The other side of DEVIL -- Prologue

2K 35 31
                                    

(A/N: Side story po ito ng 'SWITCHED and stuck with you' BUT! maiintindihan mo to kahit hindi mo basahin ang SASWY. Yun lang :) Enjoy my imaginations! Thank you :* )

Prologue:

I am Sebastian Jed Hernandez. Jed for short, a well-known heart breaker, and also known as DEVIL.

Nanloloko, nagpapa-iyak, at nababasag ng puso ng mga babae. Expert ako dyan, at hindi ako nakokonsensya dahil sanay na ako. Lahat yan ginagawa ko para sa pangalan ko, in short for FAME.

First year high school ako simula nang malipat ako isang all boys school at dito nagsimula ang lahat. Ang school na to ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Ayoko naman talagang maging ganito nung una ehh. Pero wala akong choice.

May isang gang sa school na to na kinatatakutan ng lahat, ang EVIL KINGS. Hindi sila gangster pero maimpluwensya silang tao. Ayy mali pala, ang leader lang nila ang maimpluwensyang tao na dahilan para katakutan siya ng lahat ng estudyante dito kahit pa mga kasali sa gang.

Si Alexander Hunter Ocampo, ang leader ng evil kings na mas kilala bilang SATAN. Siya ang taong nagpasok sa akin sa gang, kahit ayaw ko wala akong magagawa dahil may utang na loob ako sa kanya.

Siya lang naman ang taong tumulong sa akin nung naaapi pa ako dito sa school na to. Ganun kasi mang-welcome sa school na to, ina-api ka. At dahil nakita ni Hunter na lumalaban ako kahit na ina-api ako nakita niyang matapang ako, kaya walang kahirap hirap akong naka-pasok sa gang na to dahil ang mismong leader nila ang nagpasok sa akin.

Oo, walang kahirap hirap, hindi katulad ng iba na kailangan munang dumaan sa butas ng karayom bago makapasok. Yung halos mamamatay ka muna bago ka maka-pasok, pero sabi ng iba sulit naman daw, dahil kapag nasa gang ka na isa ka na sa katatakutan.

Nung una ayoko talaga, pero sabi ko nga no choice ako dahil once na naka-pasok ka na sa gang, mahihirapan ka nang umalis dahil kung gaano kahirap pumasok ganun din kahirap lumabas. At hindi ibig sabihin na wala akong hirap sa pag-pasok sa gang na to ay wala na rin akong hirap sa paglabas dito.

Hindi naman nagtagal ay unti-unti kong nagugustuhan ang gang na to, at ngayon ayoko na ngang umalis pa ng gang na to. Bukod sa masayang kasama ang mga kaibigan ko dito. Nasiyahan na din ako sa ginagawa namin.

Ano nga ba talaga ang objective ng evil kings? 

Hindi kami gangster na away doon, away dito, at away kahit saan. Isa kaming gang ng mga heart breaker. Kung saan sadyang binabasag namin ang puso ng mga babae. Para saan? Sa FAME!

Sa school na to, sikat ka kapag marami kang napa-iyak na babae. Pero ang mas malupit! Sikat ka kapag nabasag mo ang puso ng isang heart broken. Gets niyo? Kumbaga, liligawan mo ang isang taong heart broken, pa-iibigin mo siya pagkatapos ay babasagin mo lang ang puso niya.

Sounds evil right? Malamang! EVIL KINGS nga kami ehh. Wala kaming awa sa babae. At kami rin yung tipo ng lalaki na hindi alam ang salitang TRUE LOVE.

I mean, sila lang pala...

Nagmahal na ako, ayyt hindi. Nagmamahal ako, kaso hinding hindi pwedeng maging kami. Bawal! Hindi bawal sa magulang o dahil may iba na siya. Pero bawal dahil sa isang RULE.

Siya si Hannah Clarice Ocampo, kapatid ni hunter.

Minsan naiisip ko, pwede namang maging kami. Basta kaya ko siyang ipaglaban, at kaya kong kalabanin ang kamatayan. Hindi naman dahilan ang pagiging evil ko para hindi maging manhid pagdating sa pagmamahal. Marunong pa rin naman akong magmahal ng TOTOO, hindi nga lang pwede.

Ang alam ko lang dahil sa pagmamahal, kaya mo namang magbago at kaya mong ipakita ang ibang ikaw. Parang ako lang, simula pa nang minahal ko siya, I can show the other side of me, THE OTHER SIDE OF DEVIL. Pero sa kanya lang ;)

*****

Louise's Note:  (Yung DEVIL at SATAN ay parang codename nila sa gang ;))

So how was the prologue? :)

BTW, SHORT STORY lang po ito, nasa 3-5 Chaps lang siguro :)

VOTE? COMMENT? SPREAD?

THANK YOU MUCH. \(^__^)/

The other side of DEVIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon