Grow Old With You (Short Story)

275 5 2
                                    

Note:

Dahil sa napanuod kong video sa YouTube na "Grow Old With You", na-isipan ko na gumawa nang story. Let me say, na-touch ako sa kwentong yun. :'> Haha! Just bear with it guys. Try to read this one. :D

ENJOY READING! :D

 PS: Click niyo yung video sa right side tapos pakinggan niyo :)))

Copyright © 2013

_______________________

♫♪I wanna make you smile

    Whenever you're sad

    Carry you around when your arthritis is bad

    Oh all I wanna do

    Is grow old with you ♫ ♪

"Oh friend, pinapakinggan mo nanaman yan" - si Janice bestfriend ko.

"H-ha? a-ah ano ka ba! Haha, yun ang pinatugtog sa radio eh atska ano.." ano nga ba ang pwede kong palusot? =_=

"Ano?" tanong niya naman sa akin sabay ngiti niya ng nakakaloko

"A-ano.. a-ahh.. Pssh! Teka nga muna! Eh bakit ganyan ka ba maka-ngiti? Alam mo Janice kinikilabutan ako sa'yo ha! Umayos ka nga! Atska, kasalanan ko ba kung yun ang pinatugtog sa radio.." ok? can I say na ba na ok yung palusot ko? =_=" Haha!

"Oh, ba't masyado ka atang defensive? Atska hello! Ang liit lang nung sinabi ko samantalang yung sa'yo ang haba ng speech mo. Hahaha!" naku naman po.. Nang-aasar na naman. (_ _")

Ang haba na nang convo namin pero di pa pala ako nagpapakilala. :)) By the way, I'm Sabrina Valdez graduating student sana sa college kaya lang huminto ako sa pag-aaral

because I'm sick..

For short

I'm dying..

I have a leukemia at nasa stage 2 na yung sakit ko.

Everytime na naririnig ko yung kantang

"Grow Old With You"

may naaalala akong tao

Isa sa pinaka'mahalagang tao sa buhay ko.

Pero ngayon..

Isa na lamang siyang masayang alaala nang buhay ko..

*FLASHBACK*

**

"Sab? Ba't may mga pasa ka sa braso mo?" tanong ni Janice sa akin. Agad naman akong napatingin sa braso ko at andami ko ngang pasa sa katawan yung tipong daig pa na binugbog ako.

"A-ah, baka nabunggo lang ako kanina tapos di ko lang namalayan na nagkaroon na pala ako nang pasa.."

"Pero grabe naman kung hindi mo namalayan na nabunggo ka pala. Atska tignan mo nga, parang 'di naman normal na pasa lang yan.." sa boses pa lang ni Janice halata mo sa kanya na nag-aalala talaga siya sa akin.

Iniba ko na lang yung topic para di niya pansinin yung pasa ko sa katawan. Kinabukasan paggising ko sa umaga, maliligo na sana ako ng mapansin ko na meron na namang pasa sa kabilang braso ko but this time mas malala na siya parang namamaga na ewan yung pasa sa katawan ko.

Grow Old With You (Short Story)Where stories live. Discover now