipinanganak na guwapo o ang multong kabayo?" malawak ang ngiting tanong nito.

Anak ng mag-asawang tipaklong! Sabi ko na eh! Nakakahiya ka Kimmy!

Nakita ng binata ang pagpikit niya uli ng mariin at ang paghugot ng napakalalim na hininga.

Humagalpak ito ng tawa. Natulalang napako ang tingin ng dalaga rito. Pati pagtawa nito ay napakagandang pakinggan. May sexy rin palang halakhak.

Huminto ang lalaki. "I'm sorry." he said half heartedly. May bakas pa rin ng katuwaan ang mga mata.

"Pinagtatawanan mo nga ako." nag-aakusang wika ng dalaga. "Makapagluto na nga lang." akma siyang tatayo nang hilahin siya pabalik ng binata. "Aw!" hiyaw niya. Medyo masakit pa rin ang puwitan.

"Ops!" naaaliw na turan ng binata. Hindi niya naiintindihan kung bakit ganoon na lang ang tuwa niya habang ang dalaga ay naiinis sa kanya. Naku-cute-an siya rito. Depensa niya. "Anyway, don't bother. We'll just eat outside. Can you walk?" nakakaloko ang ngiting pagpapatuloy nito habang matatalim ang tingin sa kanya ng dalaga.

Hindi natuloy ang pagkain nila sa labas dahil talagang masakit ang balakang at puwitan ng dalaga. Nagpumilit na lamang siya sa lalaki na magluluto na lang ng hapunan nila.

"You cooked well, huh." sinserong puri sa kanya ng lalaki.

Nagkibit-balikat ang dalaga. "Thanks." Maikling sagot niya.

"Well...?" nakataas ang isang kilay ng lalaki ng magsalita. Halos patapos na silang kumain. "Nakapag-review ka ba?"

"Anong gusto mong malaman?" tanong ng dalaga.

"Everything." maikli ngunit puno ng kahulugang wika ng binata.

"The boss wants to know everything about his secretary, huh?" kung naiba-iba lang ang sitwasyon ay malamang na ma-oofend ang lalaki sa sarkasmo na hindi naitago ng dalaga.

"No. It's not the boss who's asking. It's just Dylan." diretso ang tingin nito. Hinuhuli ang kanyang mga mata.

Basag! Hindi nakaimik ang dalaga. Ano ang isasagot niya sa sinabi ng binata?

"Bakit?" Iyon ang unang namutawi sa bibig ng dalaga. "Kahapon lang tayo nagkita. Hindi ba parang masyado namang personal para sa isang employer-employee relationship?" prangkang tanong ng dalaga. Ngunit tila balewala lang sa binata iyon.

"Honestly, naniniwala ako na hindi lang tayo kahapon nagkita." his voice was husky. Parang hinihipnotismo nito ang dalaga.

Nagyuko ng ulo si Kimmy. Hindi niya gustong may mabasa ang lalaki sa kanyang mga mata. Madali lang siyang ipagkakanulo ng mga iyon.

Forever Starts With YouWhere stories live. Discover now