Chapter 34: Akala Ko

Magsimula sa umpisa
                                    

I held the doorknob and opened the door without knocking. And to my surprise, tumambad sa aking mapupungay na mata ang pinakamamahal kong si Joaquin. Si Joaquin nga ang nakikita ko.... siyang siya! It's raining man! Alleluia! Gwapo, malaki ang dibdib, six pack ang abs, at higit sa lahat..... MALAKI! Oo, malaki ang hinaharap niya at malago 'yung gilid nun. Hubo't hubad lang naman siyang bumandera sa pagkababae kong 'to.

"Oh SHIT" bigla siyang napamura sabay biglang takip ng puting twalya sa pang-ibaba niya. Kakagaling lang ata sa pagligo.

Ako nama'y kunwa kunwang tinakpan ang mata ng aking kamay ngunit butas naman ang gitna kaya nakikita ko pa rin siya.

"Oh My God Joaquin, anong ginagawa mo? AHHH!" kunwaring pagkarita ko na patili. Parang nakita ko na ang ganitong eksena sa mga romantic comedies. Si babae, nakita si lalaking walang saplot tapos nakita niya yung pinakatago-tagong putotoy ng crush niya. Basta pag nakita ni babae ang 'ibon mang may layang lumipad' ni lalaki, e nagkakatuluyan sila sa ending. Does it mean, kami ang magkakatuluyan ni Papa Joaquin?

"Ako dapat ang magtanong. Anong ginagawa mo rito? Trespassing ka ha?" may galit sa tono niya.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "Ouch, grabe makahawak?" daing ko.

"Ba't pumunta ka pa rito?" bigla na rin niyang binitawan ang braso ko. "Aalis na rin ako"

Napasimangot akong bigla.
"Aalis ka? Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa 'kin? Ganyan naman kayong mga lalaki. Aalis kayo ng walang paalam tapos hindi na kayo babalik. Yun pala, may iba ng mahal..." sabi ko with hugot.

"Ha?" kumunot ang noo niya. " Anong pinagsasabi mo Alex?"

Napabuntong hininga ako para hindi niya mahalata na half meant ang sinasabi ko. "What I mean is..... aalis ka na hindi mo ako sinasabihan? Dahil ba hindi mo kayang humarap sa mukha ko dahil sa mga kasinungalingan mo?" sabi ko nang paseryoso. "Ang galing mo Joaquin, napaniwala mo ko. Napaniwala mo ako na MAHAL mo ako!"

Ano yun? Hindi naman yun ang dapat na sasabihin ko pero kusa iyong lumabas sa bibig ko. Ang sasabihin ko sana'y ang kasinungalingan niya sa pagpapanggap na ampon siya ni Aling Corazon, at sa mga istoryang sinabi niya sa 'kin na pinaniwalaan ko naman.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ALEX? THERE WAS NEVER AN US!" malutong niyang sambit na tila pinagkuhanan niya ng linya sa isang popular na pelikula. "Wag kang ASSUMING!"

Ouch, sakit nun! Ako assuming? Oo, pero masama bang mag-assume?

"Alex... tama ang iniisip mo. Nagsinungaling ako sayo, sa lahat, kung ayan talaga ang pinunta mo rito. Ayoko ng magpaliwanag.... makakaalis ka na..."

Para akong napipi sa kumpisal niya. Wala naman kaseng bale sa 'kin kung nagsinungaling siya o hindi. Kaya lang naman ako nagpunta rito kase.... I THINK I'M FALLING IN LOVE WITH HIM. Gusto kong magtapat, wala akong pakialam kung babae pa ako o ano.

I gain my composure. Nagcross arm ako para mafeel niyang confident ako. " I don't care Joaquin. All I care, is I care."

Tila nagbuhol buhol ang pananalita ko na maging ako'y di ko maintindihan ang sinasabi. Lalong napakunot ang noo niya.

"Ano? Alex... alam ko na ang iniisip mo....." tuso niyang pagngisi.

Nagsalubong muli ang kilay ko dahil di ko nagets ang sinabi niya. "W-what do you mean?

"Huh? Hindi ako manhid Alex... simula pa lang alam kong patay na patay ka na sa 'kin. Obvious naman e diba? Kaya inasahan ko na rin na darating ka para hanapin ako..."

"So, anong gusto mong palabasin?" tanong ko.

"Ibang klase ka rin pala.... Gagawin mo lahat para sa lalaking matipuhan mo... Kahit alam mong binilog niya ang ulo mo simula't sapul."

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa mga binitiwang salita ng Joaquin ito. May katotohanan ang sinasabi niya pero iba ang atake nito sa 'kin para akong nabastos. Nakakagalit pero hindi ko siya magawang pagtaasan ng boses sa kaprangkahan niya.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa 'kin Joaquin?" sabi ko na medyo teary eyed na.

"Wala akong sinabi," pagkibit balikat niya. "Gusto ko lang marealize mo na, may mga bagay na hindi pwede, kahit mahal mo na yung tao. Sorry Alex, hindi tayo pwede."

Bigla na lang tumulo yung luha sa mga mata ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Di ko maexplain kung bakit nag-iinarte ako ng ganito. At ako pa talaga ang rejected? E ako naman tong tonta e. Pa obvious masyado kaya hayan, napaglaruan ng isang lalaking Pa-Fall.

"Grabe ka Joaquin. Akala ko...."

"Mali ka ng akala Alex. I'm sorry kung napaglaruan ko ang feelings mo."

Once again, ang sakit sakit. Para akong sinaksak ng patalim sa puso.

"Ok. Thank you for making me realize that love is only a feeling," di na magkamayaw sa pagtulo ng luha ko sa sobrang sakit. Pansin kong feeling sorry naman 'tong si Joaquin.

"I'm sorry Alex. Hindi ko intensyong..."

"No Joaquin.... I'm okay..."

"I'm sorry talaga," pag-ulit niya. Lumapit muli siya upang amuhin ako.

"I'm okay, naiintindihan ko..... Makakaalis ka na Joaquin.."

Ramdam ko yung lungkot sa mga mata ni Joaquin. E sino ba namang hindi maaawa sa 'kin e kung makaiyak pa naman ako parang namatay lahat ng kuko ko sa paa.

Habang nag-eemo ako'y bigla akong kinalabit ni Joaquin sa balikat.

"Bakit?"- ako.

"Bahay ko pala 'to. Ikaw ang umalis...."

Tingnan mo nga naman o? Dahil sa pag-eemote ko'y nakalimutan kong ako pala ang bwisita sa pamamahay na 'to.

"Sorry naman.... O sige... BYE!"

Lumabas na ako ng pinto papalabas. Lalo akong napaiyak sa sakit, para akong batang inagawan ng lollipop na strawberry flavor. Peyborit ko kase yun nung bata ako.

Malapit na ako papalabas ng gate nang biglang tawagin ako ni Joaquin.

"Alex!"

Nawala ng panandalian ang sama ng loob ko nang tawagin ni Joaquin ang unisex kong pangalan. Humarap ako sa kanya na tila ba nag-aanticipate ng isang big surprise.

"Bakit?"

"Alex..... pakisara naman nung gate pag lumabas ka..."

Ay pisti talaga?! Nag-eemo na ako dito at ako pa talaga ang utusang magsara mg gate?

Sinunod ko naman ang utos niya at isinara ko naman ang gate.

"Alex?"


Napalingong muli ako sa lalaking nakatapis ng puting twalyang tumawag sa napakaganda kong pangalan. Kahit pangalawang beses na niyang tinawag ang pangalan ko'y nag-eexpect ako ng something positive na mangyayari in favor of me. 'Yung tipong he'll say sorry to me, na hindi niya intention na ma-hurt ang feelings ko, na mahal talaga niya ako.

"Bakit?"

"Alex... pa favor naman. Kung makasalubong mo yung matandang maitim na lalaki na may puting buhok sa daan pakisabi naman wala ako. Ok thanks, bye..."

Ay deputang Joaquin? Ano ako, Yaya niya? Yaya Dub lang ang peg? Kaimbyerna

Sawi ako ngayon sa pag-ibig. It's official, I'm heartbroken. Mas masakit pa to sa break up namin ni Gerome.

Eksakto, nakasalubong ko yung matandang tinutukoy sa 'kin ni Joaquin sa daan.

"Lolo, pupunta ho ba kayo sa bahay ni Joaquin?" tanong ko sa matanda.

"Aba'y OO. Maniningil ako ng utang!"

"Perfect ang timing niyo ho. Nandun pa siya sa bahay. Bilisan niyo na lang dahil aalis na siya ng tuluyan...."

"Ala e... Sige salamat iha"

Boom Panes!













How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon