Chapter 9

2K 35 0
                                    

Chapter 9

Creepy

Kristine's POV

"Mukhang type ka ni Kuya." Sa lahat-lahat ng mga sinabi niya sa akin sa umagang ito. Doon ako pinakanainis. I mean, kung nangiinis man siya ha. Kasi, seryoso? Sinasabi niya sa'kin iyon? Isa pa, sinong matino ang maniniwala sa sinabi niyang iyon?

"Bff, imposible. Kasi kahapon lang, tinapat niya ko na I am not his type and I assumed that I will never be his type at pinagpasalamat ko 'yon. Kaya imposible iyang sinasabi mo." Natigilan naman siya matapos iyon. Kunot noo akong nag-focus sa kanya. Grabe lang ha. Hindi ko na matapos itong kinakain ko. Binaba ko ulit yung kutsara kong isusubo ko na lang ulit sana sa bibig ko. Saka ako ulit mataman na tumitig sa kanya.

"Ano ba? Papaubos mo ba muna 'tong breakfast ko sa'kin o magpapatuloy ka muna sa pagdaldal diyan hanggang sa lumamig yung pagkain?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Teka lang kasi, last question na." nagkibit balikat naman ako at hinayaan siyang magpatuloy.

"Sinabi niya ba talaga 'yon?" Nangunot muli yung noo ko.

"Ang alin?" nangimi naman siya saka siya naman yung tumitig sa pagkain niya at sumubo.

"Na hindi ka niya type." Tumango ako bilang kumpirmasyon.

"I mean, hindi ko naman din kasi tinanong kung type niya ko o ano. Pero bigla niya na lang kasing sinabi 'yon. Kaya nakakainis din, kasi ang tanong ko lang naman sa kanya ay kung mukha pa ba akong nerd dahil sa make over na nangyari." Paliwanag ko pa sa kanya. Nanatili naman siyang nakatulala at nakanganga na nakatitig sa'kin hanggang matapos ko iyon.

Ano bang big deal doon?

"Hoy, bff! Baka ma-late tayo. Hello?" kumaway-kaway pa ko sa harap ng mukha niya. Napasandal ako sa upuan ko saka ako humalukipkip. Anong nangyari rito? Na-stroke yata?

"Iwan na kita? Di ako magdadalawang isip." Sunod na sabi ko pa. Umangat naman siya sa inuupuan niya saka niya ko inabot at hinampas sa braso. I winced.

"Masakit!"

"Gaga ka kasi!" Ganting sigaw niya pa.

"Hala at ako pa nga? Ikaw itong parang tanga na natulala bigla diyan." Sabi ko saka ako tumuon na at nagpatuloy ulit sa kinakain habang umiiling-iling.

"Nakatulala ba ko?" She laughed in an awkward way.

"Don't mind me. Sige na kain na tayo ulit." Nag-peace sign pa siya saka naging sunud-sunod na yung pagsubo niya. Ganon na lang din yung ginawa ko. Hindi ako pwedeng pumasok ng walang laman yung tiyan ko. Kailangan ko 'to para sa utak ko.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala nang nagsalita sa amin. Nag-ayos naman na agad ako. I also applied those remedies Tita Bree gave me yesterday. Sumusunod lang ako sa kanya. Bilang masunurin naman talaga akong bata.

Saktong eight am nang makarating kami ni Sophie sa school. Hindi ko kinalimutan yung cap dahil ayokong ipakita yung buhok ko sa mga tao rito sa school. Ayos na siguro yung makita nilang hindi ako nakasalamin. Dali-dali kaming tumakbo ni Sophie nang mag-ring na yung bell. Hihingal-hingal pa kami nang marating naming yung room, mabuti at wala pa yung teacher namin.

Ang kaso, yung mga mata nitong kaklase ko lahat nakatuon sa'kin. Naramdaman ko naman yung paghawak ni Sophie sa braso ko saka niya iyon bahagyang diniinan. Napatingin ako sa kanya. She's smiling at me na para bang sinabi na there's nothing to worry about kasi kasama ko siya. Ngumiti ako pabalik.

"Chin up and be proud. Okay?" Kinindatan niya pa ko matapos non. Kaya kahit na nahihiya ako. Sumunod na lang din ako sa kanya. Pilit na pilit iyon because I still don't have the confidence na kailangan ko ngayon.

Love Me, then I'll Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon