The other side of DEVIL -- Chapter 2

473 12 5
                                    

(Jed's POV)

"Hi rice! teddy bear for you." Ganyan ang laging salubong ko sa kanya kapag sinusundo ko siya. Maniwala man kayo o hindi limang buwan ko na siyang nililigawan at sa loob ng limang buwan na yun araw-araw ko siyang binibigyan ng teddy bear na maliit. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya dun ehh. Baka mamaya sinasako lang niya yun. Haaaays sana naman hindi.

Kung nagtataka kayo kung bakit teddy bear kesa sa roses. Ang sagot ay dahil special si rice sa akin. Rose na ang binibigay ko sa mga babaeng pinaglaruan ko noon ehh, pero iba si rice sa kanila kaya teddy bear ang binibigay ko sa kanya.

"Thanks." Yan lang ang lagi niyang sinasabi tapos kinukuha niya yung teddy bear at nilalagay sa bag niya. Tapos magsisimula na kaming maglakad pauwi.

"Ahm, rice akin na yang bag mo baka mabigat ehh." Sabay kuha nung bag niya pero kinuha niya agad. Kahit kelan talaga ayaw niyang ipabitbit yung bag niya sa akin.

"Hindi na, magaan lang to noh. Hindi naman ako baldado at higit sa lahat hindi naman kita alalay para magbitbit ng gamit ko." Nasabi ko na bang sumungit sa akin si rice simula nung umamin ako sa kanya. Pero hindi dahilan yun para sumuko ako. Marami na akong babaeng nakuha dapat yung babaeng mahal ko makuha ko din.

"Ehh ano ba ako para sayo?" BOOM! Yan ang tanong na kay rice ko palang natatanong. Sa iba kasi sila ang nagtatanong niyan sa akin ehh.

"Kaibigan..." Ohh? Kaibigan niya ako? Yes! Konti nalang mahal na niya ako!!! "...ng kuya ko. At dakilang taga-sundo ko." BOOM BOOM BOOM! Aray naman rice. Ganun lang ba talaga ako? Manliligaw mo din kaya ako, haaaays.

"Rice, manliligaw mo din kaya ako. Grabe ka naman limang buwan na akong nanliligaw sayo tapos hindi mo man lang ako narerecognize?"

"Ayyy, oo nga pala ikaw din pala ang desperado kong lover. Hahahaha!" Aba't talaga naman! Nako rice! Kung hindi lang kita mahal nako! Matagal na kitang pinatulan. 

"Aiiish, Grabe ka talaga rice, pasalamat ka mahal kita!" 

"Salamat!" tapos ngumiti pa siya ng pagka-lapad lapad. Mabuti nalang din at hindi ako pikon. Tsk! Minsan kasi nakakapikon na din to ehh. Kahit konti man lang ba hindi nadevelop yung feelings niya para sa akin? Sa loob ng limang buwan kong pagiging sweet sa kanya? Baka abutin pa ako ng isang dekada para lang mapasagot tong babaeng to. Tsk! Pero okay lang, mapasagot ko lang siya. Haha!

"Psssh. Halika na nga." Tapos kinuha ko yung bag niya at tumakbo. Dahil inasar niya ako kailangan kong gumanti! Mwahahaha!

"Hoy! Jed! Akin na yang bag ko! Tsk! Hoy! Nakakainis to!" Sabi niya habang tumatakbo. Haha, sige lang rice, minsan ikaw naman ang maghabol sa akin hahaha.

Nakatawid na ako ng kabilang kalsada, siya naman nandun pa din sa kabila, ang bagal pala niyang tumakbo haha. Ang i-iksi kasi ng legs ehh hahaha. Kanina pa ako tawa ng tawa dito habang hinihintay siya makatawid. Malamang pagod na to. Bumabagal na ehh.

*BEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!*

TAENA! MAPAPATAY KO PA ATA TONG BABAENG MAHAL KO. Mabuti nalang at nakatakbo ako agad sa gitna at nahila si rice. Kundi nag-aagaw buhay na to sa ospital ngayon. Tsk. Ang g@go din kasi ng driver ehh nuh? Marunong bumusina, di marunong prumeno.

"Uhm, ano jed. Salamat pwede mo na akong bitawan." Oo nga pala naka-yakap pa ako sa kanya. 

"Ahh, ano sorry kung hindi dahil sakin di sana nangyari yun. Muntik ka pang mapahamak. Tsk. Eto nga pala bag mo, halika na." Tapos inabot ko na yung bag niya sa kanya.

"Ano ka ba.. Kung hindi sin dahil sayo nasa ER na ako ngayon. Okay lang wag mo nalang ulitin. Geh halika na." Wait? Tama ba yung rinig ko? Parang anghel na rice yung narinig ko ahh? Oh well, nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

The other side of DEVIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon